Chapter 5 - MMK Part 1

1.6K 70 12
                                    

BEA POV

"Sir! Shut up, okay? Wala kang karapatan na sabihan na kutong lupa 'yung girlfriend ko." Matigas na sabi ni Jho.

Aba ayos 'to makipag usap sa daddy niya ha, pinapashut up niya lang.

Napailing iling nalang si Old man at tinalikuran si Jho.

"Young lady, umuwi ka na. Sumama ka na sa mga bodyguards mo. Mag uusap tayong dalaw ng masinsinan. At ikaw kutong lupa, umuwi ka na sa pinanggalingan mo bago pa kita ipatiris sa mga bodyguards ni Jho." Cold na sabi ni Old Man. Napalunok ako ng laway wala sa oras. Medyo nakakatako din pala 'tong si Old Man.

Napayuko nalang si Jho at sumunod sa mga bodyguards niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kulang kay Jho. Pakiramdam ko may tinatago siya at dinadaramdam pero hindi niya mailabas.

Umiling iling nalang ako nagsimula ng maglakad. Medyo malayo layo na din ang lalakarin ko pero wala akong magagawa.

Nang makarating na ako sa kotse ko ay sobrang Pagod ako. Ayoko talaga ng napapagod ako e.

Nagsimula na ako magdrive pauwi. Pakiramdam ko sobrang pagod ako ngayon dahil parang sobrang dami ang nangyari. Kailangan ko ng magpahinga.

Habang naghihintay ako mag GO 'yung stoplight ay biglang nagpicture out sa utak ko 'yung moment na nagkiss kami ni Jho. 'Yung walang 'yang babaeng 'yun. Ninakawan na nga ako ng halik tapos pinakilala pa akong girlfriend niya sa ibang tao. Medyo may sapak ata 'yun sa utak eh.

Pero infairness, ang lambot ng labi niya. Parang nablangko bigla 'yung tyan ko na parang nagutom ako na hindi ko maintindihan 'yung pakiramdam. Gano'n ba talaga kapag first kiss?

Napatigil ako sa pag iisip ko ng marinig ko ang mga sunod sunod na busina mula sa likod ko. Ay, tang ina, nag Go na pala 'yung stoplight. Hindi ko manlang namalayan.

Napakagat labi nalang ako nagdrive nalang ulit. Kasalanan ni Jho kaya lutang ako ngayon eh. Pareho Silang dalawa ni Vat na perwisyo sa buhay ko.

Pagkauwi ko ay tumawag sa akin si Deanna at tinanong kung ano 'yung nangyari kanina. Sinabi ko naman pwera lang 'yung parang kakaibang tinginan naming dalawa ni Maddie. Ayokong maparanoid si Deanna. Ayokong mag isip siya ng kung ano sa akin. Pinagkakatiwalaan niya ako, kaya dapat hindi masira 'yung tiwala na binigay niya sa akin.

Aminin man natin o hindi, tiwala ang pinakamahirap kunin sa isang tao. Mahirap kunin pero sobrang dali sirain. Kaya tiwala ang pinakamahirap ingatan. Hindi mo makakayang magmahal kung wala kang tiwala, hindi ka magkakaroon ng kaibigan kung wala kang tiwala.

Pwedeng masira ang lahat kung wala ang tiwala. Tiwala ang pinakamatibay na pundasyon na dapat ingatan kung pinagkaloob sa 'yo ng isang tao.

After kong maligo at kumain ay umupo na ako sa lagi kong inuupuan. Nag umpisa na ulit akong magbasa ng libro. Pero ang pinakamasaklap Ay 'yung wala pa ako sa kalahati ng libro ay biglang may tumawag sa akin. Napakunot nalang ako ng noo at sinagot 'yung tawag.

"What?" Agad kong sagot. Masyadong aksayado sa oras kung mag H-hello pa ako. Maganda 'yung direct to the point na.

"Eto naman, ang lakas maka-what. Ang sungit mo teh, meron ka ba o bitin ka?" Natatawang sabi niya sa akin. Pesteng ponggay 'to, wala na namang ginawa kundi guluhin ako.

"Wala akong panahon sa mga wala mong kwentang pinagsasabi. Bakit ka ba napatawag?" Tanong ko sa kaniya.

"Sobrang harsh mo sa bestfriend mo. Alam mo ba 'yun?" Parang bata na sabi niya sa akin. Naparoll eyes nalang ako at napabuntong hininga bilang sagot.

"Ayan! Nasighzoned mo na naman ako. Kung walang kwenta ang mga pinagsasabi ko, ikaw naman walang kwentang kausap."

"Okay," sagot ko nalang sa kaniya. Binaba ko na rin 'yung tawag dahil wala ng patutunguhan 'yung pag uusap naming dalawa. Bahala Siya sa buhay niya. Tahimik akong nagbabasa ng libro dito tapos guguluhin niya ako.

The PlannerWhere stories live. Discover now