Heartbeats

102 4 2
                                    

***

PINAGMAMASDAN ko si Ate Rhea habang naiyak at nakaharap sa kaniyang kapatid. Nalaman namin ang nangyari kay Martelle at hindi namin maiwasan ang maiyak. Nasabi niya rin ang ginawa ng kaniyang kapatid para sa kaniya. Si Martelle mismo ang nag-donate ng kaniyang cornea para sa kaniyang kapatid.

Sa tuwing naiisip ko 'yun, hindi ko maiwasang masaktan. Mabuti pa si Martelle, may nagawa siya para sa kaniyang kapatid. Handa siyang ialay ang buhay niya para dito pero ako? Wala akong kwentang kapatid.

Nag-iwas ako ng tingin nang marinig ang paghagulhol ni Ate Rhealyn. Nakita ko rin ang namumulang mga mata ng aking mga kaklase at ang mahina nilang pag-iyak. Sumisikip ang dibdib ko at kahit pigilan ko man ay hindi ko kayang hindi mapaiyak.

Parang kailan lang noong nakausap ko siya. Nakakwentuhan at nagkaroon ng maliit na sagutan. Napayuko ako dahil hindi ko man lang siya nakausap. Nahagip ng paningin ko si Aliza na nakatulala habang nakatingin sa puntod ni Martelle. Patuloy ang pag-agos ng luha sa kaniyang nga mata.

"We have a friend,
A very special friend
He makes us happy when we're near him
He's short and nice and best of all
We don't let each other fall"

Umiwas na lang ako ng tingin at tumingala na lang. Kung nasaan man siya sana masaya siya. Hindi ka namin makakalimutan Martelle at ang iyong pag-alay ng sarili mong buhay para sa Ate mo. You will always be loved. Mananatili ka sa puso namin.

"Kris ayos ka lang?" Tanong ni Melody. Tumango ako at tipid na ngumiti.

---

"Me gustas tanto."

Patuloy kong naririnig  ang mga salitang binitawan niya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung alam ko lang na mangyayari ito...

Natulala na lang ako sa kawalan at paulit-ulit na naririnig ang mga salitang sinabi niya sa akin. Napapunas ako ng aking pisngi at pinagmasdan ang mga lobo na pinakawalan namin.

Lahat kaming magk-klase ay nandito ngayon. 40 days na ang nakalipas mula nang m-mawala siya pero hindi ko pa rin ito makalimutan. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mrs. Alonzo sa akin na sinabi ni Martelle na pasayahin nila ako.

Napangiti na lang ako at pumikit. Ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka. Hinding-hindi ka namin malilimutan. Hinding-hindi kita malilimutan.

"Aliza! Tara na, naiwan na tayo nina Ma'am."

Tumango ako kay Mira at nagpaalam na sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag kasabay ng pakiramdam na may kumiliti sa akin katulad nang una naming pag-uusap.

--end--

A/n:

Hello! This is the last chapter. Thank you for those who supported me, sa mga kaklase ko salamat! Tbh, nahirapan talaga akong mag-update dito pero tinuloy ko hanggang sa dulo kasi ito ang dahilan kaya naging close kami. Sa mga na-disappoint sa ending, sorry pero planado na talaga ang ending simula pa man ng story.

Thank you for reading! Hope you guys have a great day!

@eifell_smith
#Heartbeats

Heartbeats Where stories live. Discover now