Chasing MRB-Forty Six

209 8 0
                                    

Nanlilisik ang mata ko habang nakatingin sa mga babaeng umaaligid sa boyfriend ko. Kasalukuyang pumipila ito para bumili ng ticket ng  Insidious the final chapter. Nawala lang ako saglit at may dumidikit na sa kanya tapos parang wala lang sa kanya.

Bumili pa ako ng Ice cream para sa aming dalawa. Padabog akong nagtungo sa gawi niya at siya na pala ang susunod na magbabayad.

"Ang gwapo naman niya no girl?"

"Oo nga eh parang model sa bench"

"Hindi lang model mukhang artistahin"

"Kyaaah ang gwapo niya para siyang hollywood star dahil sa soot niya"

Panay gigil pa nito habang nakatingin sa boyfriend niya. Nagsoot lang naman ng simpleng white shirt si David tapos pants and black leader shoes. Habang soot nito ang cap na binigay niya dati pero tinapon biya sa basurahan. Good thing. Pinulot niya pala iyon.

"Baby boo" sinadya kong lakas ang boses ko para marinig ng mga higad diyan sa tabi tabi na akin siya.

Lumingon ito habang dala dala ang ticket at sa kabila nito ay pagkain na nabili namin kanina.

"Binilhan kita ng ice cream para parehas tayo"

Itinapat ko ito sa bibig niya at bahagya niya itong kinagatan. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Thank you baby boo tara na"

"Sige tara!" masigla niyang tugon.

Bago pa siya nakapasok sa pintuan, sinulyapan niya ang mga babae kanina. Bahagyang nalaglag ang panga nila at parang di makaimik. So ano kayo ngayon ha? He's mine! Kaya umayos talaga sila.

This is my first date with him.

Bakit ba kasi insidious ang pinili niya? Dapat yung My Fairytale Lovestory nalang eh. Sa tingin ko nakakilig yun. Hindi naman kasi nagreklamo si David kanina.

Tunog palang ng speaker dito sa loob, nangangatog na tuhod ko sa takot. Ka bwisit! Ugh! Nagsisisi na tuloy ako. Panay kagat ko sa aking ice cream at ganon din si David. Nakaupo kasi kami sa bandang likuran at hindi ganoon kadaming tao.

"Ok ka lang baby boo?"

Hinawakan niya ang aking kamay.."Huh?"

Gusto kong maiyak sa takot. Bulong ng isip ko. Letche! Letche! Letche! Di ako makahinga sa takot.

Natawa siya..."Takot ka no?" Tanong nito na may halong pang-aasar.

"Di no,  hindi kaya sus gusto ko nga ang horror movies eh" umiwas ako ng tingin.

Kung alam mo lang David..Gusto ko na talagang umuwi. Nasa kalahating oras na kami nandito. Kanina ko pa gustong sumigaw pero pinipigilan ko lang.

"Sabihin mo kasing takot ka"

Tinampal ko ang kamay niya at inirapan. "Tigil tigilan mo ko Dav--Aaaaahhhhhhhh!"

Napatakip ako sa aking mata dahil sa nakita. Goodness! Nakakagulat ang mukha nung babae. God! Aatakihin ako sa puso nito eh.

Narinig ko ang malutong niyang tawa. Wala aking pakialam sa tawa niya. Isa isa kong tinanggal ang nakatakip sa aking mata.

"Ayuko na! Uwi na tayo baby boo nakakatakot pala" reklamo ko.

"Hahahaha! Baby boo hahahah! Grabe yung reaksyon mo!"

I rolled my eyes.."Sige tawa ka pa jan!"

Tawa parin siya ng tawa. Kinuha ko yung pulpy juice niya at uminom doon. Di na nga ako nakaharap sa malaking screen baka makita ko ulit yung mukha ng babae.

Napasigaw ulit ako dahil biglang nagsigawan ang mga nonood.

"bwisit! Alis na tayo dito baby boo"

Sabay hila ko sa braso niya. Relax na relax lang itong kumakain ng chips at panay tawa sa kanya.

"Baby boo naman eh! Ayuko na dito nakakatakot na"

Ipinatong ko ang aking paa sa upuan habang panay hila sa braso niya. Tumigil ito sa pagkain at ginawaran siya ng halik sa..sa..

"Yan lang pala ang makakapagtahimik sayo baby boo"

Halos nabato ako sa kinauupuan at napahawak sa aking labi. Agad akong umiwas sa kanya at napatakip ng mukha.

"I hate you baby boo!" I murmured.

"Okay I'll kiss you again to hate me more"

Natawa pa ito pero ako? Para akong liparin sa langit dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Umiinit pa pisngi ko. Gosh! He can easily turn me on. Always naman yan eh. Nagulat lang talaga ako sa ginawa niya. Pero nakatulong naman yun dahil mukhang nawala ang takot ko.

"Manood kana baby boo, nandito lang naman ako sa tabi mo"

Dahan dahan niyang ibinababa ang kamay at tumingin sa screen. Parang hindi nag si-sink in sa utak niya ang mga nakikita. Nawala ang takot niya dahil sa halik ni David.

Ang tanging iniisip ko lang ang halik niya kanina. My gosh! I'm blushing again. Buti nalang talaga madilim dito wala masyadong nakakita sa kanila. Akala ko hindi maganda ang kahihinatnan ang unang date namin pero ang sarap pala sa feeling ang ganito. Na may totoong nagmamahal sayo.

"Baby boo I love you"

Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil iyon. Ngumiti naman ako sa kanya.

"I love you too baby boo"

Nawala na talaga ang takot na naramdaman ko. At salamat sa kanya. Inubos nalang namin ang pagkain sa binili namin at masayang nagkikwentuhan roon. Wala na kaming pakialam sa movie na yun.

--------
A/N: Inlove siya ako hindi. Saklap!

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now