Chapter 1 - Straight part I

2.2K 80 16
                                    

BEA POV

Nakaupo lang ako habang naka earphone at nagbabasa ng libro ng biglang may pumasok dito sa may sala namin.

"Beaaaaa!" Sigaw nung taong pumasok. Ano ba 'yan, kahit naka earphone na ako rinig ko parin siya.

Tinanggal ko 'yung earphones ko at tinignan siya na para bang boring na boring akong tignan siya.

"Wow, ang warm naman ng welcome mo sa akin. Boring na tingin. Parang hindi tayo magbestfriend niyan ha." Nakapout na sabi niya kaya naman nakakuha siya ng isang irap sa akin.

Niyakap niya ako saka nginitian ng wagas kaya tinignan ko siya ng tingin na para bang nakakadiri siya.

"Hindi mo ba namiss ang bestfriend mo?" Maarteng sabi niya.

Kahit kailan talaga mukhang abnormal 'tong si ponggay. Bakit ko ba 'to naging bestfriend? Nakakapagtaka talaga.

"Bestfriend ba kita?" Seryosong sabi ko sa kaniya pero biro lang 'yun.

Sinimangutan niya ako at nagtantrums na parang bata kaya naman hindi ko maiwasan na mapatawa. Ang epic kasi ng mukha niya kapag nagiging isip bata siya. Ngayon alam ko na kung bakit ko siya naging kaibigan, kailangan ko din kasi tumawa kahit paminsan minsan.

Lagi nalang kasi ako nakatingin sa mga libro ko at lagi nalang parang may sariling mundo. Introvert type kung baga.

"Ngayon tatawa tawa ka. Pasalamat ka namiss kita. Payakap nga ulit." Pagkasabi niya no'n ay niyakap niya ako ulit kaya naman niyakap ko din siya pabalik habang nakangiti.

"Namiss din kita." Sincere na sabi ko sa kaniya.

"Namiss daw? Eh nung nasa Japan ako minsan mo lang ako contactin. Kung hindi pa ako magmemessage, hindi ka rin magmemessage. Alam mo bang sobrang nahohome sick ako doon. Kaya naman hindi na ako babalik doon at mag sstay na ako dito sa pilipinas for good." Sabi niya habang winiwiggle wiggle pa ang kilay niya.

"Edi ayos," sagot ko sa kaniya at bumalik na 'yung tingin ko sa libro sa may libro ko. Medyo nabitin ako sa pagbabasa kanina e. Bigla bigla ba naman siyang nasulpot.

"Sa hinaba haba ng sinabi ko, two words lang ang sinagot mo? Kahit kailan ka talaga Bea oh. Ayaw na ayaw mo talaga ang nagsasalita. By the way, may gagawin ka ba ngayon?" Parang alam ko na ang iniisip niya ha.

Kapag tinanong ka ng isang tao kung may gagawin ka ngayon, ibig sabihin no'n may balak siyang yayain ka gumala o gawin ang isang bagay kasama siya.

"Magbabasa ng libro." Simpleng sagot ko sa kaniya.

"Alam mo Bea, siguro kapag nagkajowa ka panigurado walang ibang pagseselosan 'yung kundi libro. Parang mas mahal mo pa 'yan kahit kanino eh." Nakacrossed arms na sabi niya sa akin.

"True." Sagot ko ulit. Napakagulo talaga nito ni ponggay. Nakita ng nagbabasa ako, kinakausap ako ng kinakausap.

"Ay nako, panigurado nung nasa japan ako hindi ka na lumabas ng bahay o gumagala manlang. Ako lang naman Ang may tyaga na kulitin ka lumabas."

"Makulit ka kasi," pagkasabi ko no'n ay nilipat ko ang pahina ng librong binabasa ko. Minsan nagtataka ako, ang nakalagay sa category Romance-Comedy pero kapag binabasa ko, hindi naman ako natatawa. Hindi ko alam kung sino 'yung may problema, kung ako ba o 'yung libro.

"Kaya ako makulit kasi hindi ka makulit. Hay nako, ewan ko nga sa 'yo. Magbihis ka na, aalis tayo." Sabi niya saka hinawakan 'yung free hand ko.

"Ayaw." Sagot ko habang nakasimangot.

"So? Sumama ka na. Ang arte arte mo. Sayang naman 'yang mukha mo kapag hindi mo pinapakita sa iba. Ayaw mo kasi lumabas ng bahay e." Pangungulit niya pa.

The PlannerWhere stories live. Discover now