Chapter 12

16.6K 315 0
                                    

ANG sumunod na party sa Vienn Farm ay birthday naman ni Gabrielle. Tulad ng lahat ng dumaang birthday celebration sa farm, ang mga pinagkakatiwalaan niyang tao ang nag-organize ng salu-salo na hiniling niya kay Nanay Puring na gawing simple, tulad nang nakaraang party ni Avi. Ang gift-giving lang ang dahilan kaya may kasayahan pa rin sa farm. Kung siya lang ang masusunod, hindi na niya paghahandaan pa ang birthday. Hindi lang niya nais alisin ang nakaugalian nang gift-giving na hinihintay ng mga trabahador. Gusto rin niyang panatilihing buhay sa lahat ang alaala ni Lola Santina.

Umuwi sila ni Avi sa Corazon nang sumapit ang Sabado. Pagkatapos ng dalawang oras ay si Quiah naman ang dumating. Pinigil niya ang sariling tanungin ang kapatid kung bakit hindi kasama si Favio. Abala ang lahat kaya tumulong muna siya sa preparation.

Si Liam ay bumalik sa Maynila dalawang araw matapos ang hatinggabing biglaang pagdating. May project daw na tinatapos ang lalaki. Sa telepono lang nag-uusap ang mag-ama sa dalawang linggong lumipas.

Dalawang linggo na ring ibinubulong ni Gabrielle na parang mantra tuwing umaga ang: "Hindi kita nami-miss, Liam. Hindi kita dapat ma-miss!"

"Ready na ba ang mga pagkain, Ancelle?" tanong ni Gabrielle sa kasambahay na galing sa kusina.

Tumango si Ancelle. "Kanina pa, Ate."

"Kumain ba muna si Tatay Lauro at ang mga kasama niya?" Ang buong pamilya ni Tatay Lauro ang abala sa pagluluto sa mga ganoong handaan sa farm katulong ang iba pa nilang trabahante. Nagboluntaryo ang mga ito. Ang mga trabahante at ang pamilya ng mga ito ang bisita nila kaya hinayaan niya na ang mga ito na rin ang maghanda ng nais kainin sa araw na iyon.

Tumango si Ancelle. Nilampasan na ni Gabrielle ang kasambahay para lapitan si Nanay Puring na abala sa pagmamando sa mga nag-aayos ng mga mesa at silya sa bakuran.

"Kompleto na ho ba ang gift packs natin, 'Nay Puring?"

"Kagabi pa, hija. Para sa limang katao ang matitira." Nilingon uli ng matanda ang kausap at itinuloy ang pag-uutos.

"Lahat ba sila ay darating, 'Nay?" Ang mga pamilyang imbitado ang tinutukoy ni Gabrielle.

"Walang nagpasabi na hindi makakadalo kaya lahat ng inaasahan kong pupunta ay makakarating."

Natuwa siya. "Hahabol daw si Wendy, 'Nay, kasama si Mayor Willard. Nasabi ko na kay Tatay Lauro."

"Naihanda na nila ang mga putahe na hiniling mo para sa alkalde, Bri. Maayos ang lahat, huwag kang mag-alala."

Ngumiti si Gabrielle. Hanggang nasa tabi niya ang mga taong maaasahan sa lahat ng pagkakataon ay hindi talaga siya mahihirapan sa mga ganoong okasyon. Laging magiging masaya ang bawat birthday na ipagdiriwang sa Vienn Farm.

"Bri?"

Napabaling siya kay Nanay Puring.

"Hindi ko napansing kasama n'yo ni Avi si Liam. Hindi niya ba alam na may okasyon ngayon?"

"Hindi ko ho nabanggit," tugon niya. "Hindi naman niya responsibilidad na dumalo sa lahat ng okasyon sa Vienn Farm, 'Nay. Nasa Maynila na siya, no'ng Tuesday pa. Sa telepono lang sila nag-uusap ni Avi." Napalingon sila sa gate nang dumating si Tatay Lauro kasunod ang mga trabahante.

"Maligayang kaarawan, Bri," nakangiting bati ni Tatay Lauro na nagpangiti kay Gabrielle. Sumunod na bumati ang mga kasama nito.

"Salamat ho, 'Tay. At sa inyo rin," nagagalak niyang tugon. "Save n'yo na lang ang best wishes n'yo sa gift-giving." Nginitian niya ang mga ito. "Ang mga bulaklak, fresh pa ba?" sunod niyang biro. "Ayoko ng lanta, ha?"

"Siyempre naman, Ma'am Gabrielle. Pinaghandaan naming lahat ang birthday mo," sagot ng isa sa mga binatang alalay ni Tatay Lauro.

"Handang-handa na rin ang mga barong, hija!" ani Tatay Lauro, saka tumawa.

"Wow! That's great. Sino ho ba ang pang-twenty five na magbibigay ng rose?"

Nagtaas ng kamay si Lucas, ang panganay na anak nina Tatay Lauro at Nanay Puring. "Ako, Ma'am, Bri."

"Ikaw pala ang last dance ko, Luke?"

Ngumiti si Lucas "May rayuma na si Tatay, Ma'am Bri. Hindi tatagal sa pila."

Napangiting bumaling siya kay Tatay Lauro. "Si 'Tay Lauro ang last dance ko last year."

"Bagong henerasyon na ako. Outdated na ang barong ni Tatay kaya pinasa na sa akin ang pagpila. May inihanda nga palang regalo para sa 'yo ang mga anak ko, Ma'am Bri."

"Ang sweet na mga bata. Hindi ba darating ang buong pamilya mo?"

"Pagkagaling pa ni Misis sa bayan kaya baka humabol na lang sila ng mga bata. Ako naman ang pipila kaya kahit medyo huli na sila."

Ilang minuto pang nakipagkuwentuhan si Gabrielle bago siya umakyat sa silid at nagbihis.

tyle='fon��^_(J

Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang IkawWhere stories live. Discover now