10

15.8K 355 6
                                    

“NAGMUMUKHA NA akong anino rito Eris ah?”

Natawa na lamang si Eris sa reklamong iyon ni Chernin. Naroon sila sa hapag-kainan upang kumain ng dinner. Hindi naman kasi niya maibuhos ang oras sa mga kaibigan. Para kasing naka-mind-set na siyang kay Shion lamang niya ipo-focus ang atensiyon niya habang naroon.

“Huwag ka na ngang magtampo diyan Chernin. As if naman hindi ka nag-e-enjoy samantalang nakita kitang may kalampungan sa bayan.” Natatawang buko ni Freida.

“Shut up Freida.”

Tawa lamang ang isinagot roon ni Chernin. Sina Freida at ang fiancé nito ay abala sa pagsusubuan ng pagkain. Arrgghh! Bakit ba napaka-PDA ng dalawang ito? 

Naiinggit ka lang..

Hindi ‘noh! Mabilis na sagot niya sa isipan niya.

“By the way guys, may gusto akong sabihin sa inyo.” Agaw-pansin ni Shion.

“Go on.” Ani Chernin na kanina’y abala lamang sa pagkain habang abot ang kakapindot sa cellphone nito.

“I’m flying to Hongkong. Pagbalik natin bukas sa Manila, aayusin ko na ang ticket at passport ko.” Seryosong saad nito.

Nabanggit na iyon sa kaniya ni Shion. Malungkot isipin na pansamantala itong aalis pero masaya siya dahil amaayos na ang family issue nito. Iyon lang naman ang hangad niya, ang sumaya si Shion. Nangako rin naman itong babalik ito para sa kaniya. At umaasa siya sa sinabi nitong iyon.

“Why?” tanong ni Freida.

“May kailangan lang akong ayusin.”

“So, mags-stay ka na sa Hongkong ulit?” nag-aalangang tanong ni Chernin habang nakatingin sa kaniya.

Umiling si Shion. “No. Babalik din agad ako dito.”

Awtomatikong napangiti si Eris sa sinabi ni Shion. Napatingin siya kay Chernin na titig na titig sa kaniya. May kakaibang ngiti sa labi nito. Kailangan nga pala niyang makausap si Chernin. She needs to tell her na nagtagumpay siya sa pinagawa nito.

“Siyempre babalik iyan, narito si Eris eh.” Natatawang wika ni Freida.

“Oo nga pala. Nahuli ko kasi ang mga iyan na naglalampungan.” Kasunod ng sinabing iyon ni Chernin ang pamumula ng pisngi niya. 

Umani siya ng tukso sa mga kaibigan. Siya naman ay tahimik lamang at itinutok na lamang ang pansin sa kinakain. Paano pa kaya ‘pag nalaman ng mga ito na nagka-aminan na sila ng feelings ni Shion? Matindi-tinding panunukso ang aabutin niya sa mga ito, panigurado!

~

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon