Chapter 14

38 4 0
                                    

***

"Oh anak nandiyan ka n---" Hindi niya pinansin ang ama na babatiin sana siya. Mabilis siyang pumasok sa bahay nila at nagkulong na lang sa kwarto.

Naisip niya kasi ang sinabi ni Aliza sa kaniya. Based on her reactions at sa mga sinabi nito, iisa lang ang ibig sabihin noon. Na-reject siya. Hanggang kaibigan lang ang tingin sa kaniya ni Aliza. Pilit niyang tinanggap pero masakit lalo na at first time niya itong naranasan.

Nakarinig siya ng katok sa pinto. Minutes after, nagbukas ito at bumungad ang kaniyang mama. Ngumiti ito sa kaniya at agad siyang tinabihan. She gently combed his hair.

"Kinuwento sa akin ng papa mo ang nangyari. May problema ka ba anak?" He didn't answer. His mother sighed and tapped his shoulder.

"Tatawagan na lang kita kapag dinner na, alright?" Tumango si Martelle and again, his mother smiled. Umalis na ito at naiwan muli si Martelle na iniisip pa rin ang nangyari.

Mrs. Alonzo sighed as she closed the door behind her. Nandoon ang kaniyang asawa na nakatingin sa kaniya at naghihintay ng sagot. Mrs. Alonzo shook her head. Makikita ang lungkot sa mukha nito dahil sa anak. Natatakot siya na baka bumalik ang kaniyang anak na walang pakielam sa paligid.

"Hindi siya sumagot sa tanong ko. He looked sad and at the same time, hurt." Bumuntong hininga ang asawa niya at napansin niya ang bahagyang pagyuko nito.

"I'm sorry.." Tumingin ito sa kaniya at makikita na sincere ito sa kaniyang sinabi. "Kung hindi dahil sa akin, hindi magiging gano'n si Martelle. Kung hindi ko lang sana kayo iniwan..."

Umiling siya at tinapik ang balikat. Ngumiti ito bago nagsalita.

"H'wag mo nang sisihin ang sarili mo. Bukas tatanungin ko si Martelle, nagpapalamig lang siguro siya ngayon ng ulo."

Dumating na ang dinner kaya kinatok niya na ang pinto ng anak. Napakunot ang noo niya nang wala siyang marinig dito. Siguro natutulog ang kaniyang anak. Hindi niya na sana aabalahin pa ito at tatalikod na sana nang makarinig siya ng pagdaing. Lalong kumunot ang noo niya at mas idinikit ang tenga sa pinto.

Lalong nalakas ang pagdaing kaya nabahala siya. Kinatok niya ang pinto at paulit-ulit na tinawag ang pangalan ng anak.

"Martelle? Martelle? Anak, anong nangyayari sa'yo?" Kinabahan siya at pilit na binuksan ang pinto ni Martelle pero naka-lock ito.

Tinawag niya ang panganay na anak at pinakuha ang susi sa pinto ng anak. Mabilis naman dumating si Rhealyn at agad inabot ang susi. Nandoon na rin ang ama nila na kinakabahan sa nangyayari.

Mabilis na nabuksan ang pinto at agad niyang dinaluhan ang anak na nasigaw habang nakahawak sa paa. Naiiyak siya pero pilit niyang pinapatatag ang sarili.

"Martelle, anong nangyayari sa'yo?" Tanong niya at patuloy na hinahaplos ang buhok ni Martelle. Umupo sa paanan si Mr. Alonzo at hinawakan ang paa ni Martelle na patuloy na sumasakit.

"A-ang sakit... n-ng pa-a ko..." Paulit-ulit niyang sinasabi. Pinapakalma ni Mrs. Alonzo ang anak at patuloy na hinahaplos  ng kaniyang asawa ang paa ni Martelle na sumasakit.

"Ma, anong nangyayari kay Martelle?" Tanong ni Rhealyn habang nakatayo at naiiyak sa kalagayan ng kapatid. Ayaw niyang nakikita nang ganito ang kaniyang kapatid at kung pwede lang na siya na lang ang sumalo sa sakit na nararamdaman ni Martelle.

Hindi sumagot ang ina. Maya-maya ay nawala ang pagdaing ni Martelle at kumalma na rin siya. Napatingin na lang sila sa bunso na mahimbing nang natutulog. Huminga ng malalim si Mrs. Alonzo at marahang hinaplos ang pisngi ng anak. Naramdaman niya ang pagtabi sa kaniya ng kaniyang asawa at pagyakap nito sa kaniya.

Tumulo ang luha niya na mabilis niya namang pinahid. Tiningnan niya si Rhealyn at ang asawa na tipid na ngumiti. Inalalayan siya nito na tumayo.

"Magiging ayos lang si Martelle. Matapang siya, diba?" Tumango na lang siya at umalis na sila sa kwarto ng anak.

***

Heartbeats Where stories live. Discover now