Chapter 16

40 4 0
                                    

***

"Martelle, by next week pupunta na tayong Manila." Napatingin siya sa kaniyang ina at tumango na lang. He tried to smile but failed.




Pagkatapos sabihin 'yun ni Kris ay umalis na ang dalaga at naiwan siya. Hindi niya talaga inakala na gano'n ang nangyari sa kapatid ni Kris. He wanted to comfort her dahil pakiramdam niya ay nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ng dalaga.



Napahinga siya ng malalim at nagtuloy na sa pagkain. Napatingin siya sa kaniyang kapatid when she patted his shoulder. She smiled genuinely.

"Huwag kang mag-alala, Martelle. You can do it, we're always here for you." Nakaramdam siya ng paglambot sa may bandang puso niya. Hindi niya mapigilan ang pagngiti sa simpleng salita na sinabi ng kaniyang kapatid.

"We love you, anak. Pinagsisihan ko na iniwan ko kayo noon pero sana malaman mo na talikuran ka man ng lahat, nandito pa rin kami sa tabi mo." Sabi ng Papa niya at naramdaman niya ang pangingilid ng luha niya.

Napailing siya sa sarili at napatingala upang pigilan ang pagluha. Nakakabakla kasi para sa kaniya ang umiyak at ngayon nga ay naiiyak siya dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid at ama.


Vacant sila ngayon at dahil walang teacher, maingay na naman ang buong klase. Tahimik lang siya at nag-iisip kung sasabihin ba niya sa kaniyang mga kaibigan o hindi. Sinulyapan niya si Kris at napangiwi siya ng saktong tumingin din ito sa kaniya. Umirap lang ang dalaga at nagtuloy na sa pagc-cellphone.

Napabuntong hininga siya at tiningnan ang dalawang kaibigan na nagk-kwentuhan. Kailan niya ba sasabihin? Kailangan niya munang maghanap ng pagkakataon.

Pagkakataon? Bawat oras ay tamang pagkakataon, lalo ka lang mahihirapan kapag pinatagal mo pa.

Tumikhim siya kaya nakuha niya ang atensyon ng dalawa. Tumigil sila sa pagk-kwentuhan at tiningnan si Martelle na ngayon ay nakayuko at napapabuntong hininga.

"Anong meron at mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa? Brokenhearted ba?" Tanong ni Jay at inilapit ang upuan sa kaibigan. Lumapit na rin si Denver at seryosong naghintay sa sasabihin ni Martelle.

Umiling lang si Martelle at huminga muna ng malalim bago tiningnan ang dalawa at nag-umpisang magsalita.

"Tanda niyo pa ba nang mawalan ako ng malay noong P.E time natin?" Tumango ang dalawa. "Ilang beses pa 'yung nasundan hindi ba? Dinala ako sa hospital at doon ko nalaman na may sakit ako. My case is rare, 'yan ang sabi ng Doctor and by next week, ooperahan na ako."

"Laging nasakit ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Hindi rin ako pinaglalaro ng basketball noong bata ako dahil sa sakit ko na hindi ko alam ay malala pala. Kilala niyo ako bilang masungit ang walang pakielam sa mundo pero nag-iba ang lahat nang malaman ko 'yun, I decided to change myself for me. I let myself laugh and smile kahit na sa maliit na bagay lang."

"Next week na ako ooperahan at hindi ko alam kung ano ba ang magiging resulta. I want to tell you this before it's too late. Ang drama pero totoo," Natawa siya ng kaunti bago muling nagseryoso. "Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko kayo. Kahit sinusungitan ko kayo, hindi niyo ako nilayuan. Hindi ko kayo malilimutan. Salamat sa lahat Denver at Jay."

Walang nagsalita matapos niyang sabihin 'yun. Pumikit na lang siya at akmang tutulog na ng maramdaman niya ang pag-akbay sa kaniya ng dalawa niyang kaibigan at nasundan ng tawanan. Nagmulat siya ng mata at bumungad si Denver at Jay na iniilingan siya.

"Ikaw talaga Martelle.." Ginulo ni Denver ang buhok ng kaibigan at muling umupo. "Syempre, swerte rin kami sa'yo kahit masungit ka NOON. Ang laki na kaya ng improvement mo, diba 'pre?" Tiningnan ni Denver si Jay na tumango sa kaniyang sinabi.

"Huwag ka ring magsalita ng ganiyan. Makakaya mo ang operation na 'yan, kagat lang 'yan ng langgam. Kapag naging sucessful ang operation, c-celebrate tayo," Napatigil si Jay at biglang ngumisi. "Pero siyempre libre mo." Si Jay lang ang mag-isang tumawa habang nakatingin lang ang dalawa sa kaniya.

Napailing siya at tumayo.

"Mga loko. Samahan niyo na lang ako sa canteen, nagugutom ako."

Hindi niya alam ang naramdaman. Para siyang nabunutan ng tinik at gumaan ang loob niya. Tiningnan niya ang dalawang kaibigan na nasa harap niya at napaisip na lang. Sana hindi magbago 'to. Sana maging masaya pa rin kami kahit anong mangyari.

***

Heartbeats Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin