Chapter 13

52 5 0
                                    

Sorry po for the long wait. Here's the update, enjoy!

***

Kinakabahan si Martelle pagkapasok niya. Naalala niya kasi ang nangyari kahapon, nalaman ni Aliza na gusto niya ito. Napabuga na lang siya ng hangin at nagtuloy na sa pagpasok.

Agad nakita ng mata niya si Aliza na masayang nakikipagkwentuhan sa kaniyang mga kaibigan. Lihim siyang napangiti pero agad ring nawala nang mapatingin ang dalaga sa pwesto niya. Ang masayang ngiti na meron ito kanina ay naglaho. Parang nailang kay Martelle.

Napailing na lang ang binata at mabilis na pinuntahan si Denver na tinutukso siya gamit ang tingin.

"Good Morning Martelle!" Sambit ng kaniyang kaibigan. Inismiran niya ito bago nagsalita.

"Anong good sa morning kung ikaw ang magsasabi nito," Akmang babatukan niya ang kaibigan pero mabilis itong nakailag. "Dahil sa'yo kaya naiilang sa akin si Aliza ngayon!" Natawa na lang si Denver at hindi na nagsalita.

Lumipas ang ilang linggo na hindi pinapansin ni Aliza si Martelle. Naiilang pa rin siya dahil sa nalaman. Si Martelle naman ay pinipilit na humanap ng tamang oras para makausap si Aliza para hindi na sila magka-ilangan.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang sumakit ito. Pumikit siya ng mariin at pinilit na alisin ang sakit. Gusto niyang sumigaw dahil pati ang ulo niya ay nasakit na rin. Minulat niya ang mata at nakita si Jay na nag-aalala ang mata habang nakatingin sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Tanong nito. "Namumutla ka. Dalhin ka na namin sa clinic." Mabilis siyang umiling. Inayos niya ang pagkakaupo at uminom ng tubig.

"Ayos lang ako. Nahilo lang." Tumango na lang si Jay kahit halata naman na hindi siya naniniwala.

Nagsimula nang mag-alala si Martelle sa kalagayan niya. Nabalik na muli ang pagsakit ng kaniyang dibdib. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa kaniya lalo na at naalala niya ang sinabi sa kaniya ng Doctor.

Uwian na at hinihintay ni Martelle si Aliza. Pinilit niyang ngumiti para hindi kabahan. After how many weeks, ngayon niya lang kakausapin ang dalaga. Natatakot kasi siya sa maaari nitong sabihin. Kahit kaibigan lang, ayos na sa kaniya basta huwag lang siyang layuan nito.

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang makita si Aliza na lumabas ng room. Kasama nito si Mira na agad siyang nakita. Ngumiti ito at kinausap si Aliza. Ilang beses niyang napigil ang paghinga ng tumingin ang dalaga sa kaniyang pwesto.

"Bye Aliza! Sa study hall na lang kita hihintayin." Umalis na si Mira at tinapik ang balikat niya.

Naiwan sila ni Aliza sa hallway. Lumapit siya at isinantabi ang kaba na nararamdaman. Ilang beses siyang lumunok bago nagawang ngitian si Aliza na nakatingin lang sa kaniya.

"H-hi!" Kabado nitong bati. Hindi umimik si Aliza. Nakatayo lang ito at hinihintay ang sunod na sasabihin ni Martelle. "Uhm.. About sa nangyari noon- yung sinabi ni Denver..."

Napaiwas siya ng tingin dahil nahihiya siya. Bakit ba nahihirapan siyang hanapin ang salita na sasabihin niya? Wait- ano nga ba ang sasabihin niya? Napailing siya sa sarili dahil sa kabobohan. Bakit nga ba sugod siya ng sugod sa gyera na wala namang bala ang kaniyang baril?

"Anong sasabihin mo?" Finally. Umimik na rin ito sa wakas. Para bang nabasag ang yelo sa pagitan nila.

He composed himself bago tumingin ng diretso sa dalaga.

"About sa nangyari noon, 'yung sinabi ni Denver, naniniwala ka ba?" Hinintay niya ang reaction ng dalaga pero wala siyang makita.

