SYBG 32

1.9K 106 91
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Together Again"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





LUMIPAS ang ilang araw. Sa wakas ay nakabalik na si Brielle at Siege sa kanilang bahay sa isang subdivision sa Paranaque. Iniwan na muna nila ang mga anak sa pangangalaga ng mga apuhan habang inaasikaso ang mga dapat na asikasuhin katulad ng pagpapalinis nito, pintura, pag-aayos ng kwarto ng kambal at iba pang bagay.

Bumalik na si David at Amanda sa kanilang bahay mula sa condo ni Brielle. Doon na uli sila titira ang mag-asawang Villasis matapos ipalinis ito. Bumlik na rin Man Asyong sa pagtira sa bahay ng mga Villasis kasama ang asawa nitong magiging kasama nila sa bahay.

Tungkol sa problemang ginawa ni Miranda, nakausap na nila ng kanilang mga abogado na ito ang haharap kay Miranda. Sang-ayon din naman maging si Ezekiel at Ryelee na hindi nakikialam sa kasong kinakaharap ng ginang. Galit si Ryelle sa ginawa ng ina at hindi niya masisisi ang kaibigan na magalit lalo na sa kalokohang ginawa ng ina.

Para kay Siege, mas importante harapin ang kanilang tahanan kesa makita ang mala-demonyong mukha ng babaeng minsan niyang tinratong pamilya. Ang uuwian ng kanyang asawa at anak ang higit na nangangaailangan ng buong pansin at yun ang gagawin niya.

Hapon na ng mapagtanto nilang mag-asawa. Kung hindi pa nagpaalam ang mga nagtatrabaho sa bahay nila ay hindi pa niya mararamdaman na nagugutom at napapagod na sila. Bago nagsiuwian ang mga tumutulong sa kanila ay nagpa-deliver silang mag-asawa para naman makakain ang ito bago umalis.

Pagkatapos kumain at kanya-kanya na ng paalam ang ito na pinadalhan niya ng mga sobrang pagkain para sa kani-kanyang mga pamilya. Nang makaalis na angm ga ito nagkanya-kanya na rin sila ng paliligo para maagang makapagpahinga.

Malalim na ang gabi nang magising si Siege, wala sa tabi ang asawa. Tumayo siya para hanapin ito. Nakita niyang nakatayo at nagpapahangin si Brielle sa veranda ng kanilang kwarto. Maingat niyang nilapitan ang asawa para hindi ito magulat.

"Why are you still up?" Tanong niya dito sabay yakap sa nakatalikod na asawa.

"I can't sleep." Simple nitong sagot. Hinalikan niya sa ulo si Brielle at bahagyang hinigpitan ang kanyang yakap.

Tahimik nilang pinagmasdan ang liwanag ng buwan na sa kanila ay nakatunghay habang dahan-dahang sumayaw. Pinili ni Siege na patugtugin mula sa kanyang cellphone ang kantang "Perfect" ni Ed Sheeran. Maya-maya ay tumikhin si Brielle.

"Natatandaan mo pa ba kung kelan natin ito huling nagawa?" Tanong ni Brielle.

"Some eight years ago?" Malambing na sagot ni Siege. Inikot paharap sa kanya si Brielle.

Malamlam na tinitigan ni Siege ang mga mata ni Brielle habang ninanamnam ang pagkakadaiti ng nag-iinit nilang mga katawan sa saliw ng musikang dinadala ang kanilang puso sa mundo ng walang hanggang pag-ibig.

Alam ni Brielle na hindi na niya kakayanin pa ang nararamdamang init. Ilang linggo na silang magkasama ng asawa at puro pagpipigil ang kanilang ginagawa dahil sa mga bata. Ano mang sandali ay alam niyang magliliyab na siya. Kakaiba ang init na kanyang nararamdaman ngayon dahil para siyang nilalagnat.

Since You've Been GoneOn viuen les histories. Descobreix ara