Chapter 4

95 8 0
                                    

***
Maagang nagising si Martelle. He has this bright mood na kapag nakita mo siya mahahawa ka. He even cook his breakfast kaya laking gulat ng kaniyang ina nang makita ito.

"Good Morning anak. Ang saya mo ngayon ah." His mother's remarked as she stares at his son. Ngiti lang ang isinagot ng binata na lalong nakapagtaka sa kaniyang ina.

"By the way," Nilingon nito ang anak na nakain. She wanted to tell him without worrying pero hindi niya alam kung paano.

Martelle sensed it kaya siya na ang nagtanong sa ina.

"What?"

Huminga ng malalim ang kaniyang ina and smiled. A warm smile.

"Pupunta tayo sa Manila bukas." Ayon lang ang sinabi ng kaniyang ina but that's enough for him to know what she means. And he's not against in the idea of checking his condition, he wants to recover.

"Okay."

Pagkapasok ni Martelle sa room ay agad na bumungad ang maiingay niyang kaklase. May mga bumati sa kaniya and he answered with a small smile na nagpagulat sa lahat.

Bihira lang siyang ngumiti at kung ngingiti man siya, walang emosyon. Tipid na ngiti para lang masabi na ngumiti but now is different. He's smiling, his eyes are smiling at ayon ang napuna ng kaniyang mga kaklase.

Nakaramdam ng pagkailang sa Martelle sa mga tingin na binibigay sa kaniya ng kaklase niya. Para tuloy nagsisi siya na ngumiti siya. Pangit ba ang ngiti ko? Dapat hindi na lang ako ngumiti.

Napatigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano when a girl approached him. Nakaayos ang buhok nito at ang una niyang napansin ay ang see-through bangs nito. Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga at natauhan siya nang magsalita ito.

"Himala at ngumiti ka ngayon, Martelle. Akala ko forever ka ng masungit." Nakakainsulto 'yun para sa iba pero hindi siya nainsulto. Hindi niya mapigilan ang mapangiti kaya nagulat ang dalagang kaharap.

"Oh my god! Ang cute mo!" Tumalikod siya at napayuko. Naiinis siya sa sarili niya dahil nagmumukha siyang bakla sa harap ni Aliza. Lalo na ng sinabi nito na ang cute niya. Cute?

Nakahinga siya ng maluwag nang umalis na ang dalaga at nagpunta sa unahan. Napaupo na lang siya sa upuan at napahilamos sa mukha.

Nakarinig siya ng tawanan kaya sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan niya na pinagtatawanan siya.

"Putek! Ang bakla mo Martelle!" Sigaw ni Denver at binatukan siya. Inalis niya ang kamay ng kaibigan at sinipa ang tuhod nito.

"Gago! Umalis nga kayo!" Pagtataboy niya kaya lalong nagtawanan ang dalawa. Hindi sila umalis at lalong inasar si Martelle na namumula sa inis at hiya.

"May gusto ka kay Aliza?" Seryosong tanong ni Jay. Naputol ang tawa ni Denver at bigla ring sumeryoso ang mukha na tumingin kay Martelle.

Hindi niya alam ang isasagot. Gusto niya ba ito? Aaminin niya, matagal na siyang nagagandahan sa dalaga since matagal na silang magkakilala. Grade 1 pa lang ay kaklase niya na ito at nasaksihan niya kung paano ito magdalaga pero ang tanong gusto niya ba ito?

"Ewan ko," Nag-alinlangan siya kung sasabihin niya pero alam niyang hindi siya titigilan ng kaniyang mga kaibigan kaya nagpatuloy na lang siya. "Matagal na akong nagagandahan sa kaniya pero hindi ko siya gusto." Nagkibit-balikat ito. "Nagagandahan ako, pero hindi ko gusto."

Tinapik ni Jay ang balikat nito at ngumisi. Sinulyapan si Aliza na nakikipagkwentuhan sa kaibigan at nakikipagtawanan.

