Chapter 3 - Straight Part III

1.5K 60 14
                                    

BEA POV

"Damn! Deanna, habulin mo kaya!" Sigaw ko sa kaniya habang papalapit sa kaniya.

Tulala lang si Deanna at tila hindi alam ang gagawin. Tinulak ko 'yung braso niya para magising siya sa pag kakatulala niya. Dahil malakas ang pagkakatulak ko sa kaniya ay nakita kong pumikit pikit siya saka bumuntong hininga.

"That was the sign of rejection di ba?" Mahinang sabi niya. Napamaang tingin naman ako sa kaniya. Ngayon pa ba siya mag iinarte ng ganito? Andito na siya e. Bakit hindi niya pa ituloy tuloy?

"No. Hindi 'yun sign ng rejection okay? Ang gawin mo, tumakbo ka at sundan siya." Kunot noong sabi ko sa kaniya. Hindi pwedeng makalayo si Maddie. Hindi ko pa nga alam kung bakit siya nag walk out e. Hindi ko padin alam kung umangat na ba 'yung affection level niya kay Deanna.

"I can't. Ayokong marinig ang mga reasons niya. Ayokong marinig ang rejection niya." Pagkasabi ni Deanna no'n ay kitang kita ko na parang paiyak na siya. Siguro gano'n nga talaga, mahirap mainlove sa kaibigan. Mahirap kapag nag umpisa kayo sa pagiging magkaibigan. Kasi malaki ang chance na hanggang kaibigan nalang ang tingin niya sa 'yo.

Hindi ko masisisi si Deanna. It takes time to have courage to confess with someone. Tinignan ko siya ng mabuti. Tinignan ko kung mapipilit ko ba siya o hindi. At base sa pagkakatingin ko sa kaniya, hindi niya kayang habulin si Maddie.

Hindi dapat masayang ang oras na 'to. Dapat matanong ko si Maddie habang hindi pa siya nakakapag isip ng maayos. Dahil kapag naging kalmado na si Maddie tapos kinausap namin siya, panigurado magkakafilter na 'yung sasabihin niya.

"'Wag kang magpapakawasted okay? Hahabulin ko lang siya. Hindi dapat masayang 'tong oras na 'to. Dyan ka muna." Pagkasabi ko no'n ay tumakbo na ako para hanapin si Maddie. Saan nga ba pumupunta ang mga taong nag wawalk out?

Hm, alam ko na. Sa may likod ng building o place. Mas madali kasi magtago kapag nasa likod di ba?

Tsaka 'yun naman ang kadalasan na thinking ng mga tao. Sa likod magtago. Mahirap magtago sa harap di ba? Makikita agad.

Mabilis ko namang nakita si Maddie. Nakita ko siyang nakaupo habang 'yung ulo niya ay nakayuko at tila malalim ang iniisip.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya saka hinawakan siya sa balikat. Lumingon siya sa akin at tinignan ako ng may pagtataka sa mukha niya. Nginitian ko siya ng tipid at umupo sa tabi niya.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko ugali na ako 'yung unang kumausap sa isang tao pero kailangan kong gawin ngayon.

Narinig kong bumuntong hininga siya.

"Hindi ko alam," sagot niya sa akin. Napangiti ako ng sarcastic. Hindi 'yun 'yung tamang sagot n gusto kong marinig. Though, expect kong 'yun ang isasagot niya sa akin.

"Hindi mo alam o hindi mo alam kung paano mo sasabihin?" Tanong ko sa kaniya. Napakagat naman siya ng labi at tila nag iisip kung ano ang sasabihin.

"Come on. Speak up." Sabi ko pa. Hindi naman tama na manahimik nalang siya habang 'yung kaibigan ko andoon sa loob ng bar at nagmumukmok. Nag aalala ako na baka kung ano ang gawin niya. Pero may tiwala ako Deanna na hindi siya gagawa ng isang pagkakamali dahil lang sa nangyari ngayon.

"Natatakot ako. Natatakot ako na kapag nagkamali ako ng sasabihin ay mawala siya. Kaibigan ko padin siya after all. Hindi ko hahayaang mawala 'yun. 'Yung ginawa niyang pagconfess kanina? Masyadong risky. Pwedeng mawala 'yung pagkakaibigan namin--."

"At mapunta sa pagmamahalan. Di ba?" Pagpuputol ko sa sinabi niya. Buti nalang pala ako 'yung sumunod kay Maddie. Baka kasi hindi 'to mahandle ni Deanna dahil sa emosyon niya.

The PlannerWhere stories live. Discover now