Chapter 10

830 21 10
                                    

BEA POV

"Aish! Ponggay naman. Sinabi ko naman sa 'yo. Wag na wag mo akong ginugulo kapag nagbabasa ako ng libro." Angil na sabi ko sa bestfriend ko nang agawin niya yung binabasa kong libro ngayon.

Wala ba siyang magawa ngayon kaya naman ako yung pinepeste niya?

"Kasi naman, para ka na namang may sariling mundo dyan. Dude, live your life. Masyado nang boring yung buhay mo." Sabi niya saka hinagis pa yung libro ko sa kung saan. Nanlaki yung mga mata ko dahil sa ginawa niya.

"Bullshit ka." I blurted out saka pinulot yung libro ko. Sinuri ko kung may sira ba or wala tapos pinunas punasan ko pa yung cover dahil nagkaroon ng alikabok.

"See? Mas mahal mo pa ata yung libro kesa sa akin." May himig na pagtatampo na sabi niya sa akin.

Napairap nalang ako dahil ang panget niya para mag asal bata sa harap ko.

"Mas mahal ko nga ang libro ko kesa sa 'yo kaya manahimik ka dyan. At wag na wag mo akong guguluhin." Masungit na sabi ko sa kaniya.

Umupo ulit ako sa sofa ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Hindi niya ba alam na ilang araw nang active yung mga muscles ko dahil mga nangyari sa akin. Kailangan ko naman ngayon ng pahinga. Kailangan ko ng time para magbasa dahil miss na ako ng mga libro ko at miss ko na din sila.

"Balita ko nga pala may pumunta dito nung isang bes tapos may parang mga body guard na kasama. May ginawa ka bang masama?" Takang tanong niya.

Sinara ko yung libro ko at tinignan siya ng matalim. Hindi ba siya nakakahalata na ayaw kong makipag usap dahil nagbabasa ako? Pero dahil kaibigan ko siya at kailangan ko siyang pagpasensyahan ay inilapag ko na yung libro ko sa mesa muna.

Kakausapin ko muna tong abnormal kong bestfriend dahil mukhang kulang siya sa atensyon. Sapakin ko 'to e.

"Sa tingin mo, sa ating dalawa, sino ang mukhang gagawa ng masama?" Bored na sabi ko sa kaniya saka in-on ko yung TV. Alangan namang tignan ko siya habang nag uusap kami. Edi nagsawa ako sa mukha niya.

"Wow Bea naman. Syempre, ikaw. Tinatanong pa ba yan." Hyper na sabi niya sa akin.

"Wow Ponggay naman, mas mukha kang hindi katiwa-tiwala kesa sa akin kaya naman wag na wag mong sasabihin sa akin 'yan." Sagot ko sa kaniya gamit ang tono niya kanina.

"Grabe ka talaga magsalita sa akin Bea. Parang hindi mo na ako love sa mga sinasabi mo sa akin. Hindi kita---" napatigil siya sa pagsasalita nang itinapat ko yung kamay ko sa mukha niya.

Bigla kasing may tumatawag sa phone ko kaya naman kailangan kong i-excuse ang sarili ko at kailangan niya ring manahimik.

"Hoy Bea sino yan? Grabe ah. May tumatawag na ngayon sa 'yo. Kakaiba ka na talaga ngayo--"

Hindi ko na ulit siya pina tapos magsalita dahil umalis na ako sa harap niya. Kailangan kong sagutin tong tawag ng walang maingay na background.

"Why?" Tanong ko nung sagutin ko yung tawag ni Deanna.

"Why naman agad. Wala manlang bating panimula dyan?" Natatawang sabi niya sa akin. I just rolled my eyes.

"Nga pala, wala ba tayong plano ngayon? Namimiss ko na kasi si Maddie." Parang bata na sabi niya sa akin.

"Edi puntahan mo o kaya naman tawagan mo. Kung namimiss mo siya, bakit ako yung tinawagan mo?"

"Eto naman, hindi ko kasi alam ang gagawin ko or sasabihin ko kaya naman tumawag ako sa 'yo. Tsaka kung may mas-suggest ka sanang plano? Mas okay. Gusto ko kasi siyang makasama sa isang date e." Naiilang na sabi niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The PlannerWhere stories live. Discover now