Hindi man sabihin ay ganun din ang nararamdaman ni Siege. Dinig na dinig ito sa paghinga ni Siege. Hinihingal ito na parang tumakbo sa kung saan at parang nahihirapang huminga.

"Siege, is this a dream? Tanong niyang hindi makapaniwalang buhay na buhay si Siege at kasama na niya ngayon. "Because if it is I do not want to be awakened." Halos paanas na pahayag ni Brielle. "I would want to remain asleep for the rest of my life." Pabulong na dugtong ni Brielle. Para na siyang kinakapusan ng hininga. Ilang sandali na lang talaga ay matutupok na siya ng init na nararamdaman at nang dahil dito ay nag-umpisang umagos ang masaganang luha sa pisngi niya.

"No. You are not dreaming." Sagot naman ni Siege na puno ng pagmamahal, umiiyak.

"I can't lose you anymore. I'll die." Humikbi niyang pahayag. Kinilabutan si Siege sa sinabi ni Brielle.

"Huwag ka ng mawawala, Brielle. Ipangako mo sa akin na hindi ka na mawawala pang muli sa akin, kapag nangyari uli yun, baka hindi ko na kakayanin pa." Paanas na saad ni Siege na patuloy din ang masaganang pag-agos ng luha. Isang banayad na halik ang idinampi ni Siege sa mga naghihintay na labi ni Brielle.

"I promise, I won't. Hindi na ako kahit kelan man mawawala sa iyo, aking mahal." Sagot ni Brielle. "Ikaw din, di ba?" Patuloy pa rin siyang lumuluha.

"Let's forget the past and face today and tomorrow together with our children, Ethan and Brynn, and with all the people we love." Isang banayad na halik ang muling dumampi sa labi ni Brielle.

Pinili niyang hapitin sa bewang ang asawa para mabigyan ito ng suporta dahil naramdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod nito. Maging siya man na lalaki ay pinanlambutan na rin ng tuhod. Who wouldn't? He married the most beautiful and gorgeous woman he ever laid eyes on, the only woman that captivated his heart.

Habang patuloy sila sa pagsasayaw, dinadampian niya ng banayad na halik ni Siege si Brielle sa noo, sa pisngi, sa labi, na parehong nagdulot ng kakaibang sensayon sa kanila. Naglalakbay ang magandang pakiramdam na yun mula sa parteng hinalikan ni Siege pababa sa kaibuturan ng kanyang pagkababae.

Sa bawat pagdampi ng halik ng nito sa kanyang mga mata, noo, pisngi at labi na sinasabayan ng malamyos na tugtugin mula sa cellphone ni Siege, ay parang nagpapaalam si Siege sa kung ano ang gusto nitong mangyari.

Di man magsalita si Brielle, nakikita naman ni Siege ang inaasam na kasagutan. Kaya wala siyang pag-aalinlangang siniil ng halik si Brielle sa labi ng buong pagmamahal, ng buong pananabik at masiding init at pagnanasa.

Sa unang dampi ng kanilang mga labi ay malamyos at banayad na unti-unting nagiging mapusok na akala mo ay may anong sinasalubong na digmaan. Gumaganti na din si Brielle ng may kaparehong intensidad.

Hinapit ni Siege palapit si Brielle at pasklang na binuhat ito. Otomatiko namang ipinulupot ni Brielle ang kanyang mga binti sa bewang ni Siege. Naglakad siyang papasok sa kwarto ng hindi man lang pinuputol ang kanilang paghahalikan.

Maingat at alalay niyang inihiga si Brielle sa malambot na loveseat sa veranda. Parang katulad ng unang beses niyang inangkin ang asawa sa loveseat sa opisina nito sa pabrika.

Sa pagitan ng mga mapupusok na halik ay di mapigil na maglakbay ng kanilang mga kamay na parang gusto nilang muli kabisaduhin ang bawat kurba, bawat sulok, bawat kanto ng kanilang nagbabagang katawan.

Unti-unting bumaba ang mga labi ni Siege sa puno ng tenga ni Brielle at banayad na sinipsip ito, napaungol si Brielle. Ilang sandali pa ay ibinaba ang halik ng leeg nito.

Brielle can't help but moan to take in the pleasure. Nang dahil sa ginawa ni Siege mas lalo pang hinigpitan ni Brielle ang pagyakap sa leeg ni Siege na para bang sinasabi niyang idiin nito ang pagsipsip sa kanyang balat sa leeg. Bolta-bo;tahen kuryente ang dumaloy sa bawat himaymay ng kanyang laman.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now