Chapter 6 - MMK Part 2

1.8K 66 14
                                    

BEA POV

After kong ayusin ang bills ni Jia ay pinuntahan ko na siya sa room niya. Mukhang ready na siya umalis dahil nakabihis na agad siya.

"Hindi ka naman excited na umalis no?" Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Hindi naman, sadyang ayoko lang dito sa ospital. Pakiramdam ko sobrang toxic." Sabi niya habang nakasimangot pa. Ang cute niya lang.

"Okay, tara na miss. Dadalhin na kita kung saan mo gusto mo pumunta." Sabi ko saka hinawakan siya sa kamay para makaalis na kaming dalawa. Habang naglalakad kaming dalawa palabas ng ospital ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga taong nakatingin sa aming dalawa. May mga natutuwa pero mas marami ang mapanghusgang tingin.

Nakakatawa isipin na ang lakas mang judge ng mga tao akala mo mga malilinis. Ang lakas manlait akala mo mga perpekto. Ang lakas mangconclude ng mga pangyayari eh mga wala namang alam. Ganyan ang mga klase ng tao na nagpapatoxic sa buong mundo.

"Hindi ka ba naiilang sa mga tingin nila sa atin kanina?" Tanong niya habang umuupo na ako sa driver seat. Samantalang siya naman ay sa shotgun seat.

Napangiti ako dahil mukhang napansin niya rin pala 'yung mga nakatingin sa aming dalawa.

"I don't mind at all. Kung papansinin ko pa sila, masasayang lang 'yung oras ko sa kanila. Example, kapag tumingin ako sa isang tao, masasayang yung ilang segundo ng buhay ko dahil sa walang kwentang bagay." Sagot ko saka nag umpisa nang magdrive.

"Ang sungit mo sa part na 'yon. I hope, katulad ka din ng parents ko." Sabi niya habang nakatingin sa bintana.

Hindi ako nagtatanong kung saan kami pupunta at nagdadrive lang ako. Bahala na kung saan kami mapadpad.

"Sorry not sorry pero nag iisa lang ako sa mundo. Wala akong katulad." Nakasmirk na sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko. Duh, ano kayang nakakatawa doon? Hindi naman ako nag-Joke ah?

"Alam mo, gusto 'yang sense of humor mo." Sabi niya habang nakangiti. Hindi ko alam kung ano bang meron dito sa babaeng 'to pero pakiramdam ko alam niya kung paano ako pangitiin.

At least may dumating sa buhay ko na hindi panggulo. Hindi katulad ni Vat tsaka nung Jho na 'yun. Ang sasakit nila sa ulo. Dagdag mo pa si Ponggay tsaka si Deanna at Maddie na mas nakakapagpasakit ng ulo ko.

"Oh, bakit ka nakasimangot dyan? May nasabi ba akong mali?" Takang tanong niya sa akin.

Lumingon naman ako sa kaniya habang nailing iling pa. "Wala naman. May naisip lang naman ako kaya gano'n." Pagdadahilan ko sa kaniya.

Tumango tango naman siya bilang sagot.

"May alam ka bang puntahan kapag gabe?" Takang tanong niya sa akin.

"Wala masyado pero base sa mga nababasa at nakikita ko sa internet may magandang lugar akong alam. Medyo romantic nga lang siya kasi pang couple." Sagot ko sa kaniya.

"Okay lang 'yun, dalawa naman tayong pupunta kaya naman hindi ako makakaradam ng out of place." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Gaano ka kasure na sasamahan kita?"

"Super sure. Want to know why? Because you cannot resist me." Pagkasabi niya no'n ay kinindatan pa niya ako. Nagpanggap naman akong nasusuka dahil sa sinabi niya.

Kinurot niya ako sa balikat ko dahil sa inis.

"I'm just joking, okay? Dahil wala naman akong gagawin, hmm, sige sasamahan kita." I said while smiling playfully.

"You know, kahit ngayon palang tayo nagkita, ang comportable ko na agad sa 'yo." Sabi niya habang nakangiti pa.

"Halata ko nga. Ang feeling close mo eh." Pagbibiro ko sa kaniya. Napasimangot naman siya kaya tumawa ako. Masyado siyang madaling asarin.

The PlannerWhere stories live. Discover now