Chapter 14: Chains and Cuffs

57K 3K 146
                                    

I immediately dialed Drey's number. Nang may sumagot sa kabilang linya ay agad akong sumigaw. "Drey, papunta na riyan sa'yo si Train!"

"Already did. At sa tingin ko, kailangan niya ngayon ng tulong mo."

I was taken aback for a second. "A-Ano'ng nangyari kay Train?"

"Just come here, okay? Ipapadala ko sa'yo ang address ko."

Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano'ng kalagayan ni Train ngayon. Train, please wait for me. Please wait for your master.

Isang malaking mansiyon ang sumalubong sa akin nang puntahan ko ang tirahan ni Drey. Bumukas ang malaking gate at may sumundo sa aking tauhan. Nang marating ang pinakabahay ay sinalubong ako ni Drey. Humudyat siya sa kanilang tauhan na maaari na siyang makaalis.

"Si Train?" agad kong hanap.

"Follow me," wika ni Drey.

We walked through what seems like an endless hallway. Inabot kami ng mga limang minuto para lamang marating ang dulo.

Binuksan ni Drey ang isang malaking pintuan at lumantad sa harapan ko ang isang eksenang lumamon nang buhay sa'king puso. Hindi ko matanggap ang nakikita ko ngayon. Please tell me this isn't happening.

Si Train... nakatali sa isang poste. Nakaposas ang dalawa niyang kamay at may malalaking kadenang nakagapos sa buong katawan niya. Nakayuko siya at nararamdaman ko na hirap na hirap siya sa paghinga. Kitang-kita rin ng mga mata ko ang mapupulang marka sa balat niya mula sa matinding paghampas. I could literally feel the chains burning his skin. Every wound is inflicting pain throughout his body.

Nagdilim ang paningin ko. Humarap ako kay Drey at sinampal siya nang malakas.

"What the hell did you do to him?" I snapped.

"Para rin 'yan sa ikabubuti niya." Nakatagilid pa rin ang kaniyang mukha mula sa'king pagkakasampal.

"Paano nakabuti 'to para kay Train?" hiyaw ko. Namamaga na ang lalamunan ko sa pagsigaw.

"Hindi na niya makontrol ang sarili niya, Raven. Kinailangan namin 'yang gawin sa kaniya para mapigilan ang pagwawala niya."

Dahil sa sobrang alala para kay Train, hindi ko na napansin ang pagbanggit niya ng salitang 'namin.'

"Train!" Tumakbo ako palapit sa'king alagang halimaw ngunit bigla akong hinila ni Drey. "Let go of me, you freaking monster!"

"Are you out of your mind? Look at him! Hindi mo alam ang puwede niyang gawin sa'yo dahil wala na siya sa tamang katinuan." fumed Drey as he tightened the grip on my arm.

"I don't care! Kailangan ko siyang puntahan!" Hindi ako makawala kay Drey. Masyado siyang malakas. "Train!"

Umiiyak na 'ko. Gustong-gusto kong puntahan si Train. Alam kong sobra siyang nahihirapan ngayon. Hindi niya naman kasalanan kung nagwala siya eh. Hindi niya kasalanan na magutom. Ako... ako ang may kasalanan. Naging pabaya ako bilang isang amo. I failed at my responsibility as his master... as his caretaker... as his partner.

"Train..." Sinambit ko ang kaniyang pangalan sa pagitan ng mga singhap at hikbi.

Bigla kong narinig ang paggalaw ng mga kadena. Nakita kong gumalaw ang isang kamay ni Train.

"Train!" I yelled with a smile.

"This isn't good," ani Drey.

Tumingala ang kaniyang nakagapos na kapatid at nakita kong pulang-pula ang mga mata ni Train. Nakakakilabot ang kaniyang hitsura.

"Grrrr!" Umungol siya nang sobrang lakas, nanginig ang buong katawan ko. Ibang-iba na mukha niya ngayon. Namumugtong ang mga mata niya, magulong-magulo ang buhok, at naglalaway ang bibig niya.

Umatras ako nang isang hakbang dahil sa matinding pangangamba. Bigla akong nakaramdam ng isang kamay sa likod ko. Hindi 'yon kamay ni Drey, alam kong iba ang may-ari dahil may pagkapayat lamang ito at malambot. Parang kamay ng isang babae. Nararamdaman kong may isa pa kaming kasama sa kuwartong ito. May bagong dumating.

Before I knew it, that hand pushed me—and I stumbled in front of the beastly Train.

***

Huminto ang pagtibok ng puso ko. His angry eyes are glaring straight at me. Umungol ulit siya nang napakalakas at narinig ito ng bawat balahibo sa'king katawan.

I raised my arm and reached towards him. I touched his face. "Train..."

Biglang nakalas ang mga kadena at nagawang makatakas ni Train. Sa sobrang galit ay nasira niya ang mga malalaking bakal na nakapulupot sa kaniyang katawan. Nakalaya ang kaniyang dalawang kamay mula sa pagkakaposas.

"Train!" Napasigaw nang malakas si Drey.

Pero huli na ang lahat. Naramdaman ko ang mga kamay ni Train na bumalot sa'king katawan. Kinarga niya ako at tumakas kami mula sa lugar na iyon. Kung saan niya ako dadalhin ay hindi ko alam.

Bago kami makaalis nang tuluyan ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang taong tumulak sa akin. Isa siyang babaeng maputi at naka-violet na dress. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya at panandaliang nagtama ang mga paningin namin.

Yumakap ako nang mahigpit kay Train. Alam kong wala siya sa sarili niyang isip ngayon, pero niyakap ko pa rin siya.

After all, it's a master's responsibility to provide affection towards their pet, especially when it needs it the most.

My Sweet Little MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon