SYBG 29

1.9K 112 134
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Meeting"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





SA wakas at nakakita na rin naman ng parking spot si Dean. Inayos niya ang pagpa-park at nang magawa ito ay magmadali nang lumabas ng sasakyan para puntahan ang anak ng kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita o tumawag man lang sa isa sa kanila. Paalis na siya nang may makita siyang pamilyar na pamilyar sa kanya.

"David Virgil Samonte?!" Patdang sambit ni Dean ng makita ang lalaking kalalabas ng kotseng katabi ng sa kanya.

"Pat? Dean Patrick Villafuente. Wow! Long time no see, bro." Ganti naman ni Virgil. Nagulat din ang binata. Malapad ang ngiti nitong sinalubong ang taong matagal nang hindi nakikita. Ilang taon na ba ang nakakaraan? Ang huli niyang alam ay nangibang bansa ito.

"How are you, bro? How's Lola Juaning? Gosh, it's been a while." Parang nahawa na rin si Virgil sa ngiting nakikita kay Dean. It was a genuine smile. Isa sa mga katangiang na-miss niya sa kanyang kababata.

"Yeah, it's been a while. I'm okay though. Lola Juaning? Well, she's somewhere peaceful now." Bahagyang nalungkot si Virgil nang mabanggit ang sariling apuhan. Biglang na-miss ang mahal na Lola. "She passed away the summer before my senior year." Sagot niya na walang bahid ng sakit pero puno ng lungkot.

Nalulungkot siya sa tuwing naaalala ang kanyang Lola Juaning, ang tumayong ina sa kanya, pero hindi na siya nasasaktan. Ito lang kasi ang meron siya tapos nawala pa. Ito lang ang nagpakitang mahal na mahal siya, na pwede siyang mahalin kahit walang kinilalang ama at wala siyang ina. Hindi naman kasalanan ng Mama niya wala ito para sa kanya.

"I'm sorry to hear that, Yat. Pasensiya ka na at wala man lang ako doon." Natawa tuloy siya sa pangalang itinawag sa kanya ni Dean. Payat, yan ang tawag sa kanya ni Dean.

Alam niyang nalungkot din si Dean s pagkaalam na Lola Juaning niya kasi kahit nakangiti ang kababata ay basang-basa niya ang mga mata nito. Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan na kahit na hindi maganda ang nangyayari ay nakukuha pa nitong ngumiti bagay na nagustuhan niya dito.

"Ikaw, Sot? Kamusta na? Last kitang nakita was the summer before our third year in high school." Kaswal niyang tanong sa kaibigan. Napangiti lang si Dean sa itinawag ni Virgil sa kanya.

Bansot naman ang tawag kay Dean, dahil may kaliitan ito noong mga bata pa sila. Na-miss niyang talaga ang kababata.Tumikhim muna si Dean bago sumagot.

"Okay lang ako. Pasensya na at wala ako nang mawala si Lola Juaning." Paghingi niya ng paumanhin. Mapait siyang ngumiti.

"Ayos lang yun kahit hindi na nakita ni Lola na grumaduate ako ng high school, nandiyan naman ang Tiya Meridia." Tumango-tango si Dean. Natutuwa siya kahit papaano. "Kamusta na. Balik Pinas ka na ba?" Dugtong ni Virgil.

"I'm okay. I'm back for now. Depende." Mabilis na sagot ni Dean. "I'm sorry for not being there you, Yat. Medyo nagkaroon kasi ng problema noon ang Mommy at Daddy sa negosyo kaya hindi na namin nakuhang bumalik sa probinsya kaya mas minabuti pa nila na sa Manila nal ang ako mag-aaral. Pero teka sandali, why are you here?" Biglang kambyo ng tanong ni Dean.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now