Questions..

189 8 2
                                    

"Oh, yang nguso mo humahaba nanaman. Pwede nang sabitan ng kaldero. HAHAHAHAHA" tinignan niya ko saglit tapos ay ipinatong ang baba niya sa mesa. Lunch na nga po pala readers(yung timeline po is katulad nung sa prologue). : )



"Nakakainis naman kasi yung mga prof natin kanina. Kailangan alphabetical pa.. hinde tuloy kita katabi ng 3 oras.." napatawa ako sa pagnguso niya habang linalaro yung food # sign.



Grabe, nagbago na talaga ang Leon na to. O baka ganto talaga siya sa girlfriend?



Napaisip naman ako. Tapos nacurious. Nakakailan na kaya siya ng girlfriend? Pang-ilan na kaya niya ako? Tanungin ko nga.



"Pa." Tumingin siya sakin. "Nakakailang girlfriend ka na?"



Napaupo naman siya ng maayos. "B-bakit mo naman biglang natanong yan?"



"Ba't ba nagtatanong ang tao? Kasi curious ito diba?" Tiningnan niya ko ng legendary look niya. Totoo naman diba? Sa kanya nga galing yun eh. "Wag na nga--"



"Pangalawa ka na.." sagot niya nang hinde nakatingin sa akin. O.o for real!? Nakendra zoned ako don readers ah! "Tanda mo ba yung time na nagkasakit ako at sinisingil mo ko dun sa pinambili mo nung chocolate? Tapos may dumating na babae?" Inalala ko. "Siya yung una, si Bridget."



Napanganga ako nang maalala ko. Yun yung first niya!? Yung babaeng linalait-lait ako nuon? Grabe, kaya pala ganon na lang kung makapaghimutok ang babaeng yon.



"Ahh.. minahal mo?" Napatingin siya sakin, gulat na gulat.



"E-ewan ko.. basta lang yun pinakilala sakin nina C2 tapos nagkakateks at tawagan kami, minsan chat-chat lang. Pero walang date-date." Tumango na lang ako.



"Hmm, tumagal kayo?" Okay, ginamitan niya ko uli nung legendary look niya.



"Questions.. -__________-" sa wakas ay dumating na din yung order namin(as usual andito kami sa KFC :"""""""""""> )



Nakabalik na kami't lahat sa school pero hinde niya sinagot yung tanong ko. Hinde ko na din naman tinanong, baka kasi hinde naman nga importante eh pinagpipilitan ko pang alamin. Masura pa to at sungitan ako.. -.-

TLTL Book 2: She Tamed the LionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon