TLC 23

1.8K 33 3
                                    

Chapter 23

---


Quinn was definitely in a good mood today. Right after dropping Keziah to SPAZZ, he just found himself smiling while driving. At nang makarating siya sa opisina, masigla niyang sinimulan ang mga naka-binbing trabaho. Parang nagmistulang sisiw lang ang pagsagot niya sa mga e-mails, pag-aayos ng mga power-point presentations and other reports, at ang pagre-review ng mga financial reports at mga documents na kailangan niyang pirmahan. Maybe it was because of Keziah's way of waking him up earlier. It surprised him, but it was a wonderful surprise nonetheless. He chuckled to himself. Man, he was becoming funny nowadays. Ipinilig na lamang niya ang ulo sa naisip. 


A knock on his door snapped him back to reality. It must be his secretary. Maya-maya'y bumukas iyon at pumasok si Aila, a cup of coffee on her hands. Oo nga pala, inutusan niya ulit ito na ipagtimpla siya nito ng kape. Lumapit sa kanya ang sekretarya at inilapag nito ang tasa ng kape sa la mesa niya.


"Any agendas?" tanong niya rito. Marahan itong tumango bago nito binuklat ang dala-dala nitong planner.


"May conference meeting po kayo today at 3 in the afternoon with the stockholders. Naka-usap ko na rin po ang hardware na magpo-provide ng materials for the infrastructure na itatayo. They just need the list of the materials needed." sunud-sunod na sabi nito sa kanya.


"Alright. 'Yung design ng casino hotel? Nai-forward na ba ng architect?" tanong niya.


"Ire-revise na lang raw po bago po i-forward sa atin. Ngayon na rin daw po iyon maibibigay sa atin." sagot nito sa kanya at napa-tango siya.


"Once na matanggap ang blueprint, i-send mo agad sa head engineer. Siya na ang bahala sa mga materials na kailangan." utos niya rito.


"Okay po. Sir, pinapatanong po ni Mr. Choi kung pwede raw po na kayo na rin po ang bahala sa future advertisement ng casino hotel?" napa-kunot ang noo niya sa sinabi nito.


"Why? Our only main concern is his casino hotel. Wala na tayong pakialam kung paano niya ia-advertise sa masa ang project niya."


"No. What he meant was kung sakaling kakailanganin po ng endorser, kung kayo na lang daw po ang pumili?" hindi pa rin naaalis ang kunot sa noo niya dahil sa tanong ng sekretary niya.


He just didn't get it. Hindi na nila linya ang paga-advertise, kahit ba na may mga cases noon na kinailangan ng mga past clients niya ang opinion niya on the matter. And most of the time, ang suggestion niya ang sinusunod nila. The thought flattered him, but he was still wondering kung bakit karamihan sa mga nagiging suggestions niya ay bumebenta. Siguro ay nabalitaan iyon ni Mr. Choi kung kaya't pinakiusapan nito ang sekretarya niya na kausapin siya tungkol sa advertisement.


He sighed. May naiisip na kasi agad siya na pwedeng maging endorser. And to think na hindi pa napapatayo ang building! He shook his head. Kailangan niya munang kausapin ang probable model.


"Tell him that I'll think about it." ang nasabi na lamang niya sa sekretarya.


The Love Club [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon