Chapter 9 - MMK Part 3

716 24 11
                                    

BEA POV

Kasalukuyan akong naglalakad lakad ngayon para bumili ng makakain ko dahil naubusan na ako ng stock sa ref ko.

Nakapamulsa lang ako habang nakatingin sa daan at tila walang pake sa mga nakakasalubong ko.

"Bea?" Ha? Bakit ko naririnig yung pangalan ko? May natawag ba sa akin?

"Bea!" Rinig ko pa ulit na may tumawag sa akin. Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ko nang makita ko si Jia na nakangiti sa harap ko. Oh my God.

"J-jia?" Gulat na sabi ko sa kaniya.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka dyan? Hindi mo ba inaasahan na magkikita pa ulit tayong dalawa?" Nakangiting sabi niya sa akin.

"H-ha?" Ay ano ba Bea. Bakit ka nauutal. Si Jia lang naman yung kaharap mo ah. "Hindi naman sa ganon. Pero hindi ko lang talaga expected na makikita kita ngayong araw."

"Naku, buti nga naalala mo pa ako e. Kumusta?"

Bakit ko naman makakalimutan ang isang katulad mo? Lagi nga kitang naaalala e.

"Okay lang naman ako. Ikaw ba? Mukhang may pupuntahan ka ha?" Takang tanong ko sa kaniya nang mapansin ko na may hawak siyang box ng cake.

"Oo, pupuntahan ko kasi yung mama ko. Nasa ospital siya ngayon e." Kahit nakangiti siya ay kita ko parin yung lungkot sa mga mata niya. Kahit naman siguro sinong anak ay malulungkot kapag nasa ospital ang magulang nila.

"Talaga? Get well soon sa mama mo. Malalagpasan mo rin yan." Pagkasabi ko no'n ay niyakap ko nalang siya bigla. I know, ayoko talaga ng PDA pero lang ang tanging magagawa ko para sa kaniya.

Ramdam ko na pinipigilan niya lang na wag umiyak dahil nagpapakatatag siya pero minsan kapag hindi mo na kaya, pwede ka naman umiyak e.

"Oo, naniniwala akong gagaling din si Mama. Eto nga oh, binilhan ko siya ng Cake. Eto daw yung gusto niyang kainin namin kapag dumadalaw ako sa ospital." Sabi niya nung humiwalay na siya sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Bigla naman akong nagtaka kung bakit cake ang gustong ipabili ng mama niya sa kaniya. Kasi alam ko kapag may sakit ang isang tao, commonly hindi matatamis ang gusto nila. Hindi naman kasi nila minsan malalasahan yon kaya naman mas pinipili nila yung mga maaalat sa panlasa.

Panigurado may reason kung bakit cake yung gustong ipabili ng mama niya sa kaniya.

"Gaano na ba katagal ang mama mo sa ospital?" Tanong ko sa kaniya.

"Matagal na din, mga 6 na bwan na ang nakalipas. Lagi ko lang siyang binibisita kapag day off ko sa work o kaya naman pag ka out ko sa work. Syempre, kailangan ko din kasing kumayod para matustusan yung ibang pangangailangan ni Mama. Though, kaya naman namin yung pagpapa ospital sa kaniya kahit hindi ako magtrabaho." Bigla akong napaisip dahil sa sinabi niya. Matagal na palang namamalagi ang mother niya sa ospital.

"Gusto mo bang samahan kita na dumalaw sa mama mo?" Pakiramdam ko kasi may gusto akong malaman. Gusto ko pang mas makilala si Jia.

Masasabi kong may kakaiba talaga kay Jia dahil may interest ako sa kamiya. Bihira lang naman ako magkainterest sa isang tao e. Lalo na sa bagay. Mas nagkakainterest lang ako sa mga libro.

"Okay lang naman. Papakilala na din kita kay Mama. I'm sure matutuwa yun kasi may bagong mukha siyang makikita. Alam mo naman, kapag nasa ospital, hindi maiiwasan na pare-parehong mukha lang ang makikita. Tara sa kotse ko." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Sabagay," sagot ko nalang sa kaniya habang nasunod sa kaniya ng lakad. "Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo sa ospital? Kasi lagi kang nasa ospital tapos may sakit pa yung mama mo?"

The PlannerWhere stories live. Discover now