Chapter 15

16.3K 284 1
                                    


"MANOOD ng sine?" ulit ni Gabrielle sa sinabi ni Liam. Nakaupo siya sa passenger seat sa harap, katabi ang lalaki na nagmamaneho. Kagagaling lang nila sa school. Inihatid nila si Avi, hapon ang schedule ng exam ng bata.

Kung dati ay si Gabrielle ang nasa manibela at deretso na siya sa bahay pagkatapos ihatid si Avi, ngayon na madalas nang nasa Victoria si Liam ay ito na ang kanilang naging driver.

"Hindi ka nanonood ng sine?"

"Sa room ni Lola Santina, kaming tatlo nina Avi."

Sinulyapan siya ni Liam. "Subukan mo naman sa sinehan."

"Mas okay sa aking sa bahay na lang, kami ni Avi."

Hindi na ito umimik ng mahabang sandali. Siya naman ay naaliw na sa pagtitig sa pamilyar na tanawin ng Victoria.

"You don't out on movie dates?" narinig niyang tanong ni Liam.

Umawang ang kanyang bibig bago napabaling sa lalaki. Deretso sa harap ang tingin nito, kaswal na nagmamaneho. Inaalam ba ni Liam ang personal na impormasyon tungkol sa kanya?

Kung ibang lalaki ang nagtanong, hindi siguro siya sasagot. May kung ano kay Liam na hindi niya maintindihan. Magaan ang kanyang loob at hindi nagdadalawang-isip sagutin ang mga personal na tanong kapag ito ang kausap niya. Siguro dahil ama ito ng batang itinuturing na niyang tunay na anak.

"Hindi. May anak na ako," ani Gabrielle sa mababang tono. "Iba na ang priorities ko mula nang dumating si Avi." Hindi na niya sasabihin kay Liam na mula nang maging "ina" kay Avi ay sa bata na umikot ang kanyang mundo. Si Avi na ang sentro ng kanyang atensiyon, ang pinaglalaanan niya ng lahat ng oras. Kinalimutan niya maging ang sarili maibigay lang kay Avi ang lahat ng kailangan nito. Hindi niya gustong maranasan ng bata ang naging buhay niya bilang ulila. Pinili niyang panindigan ang pagiging ina kaya hindi niya maaaring isumbat kay Liam ang mga taong lumipas na hindi ito naging ama kay Avi.

Ilang segundong hindi umimik si Liam. Wala namang himig ng panunumbat ang tono ni Gabrielle kaya hindi siguro ang sinabi niya ang dahilan ng pananahimik nito.

Napaisip si Gabrielle nang tumagal ang pananahimik ni Liam. Ang akala niya dati, ang responsibilidad na naiwan sa kanya ang dahilan kaya hindi siya pumasok sa isang relasyon. Ngayon ay unti-unting nagiging malinaw sa kanya ang lahat—pinili niyang ilayo ang sarili sa relasyon dahil hindi buo ang kanyang tiwala sa pag-ibig.

Kung nagmamahalan ang kanyang mga magulang ay hindi siya basta iiwan lang sa ampunan. Bunga siya ng pag-iibigan ng mga ito, hindi ba? Kung ganoon, bakit siya pinabayaan? Bakit siya hinayaang lumaking walang kinikilalang mga magulang, na walang totoong pamilya?

Nang mapunta siya sa poder ni Lola Santina ay lalo niyang nakita hindi kailangan ng isang lalaki sa buhay para umikot ang mundo ng isang babae. Kay Lola Santina niya nakita ang isang matatag na babaeng namuhay mag-isa at kinaya ang lahat. Naibigay nito sa kanya ang pagmamahal kaya naman nang maging "anak" niya si Avi ay ginawa niya ang lahat para maging karapat-dapat na ina.

Hindi naging interesado si Gabrielle sa date na ngayon ay sinasabi ni Liam dahil wala iyon sa kanyang priorities. Okay na siya na sila lang ni Avi ang magkasama.

Pero kung si Liam ang makakasama niya... Baka magbago ang kanyang pananaw sa "movie date."

0000�^��L

Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon