Chapter 4- Straight Part 4 and Pretend not to pretend Part 1

1.5K 79 11
                                    

BEA POV

Tinary naming dalawa ni Maddie lahat ng rides at sa totoo lang, halos masuka na ako dahil sa sobrang hilo. Hindi naman ako sanay sa ganito e. Malay ba ng katawan ko sa mga extreme rides? Ang alam lang ng katawan ko ay humiga at umupo habang nagbabasa ng libro.

"Ano? Kaya mo pa ba?" Natatawang sabi niya sa akin. Tsk! Mukhang nag eenjoy talaga siya ngayon. Kung si Wong lang sana ang kadate niya ngayon edi sana tumaas na 'yung Love level ni Maddie para kay Wong.

Hays. Hayaan ko na nga lang. Nakapag gather naman ako ng data about kay Maddie kaya okay na din. 'Yun naman ang goal ko ngayon eh.

"Tara kain na tayo?" Tanong niya sa akin pero nakayuko parin ako dahil nga gusto kong sumuka. Bakit hindi pa magbigti 'yung nakaimbento ng roller coaster? Masyadong delikado 'yung rides na 'yun. Hindi ko kinaya ang feels.

"Nakakaloko ka ba? Nasusuka ako tapos aayain mo ako kumain?" Taas kilay na tanong Sa kaniya.

Nagulat ako ng hawakan niya 'yung kamay ko at hinila ako paangat.

"Ano ka ba, sayang 'yung oras. Tara na." 'Yung totoo? Bakit ang hyper ngayon ni Maddie? Parang nakalunok ng isang drum na asukal sa sobrang hyper eh.

Wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako para maglakad. Pumunta kami sa isang turo turo at siya na ang umorder para sa akin. Malay ko ba sa ganyan.

Lagi lang akong nasa bahay di ba?

Habang kumakain kaming dalawa ay bigla siyang nagsalita.

"Hindi ko akalain na masaya pala kasama ang bookworm na katulad mo. Pero kapag nakikita ko 'yung mukha mo tuwing sumasakay tayo sa rides? Ang epic! Ang sarap mo nga picture-an eh." Tuwang tuwa na sabi niya.

Buti pa siya tuwang tuwa sa nangyari samantalang ako halos matanggal na 'yung kaluluwa ko sa mga rides na 'yun. Lalo na sa anchors away at roller coaster. Hays! Hindi ko na uulitin sumakay doon.

Nagpout nalang ako bilang sagot dahil wala naman akong masabi sa kaniya.

"Nga pala Bea, may tanong ako sa 'yo." Rinig kong sabi niya.

Tinaas ko lang 'yung kilay ko para sabihin sa kaniya na 'sige magtanong ka lang.'

"Bisexual ka ba?" Pagkatanong niya no'n ay bigla akong nabilaukan. Kaya naman inabutan niya ako agad ng tubig.

Nang makarecover na ako ay nagsalita na ako.

"You mean, 'yung katulad ni Deanna?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Tumango tango naman siya bilang sagot.

"Hindi ko alam. Hindi pa naman ako naiinlove. Hindi sa lalaki o sa babae. Wala pa. As in zero." I honestly said to her.

"Weh? Seryoso? Sa panahon ngayon may katulad mo pa ba? Hindi ka pa naiinlove? Grabe. Pusong bato ka ba?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin. Grabe, gawin ba daw akong kanta? Lakas makapusong bato. Ano 'yun? 'Yung puso ko panghilod gano'n?

"Anong magagawa ko? Hindi ko pa naman nararamdaman 'yung mga sign na inlove." Sagot ko sa kaniya habang nakain.

"Ay gano'n? Masyado ka kasing attach sa libro mo kaya ka ganyan." Pagbibiro niya sa akin. Tumango tango nalang ako bilang sagot.

"So may posibilidad na magkagusto ka sa babae?" Kailan pa naging imbestigador si Maddie? Lakas makapagtanong eh.

"Yeah," walang ganang sagot ko sa kaniya. Wala naman kasi sa gender 'yan. Kung kanino ka mainlove, 'yun na 'yon. Bakit kailangan pang pagbawalan o pigilan ang sarili di ba?

Tsaka hindi ako makikipagrelasyon sa babae dahil uso, o dahil para sumikat. Makikipagrelasyon ako sa babae dahil mahal ko siya at tanggap.

Commonly, 'yung mga babae ngayon, nagiging bisexual dahil uso. Dahil gusto nila sumikat. Dahil maisipan lang nila. At malala, nagiging bisexual dahil laging sinasaktan ng mga lalake. 'Yung makikipagrelasyon sa lesbian o bisexual kasi malas sa lalaki kaya susubukan sa kapwa babae naman. Damn! Para sa akin walang respeto 'yung mga gano'n. Makikipagrelasyon ka sa kapwa mo babae dahil mahal mo siya. Wala nang ibang reason.

The PlannerWhere stories live. Discover now