"Alin doon?" Napayuko siya at binilang na lang ang daliri. Ang slow din nito minsan.

"'Yung sinabi ni Denver na para sa'yo ang kanta ko, naniniwala ka ba?" At last. Nasabi niya na rin. He mentally tapped himself dahil sa ginawa niya.

Para naman naliwanagan ang dalaga dahil sa pagtango nito. Nakita niya pa ang maliit na ngiti sa labi ni Aliza at ang bakla man pakinggan pero kinikilig siya. Dang! Kinikilig siya sa maliit na reaction ng dalaga.

"Ah.. 'yun ba? Ewan ko, hindi ko naman kasi narinig na sinabi mong dedicated 'yun sa 'kin e. Para kasing napipilitan ka lang no'n." Bumagsak ang balikat niya sa sinabi nito. Hindi siya naniniwala? Ilang na ilang na siya sa dalaga pero malalaman niya lang na hindi ito naniniwala?

"Gano'n ba?" Kalmado nitong tanong. Napabuga siya ng hangin at pumikit na mariin. Nagmulat siya at agad nakita si Aliza na nakatingin sa kaniya at mukhang nalilito.

"Kung sabihin ko sa'yong totoo na dedicated talaga sa'yo ang kantang 'yun maniniwala ka ba?" Nagkibit ng balikat si Aliza. Inaamin niya, mahirap kausap ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Mahirap hulaan dahil para siyang isang malaking puzzle na ang hirap i-solve.

"Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan?" Inip na tanong ni Aliza.

"Iniiwasan mo kasi ako! Bakit mo ba ako iniiwasan?" Hindi niya na napigilan ang pagtaas ng boses niya. Halatang nagulat ang dalaga dito. Hindi ito nakaimik at napayuko na lang.

Napakagat ng labi si Martelle at hindi alam kung ano ang gagawin. Napagtaasan niya ng boses si Aliza nang hindi sinasadya. Napahilamos na lang siya sa mukha gamit ang palad at humakbang papalapit sa dalaga.

"I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses. Gusto ko lang kasi malaman kung bakit mo ako iniiwasan," Nag-angat ng tingin si Aliza. Kita niya ang nangingilid na luha sa gilid ng mata nito. "Naiilang ka ba sa 'kin? Ayaw mo na ba akong maging kaibigan? May ginawa ba akong mali? Ayaw mo ba nang sinabi ni Denver? Please tell me kung bakit mo ako iniiwasan..."

Nagsusumamo ang kaniyang boses na kahit siya ay nagulat. Hindi niya aakalain na sasabihin niya ang salitang 'yun.

Pinagmasdan niya kung paano kumibo ang gilid ng labi ni Aliza na parang may gustong sabihin pero hindi alam kung paano. Naisip niya na siguro hindi niya na lang dapat kinausap ang dalaga at hayaan na iwasan siya nito pero kaya niya ba? Kaya niya bang iwasan siya ng dalaga?

"Sorry Martelle.." Huminga ng malalim si Aliza. "Ang totoo kasi, naiilang ako sa'yo. Hindi totoo na hindi ako naniniwala sa sinabi ni Denver, alam kong para 'yun sa akin kaya naiilang ako sa'yo at naisip na iwasan na lang kita. I'm sorry for that, Martelle."

Sandaling nanahimik. Tanging ihip ng hangin ang kanilang naririnig. Magdidilim na at kailangan na nikang umuwi. Ayaw niyang mapahamak sa daan si Aliza dahil lang sa kagustuhan niyang makausap ito. Meron pang ibang araw. Saka niya na lang ito kakausapin ulit.

"Malapit nang dumilim, umuwi na tayo." Tumango na lang si Aliza at umuna na sa paglalakad. Pinagmasdan ni Martelle ang likod ni Aliza na papalayo sa kaniya at bigla siyang napatigil. Kinapa niya ang dibdib niya na sobrang lakas ng tibok and then it hit him.

Ganito ang nasa panaginip niya. Si Aliza na papalayo sa kaniya pero may kulang. At hindi niya gusto ang naiisip niya tungkol dito.

***

Heartbeats Where stories live. Discover now