"Brynn, Princess. Are you okay?" Tanong ni Brielle sa anak, tumango lang ito ngunit hindi man lang siya sinulyapan.

Humugot ng buntong-hininga si Brielle. Hindi niya alam kung papaanong kakausapin ang anak. Hindi pa niya nasasaksihan ang tantrums nito dahil kahit minsan ay hindi siya nahirapang kausapin ito dati. Palagi itong nakangiti kaya parang nangangapa siya ngayon sa pananahimik nito. Napakalaking challenge nito para sa kanya. but it is okay, kasama naman niya si Siege na mas nakakakilala sa anak na babae.

"Athena Brynn." Tawag ni Siege sa anak. Mabilis na tumignin si Brynn sa ama. She instantly knew that she is in trouble. Big time.

"Y-yes, D-daddy?" Kinakabahang sagot ni Brynn.

Nakikita ni Siege ang pamumula ng mga mata nito at ng ilong. Tanda na nagpipigil lang itong umiyak. Kung ano man ang dahilan nito sa pagpipigil ay parang natutuwa na rin siya.

"Your Mom is asking you a question and you are not answering her. I didn't teach you to be disrespectful and rude, especially to Mommy." Malumanay niyang sabi kahit na may konting kaseryosuhan sa tono niya. Napayuko si Brynn. Alam niyang konti na lang at iiyak na ito o magwawala na.

"I-I'm sorry, M-mommy." Sabi nito na halos bulong na.

"It's okay, baby." Sabi niyang sinisikap na magtunog magaan ang kanyang boses. Gusto niyang iparating sa anak na hindi siya galit at gusto lang niyang mag-usap sila. "Mommy just wanted to know why you and Ethan are not talking. Why are you both sad. Is there anything that Mommy and Daddy needs to know?" Dugtong pa niya. Bahagyang nanahimik muna siya, naghihintay ng sagot mula dito o kahit na kanino sa dalawa.

"Okay. Nobody wants to talk?" Dahil lalaki siya, may kalakihan ang boses, at parang galit ang dating ng seryoso niyang tono, natakot si Brynn. Mukha namang nataranta si Ethan dahil narinig niya ang paghikbi ng nakayukong kapatid.

"Princess, you don't need to cry." Malambing na sansala ni Ethan sa kapatid. Tumingin si Brynn dito na dahilan ng lalo pa nitong umiyak. Nataranta si Brielle at Siege ngunit pinigil ang mga sariling daluhan ang mga anak. Gusto nilang makita kung hanggang saan makakarating ang kaartehan ng kanilang prinsesa.

"I'm sorry, Kuya Knight. I didn't mean to yell at you this morning." Ayon na. Hinawakan ni Ethan ang kamay ni Brynn. Hinila ito palapit sa kanya.

"I'm sorry, too. I just wanted you to see my reasons." Parang matanda nitong kinakausap ang kakambal.

Napangiti si Siege sa inasal ni Ethan. Proud siyang kay Brielle lumaki ang anak na lalaki dahil naging sensible ito. Alam niyang magiging mabait at responsableng lalaki si Ethan paglaki. Maaaring maging iba kay Brynn.

When they were still in the U.S., he can't stop himself from spoiling her and he is not denying it. The sad part is, he knows he's wrong in doing so but he can't help it. Akala niya kasi yun ang tamang gawin dahil nung panahon na yun ay siya lang ang meron ang anak. Si Brynn lang kasi natitirang alaala sa kanya ng inakala niyang yumaong asawa.

Iba na ngayon. Sa nakikita niya, mali ang ginawa niyang pagpapalaki kay Brynn. Patunay ang nakikitang nahihirapan si Brielle at maging si Ethan ay hirap ding pakisamahan ang kapatid.

"Kuya Knight, I didn't know you were trying to make me understand, all I wanted is a baby sister." Sabi naman ni Brynn. Nagtataka man si Siege at Brielle sa pinag-uusapan ng dalawa ay hinayaan na lang niya.

"I know, Princess. But what if you don't get what you want? That's why we just need to wait for it. And if we don't get what we want, let's still be happy of what is there." Seryosong-seryoso si Ethan sa pagpapaliwanag ng kung anong pinag-uusapan ng mga ito na hindi nila maintindihan habang makikitaang muli ng pagkairita ang mukha ni Brynn.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now