5

16.5K 369 2
                                    

ERIS smiled nang madatnan si Shion na naghihintay sa harap ng Pink Blossoms. Bumaba siya ng kotse niya saka ito nilapitan.

“Hey.” Nakangiting bati niya rito.

“Eris..”

“Kanina ka pa?” tanong niya.

“No, I just arrived. Wala pang five minutes.” Nakangiting sagot nito.

“Let’s go?” yaya niya.

“Sure.” Anito na nakasunod sa kaniya. “Kotse ko nalang ang gamitin natin Eris.” Anito.

Lumingon siya rito. “Are you sure? Baka mabilis kang magpatakbo.” Biro niya.

“I promise I won’t.” iminustra pa nito ang kanang kamay nito signing promise.

“Fine.” Aniya saka sumunod rito sa kotse nito.

Inalalayan siya nito sa pagsakay. Ito rin ang nagkabit ng seatbelt sa kaniya. Napaka-asikaso naman ng mokong na ito.

Nang simulan na nitong paandarin ang kotse ay sinabi niya ritong sa mall na lamang sila pumunta upang pagka-breakfast ay makapamasyal pa sila.

Hindi siya siguradong pero parang napansin niya ang pagba-blush ng pisngi ni Shion. Ewan, siguro’y dahil mestizo ito.

“We’re here.” Naalimpungatan si Eris nang marinig ang boses ni Shion. Naidlip na pala siya sa kotse. 

Muli siyang inalalayan nito pagbaba. “Saan tayo?”

“Hmm, let’s go to Greenwich. Nagke-crave ako sa Lasagna.”

“This morning?”

“Yeah. Iyon ang trip kong breakfast eh.” Nakangiting saad niya saka hinila si Shion papasok ng mall.

Nang marating ang Greenwich ay naupo sila sa bakanteng mesa sa bandang sulok. “Ako na ang o-order.” Presinta nito.

“Hm, sige!” masiglang sagot niya.

“What do you like?” tanong ni Shion.

“I want Lasagna Supreme, Hawaiian Classic Pizza, Pizza Fries and Pineapple Juice.” Nakangiting wika niya.

“Are you sure, kaya mong ubusin ang lahat ng iyon?” hindi makapaniwalang tanong nito.

“Share naman tayo eh. Ikaw na ang bahalang magdagdag ng gusto mo.”

“O-Okay.” Anito. “O-order na’ko.”

“Okay.” Aniya saka siya iniwan nito.

Habang naghihintay kay Shion ay hindi maiwasan ni Eris ang tumingin-tingin sa paligid. Napatigil lamang siya ng marinig ang usapan ng mga estudyanteng nasa kabilang mesa. 

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon