Naiinis ako sa'yo!

114 4 0
                                    

"Tara Ma, alis na tayo." Tapos ay dali-dali niya akong hinila.




Biyernes na po at uwian na namin. At ewan ko ba dito sa Leon na to at nagmamadaling umuwe. Para bang natatae siya na di mapaano. XD





"Bakit ka ba kasi nagmamadali?"




"H-huh? Nagmamadali ba ko!? Hinde ah-- AHHHHHHHHH!" Napabitaw siya sa pakakahawak sa kamay ko.




"At san ka pupunta TEAM CAPTAIN!? Bigla kang nawala kahapon ah.." Pinihit pa niya ang tenga ni Den na ikinasisigaw nito. Wawang Leon.. >_< "Linamon ka ba nung inidoro ha? HA!?"




"A-aww, c-coach! Masakit, masakiiiiiiiiiiiiiit!!" Binitawan ni coach yung tenga ni Den na ikinaatras nito habang hawak-hawak yung tenga niyang piningot.





"Akala mo makakatakas ka nanaman!? Pumunta ka na sa gym! NGAYON NA!" Tinignan naman ako ni Den.




"Magpraktis ka. Manunuod ako, gusto mo?" Naguhit ang ngiti sa mukha niya.




"Ikaw ba girlfriend nitong si Leones? Tama, manuod ka para sipagin siya. Tara." At nauna na siyang maglakad. Linapitan ako ni Den at tinitigan habang nakangiti.




"Bakit?" Natatawa kong tanong.



"Alam ko namang hinde ka palanuod ng mga ganito. At ayaw mo ding ginagabi ka sa labas ng sanktwaryo mo--" hinila ko na lang siya sa kamay niya.




"Oo na, hinde mo na kailangang ipaalala sakin ang mga yan. Galingan mo na lang para maaga kang matapos. Kakain tayo sa labas ha?" Nakita kong ngumiti siya at inakbayan ako habang naglalakad.




**




"Yesnu, sinu-supportahan ni girlfriend si Captain~!" -C2



"Hi mommy! Ako nga pala yung gwapo niyong anak ni Daddy Den!" Napatawa na lang ako kay Aqi. Ang cute-cute eh.





"Ilang taon ka na, Aqi?"




"17." Napa'o' yung bibig ko. Grabe ang bata pa pala niya. O.O lumapit naman sakin si Den, kinuha ang kamay ko, inilagay don ang towel at ipinatong sa ulo niya. Gusto niya punasan ko pawis niya. :3




"Grabe, ini-spoil mo yang kups na yan, Zhutem? Malaki na yan, kaya na niya yan!" Binato siya nung empty na bote ni Den kaya napatawa ito.

TLTL Book 2: She Tamed the LionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant