Chapter 7 - Pretend not to Pretend

1.2K 47 15
                                    

BEA POV

Nakahiga ako ngayon at nakatulala sa binabasa kong libro. Learning to let go by Penelope Wilcock. Hindi ko pa siya nauumpisahan pero mukha namang maganda siya.

Nung nakita ko 'to sa bookstore naalala ko na naman si Jia. Hindi na siya naalis sa isip ko simula nung gumala kaming dalawa. Okay na kaya siya ngayon?

Hindi ko manlang nakuha ang contact number. Ayoko naman maghanap sa internet ng facebook account niya dahil hindi naman talaga ako mahilig sa social media.

Tsaka magkikita pa naman kami di ba?

Paano kami magkikita kung hindi naman ako nalabas ng bahay.

Napabangon ako bigla at naligo. Kailangan ko sigurong lumabas ng bahay para maiba naman. Maglalakad lakad muna ako.

After kong maligo ay may narinig akong nagd-doorbell. Bukod sa bestfriend ko, sino pa ba ang bibisita sa akin?

Agad kong binuksan yung pinto at nanlaki ang mga mata ko dahil sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Si... Putek sino nga ba ulit to?

"Hi Girlfriend slash love!" Masiglang sabi niya na kinasakit naman ng tenga ko.

"Wala kaming tindang yelo," poker face na sabi ko sa kaniya saka akmang sasarhan siya ng pinto pero agad niya akong piigilan

"W-wait lang. Ano ka ba, anong yelo ang pinagsasabi mo dyan? Bigyan pa kita ng isang tindahan ng yelo dyan eh." Natatawang sabi niya sa akin.

"Hindi kita kilala." Direcho kong sabi sa kaniya.

"Love naman, napakamapagbiro mo talaga." Nag aalangan niyang sabi sa akin saka lumapit na parang yayakap pero bubulong lang pala siya, "sumakay ka nalang. Kasama ko ngayon yung head butler namin. Magsusumbong yan kay Daddy." Kalmado niyang sabi sa akin.

Bakit ba ako nasabit sa ganitong sitwason? Masaya na nga ako dahil akala ko hindi na kami magkikita tapos ngayon naman nahanap niya kung saan ako nakatira. Anog klase bang babae to?

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Inis na sabi ko sa kaniya kaya naman parang ang sama ng tingin sa akin ng mga body guard niya.

"Nalimutan mo na ba? May date tayo ngayon. Sakto nga bagong ligo ka oh." Rinig kong sabi niya saka ako inamoy sa leeg. Nagsitaas tuloy yung mga balahibo ko sa braso.

Ang laki laki kong tao, sa leeg niya pa talaga ako piniling amuyin?

"Ano bang kailangan mo sa akin? Teka lang." Tumingin ako sa mga body guard niya saka nagsalita, "Mga sir heramin ko lang muna tong master niyo ah? May pag uusapan lang kami sa loob ng bahay ko." Pagkasabi ko non ay inakbayan ko na siya agad saka pumasok sa loob.

Buti nalang hindi na kami pinigilan ng mga body guard niya. Kailangan kong makausap tong babaeng FC na to eh. Hindi Flat Chested ah? Feeling Close.

Pagpasok namin sa bahay ay agad ko siyang binitawan saka nagcrossed arms ako at tinignan siya ng masama.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman yung bahay ko?" Seryoso kong sabi sa kaniya. Bigla naman siyang nag pout na parang bata. 'Yung akala mo nagpapaawa sa magulang niya. Ganon yung itsura ng babae na nakaharap ko ngayon. Bakit ba napaka isip bata niya?

"Look, I don't even remember your name young lady. All I remember is the scene that you told your bodyguards and even your father that I'm your Girlfriend. So, why are you here?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo ba naalala yung kiss?" Parang inosenteng sabi niya sa akin.Hindi ko alam pero biglang namula ata yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kailangan niya pa bang ipaalala yun? Nakuha pa naman niya yung first kiss ko at pilit ko nang kinakalimutan yun.

The PlannerWhere stories live. Discover now