Chapter 6

65 6 0
                                    

***

"Nag-aalala na ako sa kaibigan natin. Baka sinasapian na 'yan hindi pa natin alam."

"Gags! Ano 'yun sinapian siya ng baliw na multo?"

"Posible 'yun! Lahat ng bagay na naiisip natin posible!"

"Ibig sabihin posibleng maging bakla si Martelle?"

Sinamaan niya ng tingin ang dalawang kaibigan na nagbubulungan. Kung bulungan pa ba ang tawag do'n.

Napatawa ang dalawa at nagturuan. Napailing na lang siya at bumalik sa iniisip. Hindi kasi mawala sa kaniya na sinabihan siya ni Aliza na gwapo. Ang sarap sa pakiramdam na masabihan ng gano'n lalo na kapag alam mong walang halong biro.

"Natuluyan na." Rinig niyang bulong ni Jay.

"Sabi ko naman sa'yo sinapian na 'yan!" Sagot naman ni Denver.

Hindi niya na pinansin at tinitigan na lang ang pinto. Hoping na dumating na si Aliza at makita niya muli ang maganda nitong ngiti. He cringed. Nakakadiri ka, Martelle!


Umalis ang teacher nila at may pupuntahan lang daw pero may iniwan na gawain. Nagsusulat siya nang may bumato sa kaniya ng papel kaya nahulog ang kaniyang ballpen. Tumingin siya kay Denver na natawa kaya ibinato niya din ang papel at walang boses na minura ang kaibigan.

Yumuko siya at kinuha ang kaniyang ballpen na nahulog. Napamura siya sa isip dahil baka mawalan ito ng tinta dahil gel pen ito.

"May ballpen ka pa?" Mabilis siyang umalis sa pagkakayuko kaya nauntog ang ulo niya sa ilalim ng desk. He silently cussed himself.

"Hala ayos ka lang?" Rinig niyang tanong muli nito. Umayos siya ng upo at tumango kahit hindi. Nakakainis dahil para siyang sira, para bang automatic na hindi niya alam ang kaniyang ginagawa kapag nasa tabi si Aliza.

"Ano 'yun?" He managed to ask kahit na hinihimas niya ang ulo na nauntog.

"Sabi ko kung may ballpen ka pa." Tumango ito at binigay kay Aliza ang gel pen na bago niyang bili. Ngumiti ang dalaga kaya natulala siya. "Salamat!" At umalis na ito sa harap niya.

Napangiti na naman siya at bumalik na sa ginagawa. Nagsulat na siya pero napatigil ng putol-putol ang tinta ng ballpen. Kukunin niya sana ang isa pang gel pen pero napatigil siya nang maalala na binigay niya nga pala ito kay Aliza.

"Tsk. Tsk. Tsk. 'Yan kasi, kalandian ang inuuna." Napalingon siya kay Kris na nakangisi sa kaniya at nailing-iling. Nakalimutan niyang may Kris pa na nag-eexist sa mundo para bwisitin siya. Si Kris at ang misteryosa nitong aura.

"Kalandian ka diyan! H'w---" Napatigil siya nang binato siya nito ng gel pen na agad niyang nasambot. Napatingin muna siya sa gel pen bago sa babae na ngumunguya ngayon ng chewing gum.

"H'wag ka ng magsalita, nakakairita ang kalandian mo! O 'yan, balik mo 'yan sa akin mamaya."

Nilingon niya muli si Kris. Palaban ito at kung titingnan mo ay parang bully na weird but he knows, she got a good heart kahit na ininsulto siya nito. She just don't want to show it but she cares.








"Salamat sa gel pen. Btw, pwede ba kitang maging kaibigan?" Muntik na siyang masamid dahil sa sinabi ng dalaga. Tiningnan niya ito at hindi naman siya mukhang nagbibiro. Friend? Seriously?

"No." Nakita niya ang pagkabigo ng dalaga kaya agad niyang minura ang sarili sa isipan. Nataranta siya nang tumango ito at walang imik na umalis.

Mabilis siyang tumayo at hinabol ito. Darn! Bakit niya ba ito ginagawa?


"Aliza!" Sigaw niya. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa hallway. Nakita niya kung paano tumigil sa Aliza at nilingon siya. Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa kaniya.

Lumakad siya papalapit dito at tiningnan ang dalaga na gulat pa rin.

"Wow! Tinawag mo ako sa pangalan ko for the first time...." Mahinang sabi ng dalaga at tumingala kay Martelle. "Ikaw ba 'yan Martelle?"

Hindi niya mapigilan ang ngumiti sa dalaga. Para itong inosenteng bata.

"S-sorry." He apologized. Napayuko ang dalaga kaya lalo siyang kinabahan. "I mean--"

"No. Alam ko naman na ayaw mo akong maging kaibigan. It's alright---" Pinutol niya ang sinasabi ng dalaga at huminga ng malalim.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. I want to be your f-friend." Nag-iwas siya ng tingin dahil sa salitang binanggit. "N-nagulat lang ako."

Nagliwanag ang mukha ng dalaga pero may curiosity na makikita sa mata nito.

"Pero bakit mo ako gustong maging kaibigan?" Tanong ni Aliza at napangisi si Martelle. Lumapit ito sa babae at yumuko.

"Bakit mo din ako gustong maging kaibigan?" He asked. Natawa siya nang manlaki ang mata ni Aliza at halatang nailang sa pwesto nila. Napaiwas ng tingin ang dalaga pero hindi nakaiwas sa paningin niya ang pamumula ng pisngi nito.

"A-ano... Umalis ka nga diyan!" Mahina nitong itinulak si Martelle at lumayo. Tinitigan niya ang binata at napairap. "Tsk, aalis na nga ako!"

Nakangiting pinagmasdan ni Martelle si Aliza at napatingala. He tightly shut his eyes. Darn this girl!

***

Heartbeats Where stories live. Discover now