7

16.9K 356 2
                                    

PIGIL sa pag-ngiti si Eris dahil sa ginawa ni Shion. She didn't expect that he'll do that. 

Gayunpaman, nagustuhan niya iyon. At ang madulas siya kanina that she's already fallin' for him? It's definitely true. Kung paano man iyon nag-simula, hindi niya alam. Basta sa tuwing tititig siya sa mukha nito, sa tuwing kasama niya ito ay masaya siya at magaan ang pakiramdam niya. komportableng-komportable na siya sa piling ng binata.

"Hey. Ang bilis mo namang maglakad Eris." Reklamo ni Shion habang habol-habol siya. 

Hindi pa niya kayang tumingin rito. Naiilang siya. Pero para rito, parang balewala lang ang ginawa nito. What kind of guy he is?

"E'di bilisan mo din." Mataray na sagot niya habang patuloy sa paglalakad. 

Nang maabutan siya nito ay hinapit siya nito sa bewang. "Eris.."

Naramdaman niya ang tila maliliit na kuryenteng dumadaloy sa buong sistema niya ng lumapat ang mga kamay nito sa baywang niya kaya agad siyang kumawala  rito. "Shion, huwag ka ngang ganyan." Sita niya. 

"Anong huwag ganito?"

"You kissed me a while ago tapos ngayon hahapitin mo'ko? Nakakahiya."

"Sorry. Okay? Huwag ka ng mainis. Forget it. Saan na tayo ngayon?"

Kunwari'y nag-isip siya. "Sa mens boutique." Nakangiting saad niya. 

Ipinagsawalang-bahala na lamang muna niya ang ginawa nitong pag-halik sa kaniya. Ayaw na niya iyong pag-usapan dahil nakakaramdam siya ng pagka-pahiya. Isa pa, habang iniisip niya ang anngyari ay lalong lumilinaw sa isip niya na nahuhulog na siay rito. No, it can’t be. 

Umiling-iling si Shion. "Oh, alam ko na kung saan patungo 'to." 

"Basta. Let's go there." 

"I know what you're thinking Eris.."

"Sige na?"

"No."

"Nagawa mo na ngang palitan ang hair style mo. Dapat pati na rin ang pananamit mo." Aniya. 

In fact, she was really happy na nagawa niya itong pagpalitin ng hair style. Sinubukan niya lamang iyon dahil ang alam niya, aayaw ito. But in her surprise, pumayag ito. And looking at him now, hindi na siya mukhang gangster kahit pa naka-all black attire ito. Ilang beses na niyang sinabi sa isip niya na talagang guwapo ito o mas gumwapo pa. 

"Oo nga eh. Nagawa ko na iyon. Pati ba naman pananamit ko?"

"Please?" She look at him with her puppy eyes. 

"Eris, huwag mo akong tingnan ng ganyan."

Nanatili siyang nakatingin rito. Dinagdagan pa niya iyon ng kaunting pagpapa-cute. 

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon