Chapter 2- Straight Part II

1.5K 71 16
                                    

BEA POV

"Ano sa tingin mo dude? May pag asa ba ako?" Rinig kong tanong sa akin ni Deanna nang makaalis na si Maddie.

May pupuntahan pa daw kasi ito kaya hindi pwede na magtagal siya.

"To tell you honestly, may chance naman. Pero feeling ko kumplikado pa. Hm, kailangan ko pa ng information about sa kaniya. Nagmamadali kasi siya kanina kaya hindi ako nakapag gather ng mga importanteng information." Sabi ko sa kaniya habang nakangalungbaba.

Nag iisip kasi ako ng mga possible plans na pwedeng gumana sa kanilang dalawa. Ano ba 'yan, sana pala hindi na Bea ang pangalan ko. Cupid nalang. Ginagawa nila akong matchmaker ngayon.

"So imbitahin ko ba siya ulit?" Tanong niya sa akin.

Umiling iling naman ako bilang sagot.

"Why don't you surprise her? Ikaw naman pumunta kung nasaan siya. Ang panget naman kung lagi nalang magdidictate ng place and date. Nawawala 'yung element of surprise." Sagot ko sa kaniya saka humigop ng kape. Pangalawa ko na 'to ngayong umaga.

"Oo nga no? Ang galing mo. So, paano ko siya isusurprise?"

Sinabi ko sa kaniya 'yung plano ko.

Pumayag naman siya at naghiwalay na kami ng landas.

Tanghali na kaya naman kumain na ako ng lunch ng mag isa. Minsan ang awkward din kumain sa isang restaurant o fast food chain ng mag isa. 'Yung tipong napapaligiran ka ng mga couple o kaya naman ay nung masasayang magkakaibigan o 'yung nagmamahalang pamilya.

Nakakaramdam tuloy ako ng pagkalungkot at loneliness.

Hindi naman porket nasa maraming tao ka, hindi ka na makakaramdam ng pag iisa. Mas nararamdaman mo nga na mag isa ka kapag nasa madaming tao ka.

After kong kumain ay pumunta ako sa isang booksale. Magpapakalunod nalang ako muna ako sa mga libro.

Inabot ako ng mag hapon para makapili ng mga magagandang libro kaya naman sobrang pagod na pagod ako.

Habang naglalakad sa may parking lot ay may nakabangga akong babae.

Kaya naman 'yung mga libro ko ay kumalat sa may sahig.

Napayuko agad ako para kunin 'yun.

Waaaah! 'Yung mga pinakamamahal kong libro, nalaglag lang ng walang pakundangan. Ayoko pa naman na nagagasgasan ang 'to.

Naramdaman kong tinulungan ako nung nakabangga sa akin mag pulot.

"Sorry, nagmamadali kasi ako. Sorry talaga." Natatarantang sabi niya saka inabot 'yung mga libro na napulot niya.

"Okay lang," sagot ko sa kaniya saka kinuha 'yung mga libro na napulot niya.

"Sorry talaga, bye miss." Nagmamadali siyang umalis pagkasabi niya no'n.

Nung humakbang ako ay may naramdaman akong natapakan ko na matigas na bagay. Pagkatungo ko ay may nakita akong kwintas na gold at may pendant na heart. Manipis lang 'to at pag flip ko sa likod ng pendant ay nakita 'yung initials na J.M.

Siguro nahulog 'to do'n sa babaeng nakabangga ko kanina. Paano 'yan? Hindi ko naman siya kilala?

Baka hindi na rin kami magkita? Ano ba 'yan, bahala na nga. Ibubulsa ko nalang muna 'to, kapag nagkita kaming dalawa, ibibigay ko sa kaniya. Kapag hindi kami nagkita, sorry nalang siya. Hindi niya na makukuha 'yung kwintas niya. Ang ganda pa naman nito.

Inilagay ko sa bulsa ko 'yung kwintas saka sumakay na sa sasakyan ko. Dumirecho na ako sa bahay, pagkadating ko ay dumirecho na ako sa kwarto, nagpalit ng damit at humiga.

The PlannerWhere stories live. Discover now