"Good. Mataray 'yan kahit mukhang mabait at hindi mo magugustuhan na matarayan niya." Ipinakita nito ang braso kung saan may parang kalmot. "Noon pa ito pero bumakat na sa balat ko. Kinalmot ako ng babaeng 'yan!"

Kumunot ang noo ni Martelle at sinamaan ng tingin si Jay.

"Meron siyang pangalan, Jay." Ani niya at pinaulanan na naman siya ng nakakairitang pang-aasar ng kaniyang mga kaibigan.


Maaga silang nag-lunch ngayon. Naisipan niyang tumambay muna sa rooftop ng building nila. Wala masyadong napunta dito dahil hindi naman kagandahan ng rooftop at hindi pinapayagan ng guard. Pero dahil wala siyang pakielam, pumunta pa rin siya at agad bumuga ng hangin nang maramdaman ang nakakagaan sa pakiramdam na simoy ng hangin.

"Para kang sira." Nagmulat siya ng mata at agad nakita si Kris na nakangiwi sa kaniya. Saka niya lang na-realize ang pwesto niya. Nakatayo at parang sira na nakapikit.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya. Lumapit si Kris at hinila ang upuan na nakita palapit kay Martelle. Umupo siya na patalikod at humalumbaba.

"Bakit ka rin nandito?" Balik na tanong ng babae.

Si Kris ay ang kaklase niya na medyo boyish. Matangkad ang babae at hindi gano'n kapayat. May brunette na buhok at aakalain mong half-Australian lalo na kapag nagsalita ito in English. Hindi sila masyadong close pero nakikita niya na minsan nakatingin sa kaniya ang babae kaya naiilang siya ngayon sa presensiya nito.

"Tinatanong kita kaya huwag mo akong sagutin ng tanong din." Mariin na sabi ni Martelle. Napatawa si Kris at umiling-iling habang pinatutunog ang dila.

"Kung anong sagot mo sa tanong ko ayon din ang sagot ko sa tanong mo." Sandali silang nanahimik.

Aalis na sana ang binata nang magsalita si Kris na siyang nagpatigil sa kaniya.

"Siguro nagtataka ka," Nilingon niya ang dalaga na ngayon ay maayos na ang upo. Nakasandal na sa upuan at nakacross ang legs. "Alam mo bang inoobserbahan kita?" Itinaas pa nito ang kilay at humalukipkip.

Tumango ang binata. "Oo at ramdam mo naman siguro na ayoko sa ginagawa mo."

Napatawa si Kris at sarcastic na pumalakpak.

"Hmm? You can't blame me, Martelle. Masyado kang misteryoso sa akin at dahil bored ako, ikaw ang naging target ko." Tumayo ang dalaga at lumapit kay Martelle. "Ang nangyari sa P.E, ang nangyari sa classroom, ang lungkot sa mata mo at ang emosyon na pilit mong tinatago."

Kinabahan ang binata. Alam niya na may pagka-weird din ang dalaga. Kakaiba itong kumilos at minsan ay hindi mo maintindihan ang nasa isip kaya kinakabahan siya dahil baka malaman nito ang ikinatatakot niya. Malalaman nito ang sikreto niya at ayaw niya nito.

"Don't worry. There are many possible answers in my question kaya for now, safe ka pa, safe pa ang sikreto mo." Tinapik nito ang balikat ng binata at ngumisi. Ngisi na nakakakilabot. "I'm bored, Martelle."

Akala niya ay nakahinga na siya ng maluwag nang tumalikod ito at naglakad palayo pero nagkakamali siya. Lumingon muli ang dalaga at tinitigan siya.

"By the way, nice choice of girl. Mabait si Aliza kahit na mataray siya." At tuluyan na itong umalis.

Napasabunot siya sa buhok. Darn! Naiirita siya kay Kris at sa mata nitong parang agila kung magmasid. At naiinis siya sa dalawa niyang kaibigan na sa sobrang ingay, may nakapansin! Darn this!

***
A/n:

Happy New Year! I hope you're enjoying the story!

#Heartbeats
@Eifell_smith

Heartbeats Where stories live. Discover now