Chapter 18

15.7K 293 2
                                    


MALAKAS at mabilis ang pintig ng puso ni Liam. Ramdam niya na hindi iyon normal. Nakasanayan na lang niya mula nang unang pagkakataong nayakap si Gabrielle. Tuwing magtatama ang kanilang mga mata, tuwing ngingiti ang dalaga, tuwing intensiyonal siyang tititigan—naroon na lagi ang pintig na iyon. Sanay na siya at alam nang rendahan ang sarili.

Nagtagumpay siya na hindi matakot si Gabrielle. Unti-unti tinanggap ng dalaga ang affection mula sa kanya. Nagawa niyang iparamdam na ligtas ito sa kanyang yakap.

Hindi nga natakot si Gabrielle pero nang sandaling iyon ay si Liam ang natatakot humakbang palapit sa dalaga pagkatapos ng halik na namagitan sa kanila. Hindi niya planong gawin iyon. Hindi lang niya nakontrol ang sitwasyon at ang sarili. Bumigay nang tuluyan ang kanyang tatag at depensa pagkatapos gawin ni Gabrielle ang hinihintay na gawin nito—ang tawirin ang gahiblang harang sa pagitan nila. Alam niyang nagawa nang tibagin ang pader sa kanilang pagitan.

Ramdam na ramdam ni Liam ang pagkaasiwa ni Gabrielle noong mga unang araw na nagkasama sila. Nauuwaan niya ang dalaga, hindi ito sanay sa atensiyon at affection mula sa isang lalaki. Aaminin niyang naging masaya siyang turuan si Gabrielle, naging masayang panoorin at pakiramdaman ang unti-unting pagbaba ng depensa ng dalaga para hayaan siyang makalapit.

At kagabi, tulad niya ay hinayaan na rin ni Gabrielle ang sariling tangayin ng damdamin.

Ngayon ay hindi na sigurado si Liam. Malinaw na ang isip ni Gabrielle. Hindi na siya magugulat kung paghakbang niya ay umatras ang dalaga palayo. Ano ang gagawin niya kapag lumayo si Gabrielle? Hahabulin ba niya ng yakap? Paano kung matakot ito? Kung itulak siya palayo?

Mahabang sandaling naghinang ang kanilang mga mata. Humakbang si Liam—hindi umatras si Gabrielle. Natuwa siya, itinuloy ang maingat na paghakbang palapit sa dalaga. Tahimik niyang inilapag sa mesa ang bitbit na takeout habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Gabrielle.

Nakatingin din lang ang dalaga sa kanya, bahagyang nakaawang ang bibig na kung hindi lang siya nag-aalalang matakot ito ay baka siniil na ng halik hanggang kapwa halos hindi na sila makahinga. Na-realize ni Liam kung ganoon kalakas ang atraksiyon niya kay Gabrielle.

Atraksiyon nga lang ba ang kanyang nararamdaman? Hindi niya sigurado. Hindi rin niya gustong mag-isip nang husto. Gusto niyang maging masaya lang ang bawat sandaling kasama si Gabrielle. Saka na iisipin kung paano siyang magsisimula uli kapag natuklasan na nito ang kanyang lihim. Sana hindi pa ngayon. Sana hindi pa sa mga susunod na araw. Gusto pa niyang kasama ang dalaga, gusto pa niyang maging ama kay Avi...

"L-Liam—"

Umabot sa pandinig niya ang mahinang pagsinghap ni Gabrielle nang nasa harap na siya pero hindi ito umatras. Nanatili ang dalaga sa kinatatayuan.

Lalong inilapit ni Liam ang sarili. "Nagdala ako ng lunch," pabulong na sabi niya kasunod ang maingat na paghalik sa noo ni Gabrielle. Pumikit ito, naramdaman ang paghawak sa kanyang baywang. "Gutom ka na ba?" tanong niya bago inulit ang halik sa noo nito. Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Gabrielle sa kanyang polo shirt.

Pigil na pigil niyang hapitin ang baywang ng dalaga at mahigpit na yakapin. Ibibigay niya rito ang kalayaan—na yakapin siya o lumayo sa kanya. Nagpaubaya lang si Gabrielle sa kanyang halik nang nagdaang gabi. Kailangang turuan niya ito na magtiwala... at tumugon.

"H-hindi pa," bulong ni Gabrielle. "M-maghahanda pa lang ako ng lunch." Huminto ang dalaga nang maramdaman sa pisngi ang kanyang thumb. "L-Liam..." Napapikit si Gabrielle nang haplusin niya ang pisngi nito. Napakaganda ng dalaga sa anyong iyon na nagpapaubaya sa kanyang hawak at haplos.

Itinuloy ni Liam ang masuyong haplos sa pisngi ni Gabrielle. Pinanood niya ang dalaga hanggang nagbago ang ritmo ng paghinga. Ibinaba niya ang kamay, maingat na humaplos sa ibabang labi nito.

Her lips trembled at his touch...

Gabrielle...

Namalayan na lang ni Liam na pumaloob sa mahabang buhok ni Gabrielle ang kanyang mga daliri. Kinabig niya ang dalaga at ipinaloob sa isang possessive na yakap. Siniil niya ito ng malalim at mapag-angking halik.

Nalunod na siya sa sensasyong binubuhay ni Gabrielle sa kanya.

Ang pagtunog ng telepono sa sala ang gumising kay Liam. Sabay silang tumigil ni Gabrielle. Sa isang iglap ay nasa sala na ang dalaga para sagutin ang tawag.

Pakiramdam ni Liam ay inihatid siya ng eksenang iyon sa mga ulap. Hindi niya naisip na ang mga susunod na eksena ay malakas siyang ibabagsak pabalik sa lupa.

Si Teacher Almie ang tumawag para ipaalam na inaapoy ng lagnat si Avi.

Nagmadali sila ni Gabrielle na sunduin ang bata sa school.

Pagsapit ng madaling-araw ay isinugod na nila si Avi sa ospital. Hindi man lang kasi bumaba ang lagnat ng bata. Nag-panic na si Gabrielle nang halos hindi na makatayo si Avi. Hinang-hina ang bata, nagsuka na bago pa man sila makarating sa ospital.

Kinabukasan, bago pa magliwanag ay kinumpirma ng blood test na isinagawa kay Avi ang dahilan ng takot ni Gabrielle—may dengue fever ang bata.

ight:143�^��J

Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon