Chasing MRB-Ten

409 9 0
                                    

"Clea ano ba talagang nangyayari sayo? Kanina kapa ganyan eh sabihin mo naman sa akin" pag-aalalang tanong ni Mel.

Kanina pa talaga ako walang ganang magsalita. Kanina ko pa gustong umuwi sa bahay at doon umiyak ng umiyak. Hindi maalis sa isipan ko na hindi niya ako gusto.

"Ano?" tanong ulit ni Mel. Hiniwakan niya aking kanang kamay at nasa kabilang balikat ko naman ang isa niyang kamay.

"Clea isa lang naman ang dahilan kaya nagkakaganyan kung ayaw mong sabihin sa akin ngayon maiintindihan kita ihatid nalang muna kita sa inyo I think you need space?" patanong niyang sabi.

"Maybe I need space" I whispered. Naglakad kami palabas at nagtungo sa parking lot na nasa gilid ng campus.

"Cheer up Clea! ano kaba wag mong seryosohin ang mga bagay bagay" tumawa siya at tsaka pumasok sa sasakyan. Alam ko namang gusto niya lang akong maging masaya at hindi ganito parang namatayan.

Huminto siya sa tapat ko at pumasok na rin ako. Pinaandar niya ang sasakyan niya. Ako naman nanatiling tahimik. Sinandal ko ang aking ulo sa headboard at pumikit.

He doesn't like you...

He doesn't like you...

He doesn't like you...

Dumilat ako at kinuha ang phone kong nasa bulsa kasama ang headset. Mas mabuti pang makinig ng kanta kaysa isipin siya. Pero taksil ang utak ko,  siya ang laging hinahanap. Nakakainis!

"Bes ipa check up kaya kita sa psychiatric baka kasi nabaliw kana" Humalakhak si Mel bigla.

"Gusto mo sapak?" inirapan ko siya at napabuntong hininga.

"Wag ako sapakin mo si David baka marealize niyang isang Clea Ortiza ang sinayang niya" aniya at humagikhik.

"Tsk! Hindi siya maghihinayang kasi hindi niya naman ako gusto" umiwas ako ng tingin kay Mel at ibinaling ito sa labas. Nakita ko pa ang malaking billboard ng dad niya. Tsk! Pati ba naman dito? Naghahalucinate na ata ako pati billboard halos kamukha niya ang nasa pictures.

Ugh! David para kang multo sa isipan ko..Nakailang buntong hininga ako. I'm very disappointed about him.

"Paano mo naman nasabi aber?"

"Siya mismo nagsabi sa akin" malungkot kung tugon. Ayan nasabi ko na sa kanya. Siya lang naman ang masasabihan ko wala ng iba tapos si mama kaso busy yun. Hays.

"Kailan ni-whaaat!"

"Ahhhhhh! Shit!" napasigaw nalang ako ng bigla niyang kinabig ang manibela at hininto sa gilid ng karsada.

"God!  Mel gusto mo ba akong patayin!" singhal ko sa kanya. Buti nalang may seatbelt kundi baka nabungi na ako ngayon. Letche!

"Wait wait ano sabi mong siya mismo nagsabi sayo na na ano..na basta yun" kasalukuyang naka nga nga si Mel sa harapan ko. Napabuntong hininga ako at tumango.

"No way! Kaya pala buong araw kang balisa kanina..yan ba ang dahilan?" tanong niya.

"Obviously Yes" umiwas ako ng tingin.

"You should stop chasing that feeling retard bastard!" She hissed angrily. Alam ko namang matagal niya ng gustong itigil yung paghahabol ko kay David eh naramdaman ko naman yun pero pinili niyang suportahan ako.

"I'm still thinking about it Mel but don't you ever say those words to him Mel he isn't a bastard"

"Sorry okay? Pero Clea naman sa kanya na mismo nanggaling diba? Ok I'll shut my mouth and wait for your decision" narinig ko siyang napabuntong hininga.

"Thank you Mel"

"No worries"

Pinaandar niya ang sasakyan at ilang minuto, inihinto niya ito sa tapat ng gate namin. Nagpaalam ako sa kanya bago lumabas at nagpasalamat. Hinintay kong umalis siya pero dumungaw siya kaonti..

"If you need someone to talk to, Just call me up" aniya at tsaka pinaharurot ang sasakyan. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Pagpasok ko sa mansyon, mukha ni mama ang nakita ko. "Hi sweety" kumaway ito sa kanya. Nanood siya ng isang horror movie. Akala ko aalis siya papuntang singapore eh bakit nandito pa siya.

"Hello Mom" umupo ako sa sopa kung saan siya nakaupo at tumingin ako sa  kanya.

"Yeah I know sweetheart na nagtataka ka, I cancelled all my meetings abroad cause I want to spend time with you party party!" masiglang usal ng mama niya tapos iniwagayway pa ang mga kamay.

Natawa naman ako at napailing..."You're crazy mom I understand naman ma kasi para sa future ko naman yun"

Hinila niya ako bigla at hinalikan ang uluhan ko. "Anak kung may problema ka sabihin mo lang ha kasi napapansin ko ng matamlay kana hindi na ikaw yung clea na masigla at masiyahin" aniya at hinagod hagod ang likod ko.

Nagbago ba talaga ako..kung tatanungin ko kaya si mama tungkol sa problema ko. Ano kaya ang magiging sagot at reaksyon niya.

"Mom I want to tell you something"

"u-huh tell me then" mahinahon nitong tugon.

Nagsimula akong nagkwento tungkol kay David. Matagal tagal na rin kasing hindi kami nagkwentuhan ni mama dahil sa busy siya. Kininwento ko ang lahat lahat sa kanya pati yung libro na hiningi sa kanya.

"Sorry Mom kung nagsinungaling ako sorry talaga" Umayos ako ng upo at hinintay ang magiging reaksyon niya.

Bigla itong humalakhak yung parang kinapos ng hininga sa kakatawa. Kumunot naman noo ko dahil sa hindi ko maintindihan kung bakit siya natatawa.

"Grabe ka naman kabaliw sa lalaking yun hahahaha!"

Sumimangot ako.."Ma naman eh anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Kasi anak mali yung ginawa mo I mean masyado kang halata anak" sagot ng mama niya tapos tumawa ulit. Sarap batukan ni mama tsk.

"Ano gusto mong gawin ko? Sabi niya nga na hindi niya ako gusto"

"Naalala mo yung sinabi ko tungkol sa papa mo? Mukhang nagmana ka talaga sa kanya pero magkaiba kasi kayo ang papa mo yung paraan niya kasi eh yung tipong kinukulit ka niya tapos sasabayan niya ng biro yung sayo anak kasi masyadong halata tapos ang seryoso mo pa bigyan mo naman ng twist" humagikhik ito sa harapan niya.

Kasi naman si Papa parang ako dati kaya nagkatuluyan sila kasi si papa habol ng habol sa kanya. Hate na hate niya si papa noon pero habang tumatagal namimiss niya ang pangungulit nito kaya ayun. Parang impossibleng mangyari diba pero ito ako ngayon nabubuhay sa mundo.

"Parang maganda yang sinabi mo ma" ngumiti ako sa kanya.

"Pero anak sasabihin ko sayo bigyan mo muna ng oras ang sarili mo tsaka mo gawin yun I mean gusto kong makita yung Clea dati sana pagbigyan mo ako may one week vacation ako anak" ani ni mama.

"oh sige" ngumiti ako sa kanya.

You're really smart mom thanks!. Like father like daughter! Hindi kita titigilan David.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now