They're not leaving each other's side..

72 6 0
                                    

[The Lion's POV]



"Oh, Den. Pasok ka, pasok ka." Nahihiya akong pumasok at umupo sa sofa. "Gusto mo ba ng maiinom?" Tumango na lang ako at nagpunta na ang mama ni Zhutem sa kusina.



Napabuntong hininga na lang ako nung mapatingin ako sa masaya at nakangiting Zhutem sa picture sa pader. Ilang linggo na din simula nung malaman niya ang totoo at maglayas. At ilang linggo na kong miserable.. Inaamin ko, mali talaga ang ginawa kong paglilihim kay Zhutem. Pero ginawa ko lang naman yun kasi.. ayokong mawala siya sa'kin.. Pero saka ko lang din narealize na..



Ang magsinungaling sa taong mahal mo ang pinakamaling bagay na maaari mong gawin.. kasi sinisira mo na nga ang tiwala niya, kaya lalo siyang mawawala siya sa'yo..



"Oh, ba't ka nga pala napadalaw?" Umupo siya sa tabi ko. May napansin ako. Ang putla niya, tapos namamayat. Ang tamlay niyang tignan.. nahihirapan din talaga siguro siya.



"Ahh, mama kasi po.."



"SIno yun ma-- Denver?" Napatayo ako nang makita ko ang papa ni Warren.. na papa din ni Zhutem..



"Tito Laurence.. I have a confession to make." TIla nahigit nilang dalawa ang kanilang hininga. "Tito, mama, I already know. I knew it from the start.."



[The Lioness' POV]



"Hoy babaeng dayo! Gising na aba! Oras na para maarawan ka!' Naramdaman kong sinipa-sipa pa niya ako kaya pabalang akong bumangon at sinamaan siya ng tingin. "Bangon na sinyora at nakahanda na ang almusal!" Inungusan niya pa ako at umalis na ng kwarto.



I spent WEEKS here(not to mention that that guy is opposing his grandma's idea). Wala naman akong nagawa, nagmamagandang loob yung si lola eh alangan namang magpachoosy pa ko diba?



Naiinis akong nagpunta sa kusina at umupo sa hapag-kainan.



Napatingin naman ako sa buong paligid. "Asan si lola?" Tinignan niya ko ng masama.



"Makalola ka, apo ka ba? Tss.." Umalis siya. ANO BANG GINAWA KO AT ANG SUNGIT NIYA SA'KIN!?



Napabuntong hininga na lang ako nang mapatingin ako dun sa lumang Leon na stuffed toy don sa aparador. Bwiset, nami-miss ok siya. Pero ka hit na ganon, nasasaktan ako sa fact na all this time pinaglilihiman ako ng mag taong pinagkakatiwalaan ko..



Pati sina Shang.. Dojie.. Pati yung.. Bridget.. Alam nila.. Alam din nila.. Kaya pala.. Kaya pala masala ang timpla sa akin ni Dojie. Kasi alam nila.. Kinumpirma lang nila kay Den ang lahat nung araw na yun..



Napatingin naman ako sa labas at napangiti. Mabait naman siya.. Tinutulungan niya ang Lola niya sa pagdilig-dilig nung mga halaman nito. He looks sweet naman. Oh yeah, Domeng ang tawag sa kanya ng lola niya. At siya na lang ang pamilya na kasama ni lola dito sa bahay nila. Kakamatay lang kasi nung asawa niya this month lang din daw(nagkakwentuhan pa kasi kagabi bago pa matulog).



Napatingin naman sa'kin si Domeng kaya nagitla ako at napabalik sa kinakain. Haist.. they look so happy. Even though dadalawa na lang sila, they're not leaving each other's side.  Grabe, namiss ko tuloy sina mama at papa. Kamusta na kaya sila? Ayos lang kaya si mama? Aish. Lumabas ako out of frustration(wala kasing signal sa loob) at binuksan yung phone ko(na kagahapon pang lowbat at overnight na chinarge kanina). Tatawagan ko nga sina mama. SIguro nag-aalala na sila--



*ring!!!!!!!!!!!!!!*



Papa calling..



"H-hello?"



(A-anak..) Huh? Ba't basag ang boses ni papa?



"Pa.. Sorry po.. Pa--"



(Anak.. ang mama mo..) Bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang hinde ko na gugustuhin pang marinig ang sunod pang sasabihin ni papa..



"P-pa? Ano pong nangyare kay mama?"



(Umuwi ka na, please? *sniff* A-ang mama mo..








W-wala na siya..) Nabitawan ko ang phone ko sa narinig ko.

TLTL Book 2: She Tamed the LionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