Chapter 46 ♥ Doubts

Magsimula sa umpisa
                                    

"Akala ko okay lang sayo?"

"Actually, binibiro lang kita noong sinabi kong patulan mo ang request ni direk. Hindi ko naman akalaing seseryosohin mo yun. I know doing tv commercial is not your thing, let alone working with other people you seldom knew. Alam ko marami kang ginagawa sa opisina, may obligasyon ka pa rito sa school na dapat mong pagtuunan ng pansin. Isa-isa lang Jace, wag mong pagsasabayin lahat. Dahil kung hindi, matutulad ka sa akin, sabog na sabog na ang oras dahil sa mga patong patong na responsibilidad." umiling ako. Speaking of problem and responsibility, napakahaba na nga yata ng nasa listahan ko. Pero ni isa, wala pa akong natatapos. Nadagdagan pa nga yata eh dahil sa Maeda Mora. "Nagulat lang talaga ako noong pumayag ka." 

Hinawakan nya ang mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. 

"I want to be honest with you. Actually it is not only my idea, it is also Aiden's." 

Umayos ako ng upo at kunot noo syang tinugon. "Si Aiden? Ano namang kinalaman ni Aiden dito?" Malungkot syang ngumiti pero ramdam ko ang paghigpit ng kamay nya sa kamay ko. Ayaw pa rin nyang sabihin sa akin ang problema nya. 

"Jace... please, tell me. Alam ko may problema ka, tungkol ba 'to sa opisina nyo? Sabi ko naman sayo diba? Tutulong ako. Tutulungan kita. Just ask." 

He stubbornly shake his head side by side. "I don't want you to get involve in this... mess. Kaya ko 'to, kakayanin ko 'to. I'm doing this for the comapany. I'm doing this for us.

"At anong kinalaman ng tv commercial sa kumpanya nyo?" this time, binigyan ko na talaga sya ng tingin. May binabalak sya-- silang dalawa ni Aiden, and I wonder kung ano. Alam ko na kung tungkol saan ang problema nya dahil kay Pietr. Sinusubukan ko lang sya kung sasabihin ba nya sa akin ito.

Bumitaw ako sa kamay nya. Hindi ko maiwasang masaktan sa dami ng itinatago nya sa akin. "Jace... hindi na lang ikaw kundi tayo na and we're supposed to be in a team no matter what. Mapaproblema man o hindi, magkasama dapat tayo. Partner tayo eh, di ba? Wala ka bang tiwala sa akin? Am I not a keeper?"

Kung kanina blanko lang ang tingin nya, ngayon nakuha na ng huli kong sinabi ang atensyon nya. 

"Meron. I believe in you.."

"But that is what you make me feel." Hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng tapang kong 'to pero masaya ako para sa sarili ko dahil nasasabi ko ang lahat sa kanya ng walang takot. I want this relationship to work. I really love him. Pero sa isang relasyon, hindi ito magwowork-out kung iisang tao lang ang nag-eeffort. Dapat dalawa kayo, dapat magtulungan kayo. 

I really want to understand him. I really want to. 

"Serene--" 

"No Jace, listen to me first please. I know that whatever is happening in your company, you don't want me to get involve and I understand that. Alam ko kaya mong harapin ang kahit ano ng mag-isa, malakas ka, matalino, kaya nga bilib ako sayo eh. You thought of me as fragile pero hindi ko naman hahayaan na masira ka ng mag-isa. You're fragile too, for me. And I want you to realize that." Hinawakan ko ang mukha nya, hinawakan nya naman ang mga kamay ko. He then closes his eyes very gently and kissed my palms. 

Huminga sya ng napakalalim. Noong iminulat nya ang mga mata nya, nakita ko ang takot at lungkot dito. Isang bagay na bihira kong makita sa kanya. Ilang minuto pa ang pinalipas nya. Ipinikit ko rin ang mga mata ko dahil sa pagkadismaya. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko pero humigpit ang pagkakahawak nya rito. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon