Wag ka ngang makialam.

152 7 0
                                    

"Okay everyone. May bago kayong kaklase. Pasok ka na iho." Tapos ay pumasok ang isang lalaking singkit at ngiting-ngiti.

"Good morning BaNaHiS(Bangtan National Highschool) pips! Ako nga pala si Gerwell Quijano

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Good morning BaNaHiS(Bangtan National Highschool) pips! Ako nga pala si Gerwell Quijano." Tapos ay kumaway siya samin. "Binully ako don sa last kong school kasi kapangalan ko yung binabae naming kaklase kaya lumipat ako dito." Nakarinig naman ako ng tawanan sa likod ko. Anong nakakatawa? Binully na nga yung tao diba? -___________- "Sana wala nang mangbully sakin dito kasi *taas ng kamao* lalaban na ko! Yun lang!" Tapos ay umupo siya sa unahan ko at linapitan siya nung nasa paligid ng inuupuan niya. Patuloy oars din sa pagtawa ang ilan. Tss, isa nanamang maingay..



Lumingon siya bigla sakin at nginitian ako. "Uy tol! Anong pangalan mo?" Tinignan ko lang siya. Tol? Ngayon ko lang nalaman na close na kami ah? -___________-



"Wag mong kausapin yan, meron eh." Sinamaan ko naman ng tingin si C2 na ikinatawa niya. Bwiset, ba't ko ba siya kaklase.. NANAMAN!? "C2 nga pala. Siya naman si Den." Nagkamayan sila.



Napatingin ako sa labas(nasa dulo kasi ako, sa may bintana).  4th year na kami at hinde ko nanaman kaklase si Zhutem. Ano ba yun, kung kelan gusto ko siyang makasama, saka kami at nagkakalayo. Tapos, napapalapit pa ko.. *tingin sa dalawang bugok na nagtatawanan* sa mga maiingay na to--



"Ahh sir, pwede po bang makiexcuse kay Laurence?" Lumabas naman yung Laurence at sadyang.. napatulala ako.



Ganun lang ako hanggang sa makaalis na si Zhutem.. shit kinikilig ata ak--



"UY! Sino yung chiklet na yon?" Tanong ni Gerwell kay C2.



"Si Zhutem yon. Chicklet ampota.." at nailing-iling na lang siya tapos ay dinuro ako. "Ayan ka nanaman sa mga'judging-you-right-now' look mo ha!? Bakit mo ko ginaganyan ha!?" Napatawa na lang saming dalawa si Gerwell.



Maagang nagpaawas ang mga teacher ngayon, wala naman daw ginagawa eh. Pauwi na ko nang harangin ako ng dalawang bugok na ito. Ano nanaman ba!? -________________-

TLTL Book 2: She Tamed the LionWhere stories live. Discover now