1~

55.8K 667 28
                                    

ABALA si Eris sa pagtse-tsek ng mga bulaklak na ide-deliver at i-pi-pick up sa araw na iyon.

"Hi Eris!"

Napadako ang tingin niya sa kung sinong tumawag sa kaniya mula sa pintuan ng shop niya - ang Pink Blossom Flower Shop. Lahat ng uri ng bulaklak ay mayroon sila. Sumikat na ang shop niya sa buong Pilipinas. 

"Bakit ka naman naparito? Busy ako." Seryosong wika niya sa kaibigang si Chernin. Napansin niya ang dala nitong wine paperbag. 

"Ang sungit mo naman." Anito saka lumapit sa kaniya. Nakipag-beso pa ito sa kaniya bago iniabot sa kaniya ang dala nitong wine. 

"Ano 'to?" Tanong niya rito. Iniipit muna niya ang hawak na papel sa bandang kilikili niya saka binuklat ang paperbag. "Wine?"

"Yeah. Nakakainis ka. Kararating ko lang galing Hongkong pero parang 'di ka natuwang makita ako. Kaibigan ba talaga kita? Ikaw pa naman ang una kong pinuntahan." May pagtatampo sa tinig nito. 

Si Chernin ay isa sa kaibigan niya bukod kay Freida. Ito ang pinakamatagal na niyang kilala. Naging classmate kasi niya ito noong fourth year high school siya. Samantalang ang tatlo pa niyang kaibigan na si Freida ay nakilala nila nang mag-kolehiyo sila. 

In short, ito ang closest niya sa kanilang tatlo. Naging mabuti silang magkakaibigan hanggang sa kasalukuyan. She still remembered how they made a pinky promise in each of them. They promised that after they graduated in college, kailangang maging succesful businesswoman silang tatlo. Walang maiiwan. Kailangan lahat sila. At iyon nga, dahil sa sipag at determinasyon nilang tatlo, natupad nila iyon. They are all now a popular businesswomen. 

"Sus! Parang dalawang araw ka lang naman nawala. Para ngang sa probinsiya ka lang nanggaling." Ipinatong niya ang wine sa mini table roon sa loob ng shop niya saka ito muling hinarap. "At talagang wine pa ang pasalubong mo? As if naman hindi kami sagana sa wine sa bar mo? Sana, iyong Disney Land na lamang ang ipinasalubong mo." Pagbibiro niya. 

Paano ba naman sila hindi magiging sagana sa wine gayong ang popular business nito ay ang Pink Smoky Bar. Sa tuwing may free time sila ay madalas silang tumatambay roon at free sila sa lahat ng klase ng alak na kanilang inumin. 

"Eto naman. Imported iyan 'no! Sungit mo talaga. May buwanang-dalaw?" Anito. 

Ugali na ni Chernin ang pagiging straight forward. Free woman ito at walang pakialam kung may masasagasaan itong tao. 

"Isigaw mo pa." Inirapan niya ito. "I'm just tired. Can't you see, marami pa akong tina-trabaho. Pupunta na lang ako mamayang gabi sa bar mo. Doon na tayo mag-kuwentuhan." Nagsimula ulit siyang mag-tsek ng mga bulaklak. 

"Sige!" Excited na sagot nito. "Basta make sure na pupunta ka talaga ha? May ipapakilala kasi ako sa'yo. I-rereto ko siya sa’yo Eris. Pinsan ko from Hongkong. Guwapo siya, maya-“

"I'm not interested." Mabilis niyang sagot. Wala itong tigil sa pag-re-reto sa kaniya sa kung sinu-sino. 

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon