TLC 34

1K 26 4
                                    


Chapter 34

---

"When do you plan to tell me?" Kelzi said, interrupting Keziah from her train of thoughts. Agad na kinabahan si Keziah nang marinig ang boses ng kakambal. Tumingin siya sa kanan at agad niyang napansin ang namumugtong mga mata ng kanyang kakambal.

"A-Ate..."

"Kailan mo sasabihin sakin na nabuntis ka ni Quinn?" Kelzi asked again, rendering Keziah speechless. "Kailan ka ba talaga madadala? Gusto mo ba talaga na tuluyang masira ang buhay mo?"

Pakiramdam niya ay nalunok niya ang dila niya kaya hindi siya makapagsalita. All she could do at that moment was to cry and stare at her twin sister's worried face. It didn't take long for her to start looking back at her dark past.

---

"Zia, please open up." 14-year-old Kelzi said while knocking on her door. Instead of listening to her sister like she always does, Keziah slumped on her bed and covered her face with a pillow. She didn't want to listen to her parents, to Kelzi, or to anyone at that moment.

She began hitting her bed and screamed her frustrations on her pillow. A little while later, she sobbed. She couldn't and didn't want to accept that her parents not only decided to go their separate ways but also to file for a divorce. She couldn't imagine that their once happy home is now in shambles.

For a year, she witnessed how her parents would often bicker nonstop. Hindi niya mawari kung paanong nagsimula na ang masayang pagsasama ng mga magulang niya ay parang naglaho na lang bigla. Sabi ng kakambal niya away mag-asawa lamang iyon kaya wala silang dapat ikabahala. Pero hindi niya maintindihan kung bakit habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang pagtatalo ng mga ito. Dahil ba parehong busy ang mga ito at nawalan sila ng oras sa isa't isa? Hindi niya maisip. Hindi niya maintindihan.

Hanggang sa nasaksihan niya at ni Kelzi ang pambababae na ginawa ng kanilang ama. Kinailangan ng kambal na pumunta sa mall para maghanap ng materyales para sa kanilang science project. Pero hindi na nila nagawa ang paghahanap ng materyales dahil sa nakita nila. Agad nila iyong sinabi sa ina. At ikinagulat ng mga dalaga nang sabihin ng ina na matagal na nitong alam ang panloloko ng asawa.

They didn't know what to do but to watch their mother cry helplessly. It was such a heartbreaking scene that the twins couldn't help but sob with their mother as well. Gustong magalit ng kambal sa ama pero ayaw din naman nila na maghiwalay ang kanilang mga magulang.

With the thought of keeping their family in tact, kinumbinsi ng kambal ang kanilang ama na hiwalayan ang kabit nito. They did everything they could to convince their father to go back to them and relive their happy memories together with their mother. But their efforts were in vain. Pinili pa rin ng ama ang kabit nito dahil hindi sinasadya na nabuntis niya ito. Labis silang nasaktan sa desisyon nito, lalo na si Keziah. Dahil sa kanilang dalawa, mas malapit si Keziah sa ama.

"Zia, let's talk please." Kelzi pleaded once more.

"Go away!" Keziah screamed as angry tears cascaded down her face. She screamed even more upon recalling her father's infidelity. And what angered her even more, was knowing that her mother now has someone new.

---

Hindi nakatulog nang maayos si Keziah dahil sa nangyari kanina. Kahit ang pagsalo sa hapag ay hindi niya ginawa dahil ayaw niyang makita ang kanyang ina. Pakiramdam niya ay mababastos lamang niya ito kaya't nagkulong na lamang siya sa kwarto. Napatingin siya sa orasan at napansin na pasado ala una na ng madaling araw.

The Love Club [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon