9

15.9K 349 2
                                    

NATATAWA PA RIN si Shion sa nakitang reaksyon ni Eris kanina nang sabihin niya sa batang si Sarah na ayaw magpaligaw ni Eris sa kaniya. 

Napansin kasi niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Why she's acting like that in the past few days? May kakaiba talaga rito. 

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kararatinglamang nila sa burol at doon niya natunghayan kung gaano ka-ganda ang kalikasan. "Wonderful."

"See? Maganda talaga dito."

"Wala kasing ganito sa Hongkong." Aniya. 

"Sabi nga nila, it's more fun in the philippines!" Masiglang wika ni Eris. 

"Oo na." Pa-upo na siya sa lilim ng puno nang sumigaw si Eris. 

"Oh! I forgot the food. May pinahanda nga pala ako kay Aling Trining na picnic basket. Mabuti pa, babalikan ko sa mansiyon." 

"No Eris. Sasamahan kita."

"Ano ka ba? Sanay na'ko rito. Kahit gabi, makakapunta ako dito ng mag-isa. Dito na lang kayo ni Sarah. Hintayin niyo 'ko okay?"

Ayaw man niyang hayaan ito ay pumayag na rin siya. Hindi naman kasi ito papa-pigil. Isa pa, mas mabuting maiwan siya upang may kasama ang batang si Sarah. "Fine. But please, be careful." Paalala niya. 

She smiled. "Yep. Thanks. Aalis na muna 'ko." Paalam nito. "Sarah, dito lang muna kayo ni Kuya Shion ha?"

"Opo!"

Tuluyan ng umalis si Eris. Naiwan sila ni Sarah habang naka-upo sa lilim ng puno. 

"Kuya Shion, taga-Hongkong ka po?"

He smiled. "Oo. Bakit?"

"E' bakit po kayo nandito ngayon?"

Napaisip siya sa tanong nito. Alangan namang sabihin niyang pinatapon siya roon ng ama niya? "Nag-babakasyon lang ako rito."

"Talaga po? Sino pong kasama niyo mag-bakasyon dito?"

Ano bang klaseng bata ito? Masyadong matanong. "Ako lang."

"Nasaan po ang magulang mo?"

"Nasa Hongkong."

"Hindi mo ba sila na-mi-miss?"

Umiling siya. "Hindi naman."

"Buti ka pa. Ako kasi na-mi-miss ko na si Papa ko."

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Nasaan ba ang Papa mo?"

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon