Chapter 2

195 7 0
                                    

***

"Guys! Vacant tayo ngayon naka-leave si Ma'am!"

Sigaw ng kanilang presidente dahilan kaya nagkagulo sa classroom. Napabuntong hininga si Martelle. Aaminin niya na gusto niya talaga na wala ang kanilang teacher pero magulo kaya mas gugustuhin niya na lang na magklase kaysa isang oras na nakatunganga.

"Martelle, tara sa canteen. Nakakagutom." Napatingin ito sa kaibigan niya. Tumango ito at lumabas na.

Habang papunta sila sa canteen ay nakasalubong nila si Aliza at ang isa pa nitong kaibigan. Napatingin sa kaniya ang dalaga at ngumiti dito. Napaiwas ito at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya nang pagkailang at feeling niya biglang uminit sa paligid.

"Hoy! Bakit ka namumula diyan?" Tanong ni Jay nang napansin ang kaibigan.

"Ha? Mainit kasi?"

Nilingon niya ang papalayong rebulto ni Aliza at gano'n na lang ang pagkakabigla niya nang maalala ang kaniyang napanaginipan. Si Aliza ba 'yun? Pero bakit niya 'to napanaginipan?

He shook his head at isinawalang bahala ang naiisip. For now, kailangan niyang mag-focus. Nasa canteen sila at nagkataon na recess ngayon ng Junior kaya madaming tao sa canteen.

Naramdaman niya ang pagbagal ng tibok ng puso niya. Pinagpapawisan na din siya at wala na siyang maisip na iba kundi ang makalabas dito. Huminga siya ng malalim at tinawag ang kaniyang kaibigan.

"Sa labas lang ako." Paalam ni Martelle kay Jay na tinanguan lang ng huli.

"Martelle?" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya. Nakita niya si Grace na nakatingin sa kaniya habang nakakunot ang noo. Kasama nito ang kaibigan na si Aliza.  "Bakit ka nandiyan?"

Hindi siya makasagot, nakatingin siya kay Aliza dahil sa panaginip na 'yun. Sigurado siya na si Aliza 'yun pero ang gumugulo sa isip niya, bakit niya napanaginipan ang dalaga?

Ngumiti ang dalaga kaya siya napaigtad. Nag-iwas ito ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa pinsan na nasa harap niya.

"Masikip kasi sa canteen. Recess nga pala ngayon ng Junior." Tumango si Grace at nagpaalam na. Napailing siya dahil nakita niya na naman ang dalaga na kumakain. Sa hindi malamang dahilan, na-amuse na naman siya dahil hindi halata kay Aliza na matakaw ito dahil sa kaniyang pangangatawan.



"Ngumiti ka nga, Martelle! Kaya ka nagmumukhang masungit dahil hindi ka nangiti." Hindi niya na lang pinansin ang kaibigan niya. Para saan pa at ngingiti siya? Wala namang dahilan para siya ay ngumiti.

"Hayaan mo na siya Jay. Hindi ka pa nasanay diyan. Mula ng maghigh school tayo lagi na 'yang nakasimangot." Sinamaan niya ng tingin si Denver na tinawanan lang siya.

"Kung wala kayong matinong sasabihin, umalis na kayo sa tabi ko. Ang gulo niyo!" Nagtawanan ang mga kaibigan niya bago sila umalis at guluhin ang kaniyang buhok. Napamura na lang ito sa isip at hindi na pinatulan.

Natapos na ang one hour vacant nila. It means P.E time na nila, ang pinakaayaw niyang subject.

Bumaba na sila sa gym at doon ay nakita ang kanilang teacher. Pinalinya sila at pinaggrupo.

"Bumuo kayo ng grupo na may apat na members. Then luminya kayo at doon ko sasabihin ang inyong gagawin."

"Tayong apat na lang. Let's go." Sumunod siya sa kaibigan at luminya na sila.

"So ang inyong gagawin ay tumakbo kaya paikot sa basketball court. Then after three laps bumalik kayo dito."

Nagreklamo ang kaniyang mga kaklase pero wala ring nagawa kundi ang sumunod sa kanilang guro. Nakaramdam siya ng excitement at pag-aalala. Maayos ang pakiramdam niya ngayon pero nababahala siya dahil baka umatake na naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya at ang pahirapan niyang paghinga.

They started running. Natuwa si Martelle dahil normal na ang pakiramdam niya pero wala pang tatlong minuto at naramdaman niya kaagad ang kakaibang sakit sa kaniyang dibdib. Napatigil siya sa pagtakbo at biglang bumagal ang mga boses na kaniyang naririnig. Hindi niya na alam ang nangyayari basta naririnig niya lang ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

"GUYS! Si Martelle!" Sigaw ni Aliza nang makita niya si Martelle na napatigil at nakahawak sa kaniyang dibdib at tila nahihirapang huminga.

Nasa likod siya ni Martelle at saktong nakita niya ito. Mabilis siyang lumapit sa binata at tinanong pero hindi ito sumagot. Nag-aalala siya mabuti na lang at mabilis na lumapit ang kanilang guro.

"Martelle? Martelle?" Tawag ng guro pero nanatiling nakapikit ang binata. Tumingin ang guro sa lalaki nilang kaklase at pinabuhat ito.

"Dalhin niyo siya sa clinic. Class, ipagpatuloy niyo ang ginagawa niyo. I'll be back."

Napasapo sa dibdib si Aliza. Ngayon lang siya nakakita ng gano'n. Sobra siyang kinabahan at nag-alala kay Martelle dahil sa nangyari sa kaniya. Napapikit siya at agad nagmulat nang may tumapik sa balikat niya. Nakita niya si Mira na nag-aalalang nakatingin sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Tanong nito. She nodded at napatingin sa clinic na malapit lang sa gym.

"Yap, I'm fine. Nashock lang ako sa nangyari kay Martelle." Ngumiti ito ng tipid at napabuntong hininga.

"Don't worry. Nasa clinic na siya. He'll be fine." Sana nga ayos lang siya.

***

Heartbeats Where stories live. Discover now