Sinasabi ko lang na magiging masaya ako para sa kanya pero magiging masaya ba talaga ako?

That... I don't know. I will not know unless, it happens.

"Would you want to go somewhere?" Tanong niya.

Bahaw akong tumawa. Agad na nawaksi ang mga kaninang iniisip. Ang pumalit ay ang panibagong problema.

Saan niya ako dadalhin? Wala pa naman akong pera. Naubos sweldo ko. Gastador ako at hindi ko gagalawin ang savings ko. Baka sa oras na magalaw ko, pati savings ko 'di makasalba sa'kin!

"Saan?"

"I can ask Jai to let you have your leave. Isang taon ka na kaya sa LaVega," aniya. "Can we go somewhere? Kahit within Panay lang. We can go for Aklan, if you want."

Bahaw ulit ako humalakhak. "Kailan?"

"This month?"

"Oh no! Wala na akong pera," sabi ko.

Kumunot ang noo ko. "Saan mo ginamit ang sweldo mo?"

"Pinambili ng bagong iPhone. Tapos, bagong McBook. Tapos... Inipon ko ang iba. Nag-aya si Kaye last week mag-shop. Agrabyado naman ang pera ko. Wala kay Kaye dahil credit card ni Rio ang ipinambili niya. T'saka, balak kong bumili ng sasakyan," sabi ko.

Tumango-tango lang siya. "My treat, then."

"Nakakahiya!" Sige na lang. Kukuha lang ako ng kaunti sa savings ko.

"Okay lang, Ruth. Ngayon ka pa nahiya," aniya at tumawa.

"We should let Kaye know." Agad kong naisip si Kaye.

"Kaye and Rio's going somewhere next week. 'Di 'yun sasama," aniya.

Kaming dalawa lang?

Kinabahan agad ako pero natutuwa rin. Baliw na ang hormones ko! Feeling contradicting emotions is just crazy!

"So, are you in?"

"Oo naman!" Sagot ko agad. Hindi naman siguro akong mukhang excited, 'no?

Tumingin ulit ako sa ginagawang FestiveParade.

"Ihahatid na kita sa trabaho mo," alok niya.

Napaawang ang bibig ko. As much as I want to, pero may napag-usapan na kami ni Jai.

"Actually, Luke–," Sasagot na sana ako nang narinig namin ang boses ni Jairus.

"Sasabay siya sa akin, Lucas," ani Jai.

Napatingin sa akin si Lucas. It's more convenient kung hindi na maghahatid pa sa akin si Luke. I know he's busy. Abala lang ako sa kanya.

"I can drive her to LaVega," sabi ni Lucas.

"We have to talk some things regarding your FestiveParade, Mister Salvaloza," ani Jairus. Matama niyang tinitigan si Luke.

"Luke, sasabay na lang ako kay Jai." Napagdesisyunan ko na 'yon.

Hindi naalis ang bahagyang kunot sa noo ni Lucas. "Alright. I'll be going."

Namulsa siya at agad na umalis.

"Bye, Luke. Mag-ingat ka," ani ko.

Hindi man lang ako nilingon ni Luke. Pinanood ko siya habang papasok siya sa itim na BMW niya. Rinig ko pa ang pag-andar ng kanyang sasakyan. Pinanood ko ang kanyang sasakyan hanggang sa tuluyang mawala na 'yon sa paningin ko. May paghihinayang ako. I just missed the chance that we could be together longer.

"Kapag magkapatid, walang pagkakaiba," humalakhak si Jai.

Binaling ko ang aking tingin sa kanya. "What?"

"Just like Rio. Parehong seloso." Jai pointed out.

"Saan magseselos si Luke?"

Nagkibit-balikat siya. Napailing siya saka nauna nang maglakad.

I don't get it all.

🏙️

Hindi ko alam kung manhid si Ruth o sadyang ang vague ni Lucas?

Hope you enjoy reading!

HaywiredWhere stories live. Discover now