4

18.8K 386 4
                                    

KUMUNOT ang noo ni Eris nang madatnan ang isang taong may hawak ng malaking bouquet na nakaharang sa bandang mukha nito. Wala tuloy siyang ideya kung sino iyon.

Nagkibit-balikat siya. Siguro’y manliligaw ng isa sa empleyado niya roon sa shop niya. Hindi na niya iyon pinansin sa halip ay dumiretso siya sa table sa gilid upang i-arrange ang ibang bulaklak roon.

“Good morning red head woman.”

Awtomatikong napatingin si Eris sa bandang pintuan nang marinig ang pamilyar na boses. There he is. Shion holding a bouquet of flower. He is wearing his all black attire again. His punk hair na mukhang pinudpod ng gel dahil tirik na tirik iyon. Ito pala ang lalaking napansin niya kanina. Ano namang pakulo nito?

Ngumiti siya rito saka ito nilapitan. “Anong pakulo iyan?”

“For you.” Iniabot nito sa kaniya ang malaking bouquet ng red roses.

“Hindi ko na kailangan ng bulaklak. Can’t you see, burung-buro na ako sa bulaklak.” Aniya pagkatapos tanggapin rito ang bulaklak.

“Pagbigyan mo na ako. I just want to greet you this morning that’s why I’m here.” Nakangiting wika nito.

Nagkapalagayan na sila ng loob nang nakaraang araw sa Pink Paradise. Marami pa siyang nalaman mula rito. And she felt happier dahil wala na siyang iniindang inis sa tuwing makikita ito. Parang naging instant ang pag-gaan ng loob niya rito. Inaasar na nga sila ng mga kiabigan niya dahil mukhang close na close na raw agad sila.

“Tuloy ka.” Yaya niya rito.

“No. Dumaan lang ako rito. May pupuntahan pa kasi ako.”

Tumango-tango siya. “Okay. Thanks for this flower.”

“Your welcome.” Nakangiting sagot nito. “I’ll better go Eris.”

“Take care.”

“I will. Basta, keep smiling Eris. Mas bagay sa’yo.” Anito saka siya hinalikan sa pisngi.

Bago pa man siya makapag-react ay nakatakbo na ito palabas ng shop niya. Anong pakana ng lalaking iyon? Kailangan talaga may kiss pa?

Napahawak siya sa pisngi niya. Naramdaman na naman niya ang pagba-blush ng pisngi niya.

“Si Miss Eris kinikilig!”

Napatingin siya sa gawi ng mga empleyado niya. Hindi niya napansin na naroon pala ang mga iyon. “Back to work!” mariing sigaw niya sa mga ito.

Agad namang nag-kilusan ang mga ito. Again, she felt embarrassed with Shion’s presence.

~

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon