Sampalin mo nanaman ako.

114 4 0
                                    

"Hinde ko alam eh. Sorry." Tapos ay umalis na yung kaklase ni Zhutem sa klase kanina.



Inakbayan ako ni C2. "Tsk tsk, no choice." Tinuro niya si Gerwell na papalabas ng room gamit ang nguso niya. Napatingin siya sa'min, ngumiti at lumapit.



"Uy mga tol. Hinihintay niyo ba ko?"



"Kapal mo uy, ano ka chicks--"



"Oo, oo! *may napansin kunware* oh, ba't di mo kasama si Zhutem?" Nice call bruh. -________-




"Hinde naman kasi siya pumasok. Ewan ko din kung bakit." Paliwanag pa niya habang nakamot sa batok. "Oo nga pala, san kayo mamaya? Bar tayo! Hinde ko pa kasi alam kung san mga bar dito eh."



"Ge ba sakto wala kaming practice mamaya, may klase ka pa ba?" -C2




"May isa pa. Kung wala na kayong klase, makisit in na lang kayo dun. Asan nga pala yung dalawa?"




"Ayun, nasa arcade. Nagu-ubos ng baon si Aqi. Libre niya si Dojie."




Hay nako. Ma, sorry na. T.T nakakafrustrate naman to, ano na bang gagawin ko? "Tara na, ngayon na. Wag ka nang pumasok." At nauna na kong maglakad sa kanila.




Kelangan ko ng konting alcohol. Baka mabaliw na ko..




[The Lioness' POV]




"Okay ka na ba?" Umiling lang ako at umub-ob sa desk.



Heto ako at nakikisit in sa klase nina Demitree, Bryan, at Allen(magkaklase sila sa lahat ng subject for Pete's sake), ganito din naman klase ko mamaya eh. Ewan ko pero parang ayaw ko munang harapin si Den. *sighs* naiisip ko kasi yung pagsampal ko sa kanya ng malakas kagabi at nagi-guilty ako. Sinampal ko siya eh siya nga naman tong may karapatan mainis napagkaisahan namin siya nina C2 at Aqi. Sorry Pa, miss na kita~ T.T




"Andito lang ako kung ready ka nang magkwento." I spent the night at Demitree's place. Buti na nga lang at hinde siya nagpunta kina Demitree kasi kung oo, baka hinde ko malaman ang gagawin ko.. At nakaoff lang ang phone ko.

TLTL Book 2: She Tamed the LionΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα