Chapter 8

75 4 0
                                    

***

Dumating sa room nila si Martelle and his eyes roamed around hoping to see Kris pero walang bakas nito. Lumapit ito kay Sharon na kaibigan ni Kris at nagtanong dito.

"Nasaan si Kris?" He asked. Sharon stared at him suspiciously before answering.

"Nasa clinic, masama daw ang pakiramdam." She shrugged at iniwan ang binata.

Martelle sighed at umupo na sa upuan. Nag-guilty pa rin siya sa mga pinagsasabi niya kay Kris.

I saw my brother in you! And I don't want to regret things again dahil lang sa pagtatago ng dahil sa pesteng sakit na 'yan!

His eyebrows furrowed as her words keep repeating on his mind. Anong ibig sabihin nito? Sabi niya nakikita niya ang kaniyang kapatid sa akin and she doesn't want to regret things again.

I want you to realize that you cannot live forever and you cannot keep that secret to yourself forever!

He tightly shut his eyes and heaved a sigh. It's either he will tell his friends about his condition or not. Ano nga bang ikinatatakot niya? Bakit siya natatakot? He doesn't know. Alam niyang bukod sa natatakot siya na kaawaan nila siya, may mas malalim pang dahilan.

"Good afternoon! May absent ba?" Tanong ng kanilang teacher.

"Si Kris po nasa clinic." Tumango ito at nag-umpisa nang magsulat sa board.

Napasandal na lang siya at tumingin sa labas. He hates Math. Pakiramdam niya sasabog ang ulo niya dahil sa dami ng numbers at nakakalitong formula. Pinakinggan na lang niya ang teacher na nagsasalita sa unahan.

Natapos na rin sa wakas ang Math nila! Akala niya ay makakahinga na siya ng maluwag nang pumasok muli ang isang babaeng guro na nasa mid-30s na. He forgot na meron pa nga palang Chemistry na nage-exist.

Hindi naman boring ang guro. In fact, she's jolly pero nalilito si Martelle sa mga pinag-uusapan sa chemistry. Ayaw na ayaw niya din ito. Ang Math, Chemistry and of course P.E.

Napatitig siya sa guro nang mag-umpisa itong magsalita about atoms. Naguguluhan man pero parang may nag-udyok sa kaniya na makinig sa guro.

"May nabasa ako sa google about atoms and soulmate. I don't know if it's true but boy! He just scientifically explained soul mates!" He watched how she cringed at the word. Soul mate? That's absurd.

"So 'yun nga, sabi niya, he has this weird theory that some people are drawn to each other because their atoms were near each other when the universe was created and over the time the same atoms keep coming back together." Tumango-tango ang guro at napahawak sa baba na parang nag-iisip.

"That was a weird theory pero nakaka-amaze kung tunay man." She shrugged at mahinang hinampas ang lamesa. "By the way, let's move on. Since we're talking about atoms, what is atom and who can explain the Big Bang Theory?"

Napaiwas siya ng tingin at bahagyang yumuko. Matalino siya pero kapag ayaw niya ang isang subject, kahit na anong talino niya hindi niya kayang intindihin ito.




"Ang cool no'ng sinabi ni Ma'am diba?" Amazed na tanong ni Aliza na sumabay sa kanila sa pagl-lunch. Absent kasi si Grace at may ginagawa si Mira kaya kay Martelle na lang siya sumabay.

"Anong cool do'n? Asa pang totoo 'yun! Kayo talagang mga babae, mga hopeless...." Hindi na tinuloy ni Jay ang sasabihin dahil sa sama ng tingin na ipinupukol ni Aliza sa kaniya.

Denver laughed and agreed sa sinabi nang kaibigan. Pinagtulungan ng dalawa si Aliza na halatang pikon na and Martelle can't do anything dahil nasisiyahan siya sa pikon na mukha ng dalaga.

Ngumuso si Aliza at tumingin sa binata na animo'y nahingi ng tulong. Martelle shook his head at uminom ng shake na binili. Aliza sighed at padabog na tumayo ng table. Sinamaan niya pa ng tingin ang tatlo before walking away.

Napakunot ng noo si Martelle at agad sinuntok ang dalawa.

"What the hell!? Bakit niyo kasi ininis!" Ibinalik niya muli ang tingin sa naglalakad na palayong Aliza. Malalaki ang hakbang nito at mahahalata mong inis talaga.

"Luh! H'wag ka nga! Sa iyo siya humingi ng tulong pero di mo tinulungan kaya ikaw ang may kasalanan!" Jay half-shouted. Hindi na umimik si Martelle at napailing na lang sa sarili. He's trying to act cool para hindi mahalata na may gusto siya kay Aliz---

Inis siyang napasabunot sa buhok at uminom ng tubig. Hindi niya pinansin ang dalawa na tinatanong siya kung okay lang. Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa isip niya na may gusto siya kay Aliza. Oo, he feels comfortable around her pero hindi siya sure kung gusto niya ito.

Some people are drawn to each other because their atoms were near each other when the universe was created and over time the same atoms keep coming back together.

***

Heartbeats Onde histórias criam vida. Descubra agora