Chasing MRB-Forty Three

192 11 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang alam pala nila Papa ang tungkol sa plano ni David. Ako lang pala yung walang alam sa panahong yun. Kinunsyaba niya pa sila Clifford at kaibigan nito at mga kaibigan ko.

Kasalukuyan kong sininghot ang teady bear na bigay ni Clifford. Napaligoan ko na si Adonis kanina at napakain ko na rin. Ibinaon ko ang aking mukha sa human teady bear at niyakap ito ng mahigpit.

Nabalikwas ako ng bangon at tiningnan kong sino ang tumatawag. Kanina kanina lang sabi niya maliligo daw siya pero bakit ata an bilis niyang natapos?. Nakangiti akong sinagot ang tawag niya.

Hello

Hello is this Clea Ortiza?

Nanlaki ang mata niya ng babae pala ang nasa kabilang linya. Tiningnan niya ang screen sa phone niya pero pangalan ni David ang naroon. Teka teka sino ba 'to?.

Hello still there?

Y-Yes sino po ito?

Nakailang kurap ako habang hinihintay ang sagot ng babae. Pero tumawa ito lang ito.

I'm Divina Villiarde, Davids mom ikaw ba si clea yong girlfriend ng anak ko?

Napamalugat siya at parang nawala siya sa katinuan. For goodness sake!  I'm talking to his mom. Oh God. Clea naman sumagot ka jan!.

Ahm. Opo

Great! Wag kang mahiya sa akin iha botong boto naman ako sayo sa anak ko. Ahm can I invite you tonight?

Po?

Family dinner just say yes please iha gustong gusto kitang makita sa personal.

Okay po

Yes! Thank you iha I'll hang up now palihim ko lang tong kinuha kasi naliligo ang anak ko hahaha sige ingat ka iha basta pumunta ka mamaya ha. Aasahan ko yan.

Sasagot pa sana siya ng bigla itong nawala sa kabilang linya. Nakakailang kurap ako at pinalo ko pa ang aking mukha baka kasi panaginip lang yun. Lutang na lutang ang utak ko kanina. God! Mama niya yun. Kinakabahan tuloy ako mamaya. Patay.

Tumakbo ako palabas ng kwarto at agarang hinanap si mama. I need her right now. Anong susuotin ko mamaya?  Gosh! Botong boto daw siya sa akin pero di ko magawang magbunyi kasi dahil may family dinner mamaya. What the fudge? For real?. Namumula na ata ako ngayon.

"Mama!" sigaw ko.

Pumunta ako sa sala, pero wala siya doon. Sa kwarto niya, sa mini library,  sa private room niya wala din doon.

"Anak anong nangyayari sayo?" tanong ni Nana Linda.

"Si mama po nasaan?"

"Ang mama mo nasa garden niya busy ata kasi may dala dalang laptop"

"Sige salamat po"

Halos kapusin ako ng hininga papuntang garden. At nakita ko siya roon agad pero may kausap ito sa kanang telepono. Dahan dahan akong naglakad at umupo sa bakanteng upuan.

"Erza just send our new design to Mrs. Go right now and use our private email..I'm busy.. Yes.. Good.... Okay... Mr. Villiarde?.."

Napatingin ako kay mama ng wala sa oras. Ang papa ni David?  Pero hindi naman ata siya lang ang Villiarde na negosyante meron din itong kapatid na lalaki. Nalaman ko rin yun dahil kay Papa.

"Ok..He will invest?..Oh God!.. Okay just do your job erza..bye"

Nakatitig parin si Mama sa phone niya. Bumalik siya sa pagkakaupo na parang hindi at ako napansin.

"Mom"

"Goodness Clea! Bakit kaba nangugulat anak" napahawak pa ito sa kanyang dibdib.

"Mom may importante akong sasabihin"

Tumango ito at panay tipa sa kanang keyboard. "Davids mom invited me for a family dinner wala akong susuotin ma" pag-alala kong sabi.

"What?" nanlaki ang mata niya at agarang niligpit ang laptop. Hinila niya ako bigla na parang nagmamadali.

"His dad invested in my company dear and now his wife invited you for a dinner God! Kailangan kitang bilhan ng damit ngayon"

Namilog ang mata niya habang hila hila parin nito ang kamay niya. Ano daw? Bibilhan niya ako? Pwedi naman yung damit ko sa closet pero hindi ko nga alam kung saan dun ang nababagay sa akin.

Pagkatapos naming mamili, nanakit ang buo kong katawan. Napadaing ako dahil sa sakit ng paa ko. Grabe naman kasi si mama halos libutin ang buong mall tapos pumunta pa sa botique. Tapos iisa lang ang nabili namin. Super hero ka talaga ma. Imagine isang damit lang nabili namin. Tapos yung iba pants at shirts may ibang bagong sapatos at stiletto's.

Fr: My David

Nakauwi ka naba baby boo?

To: My David

Oo nakauwi  na po ako ang sakit lang ng katawan ko baby boo :(

Fr: My David

Pahinga ka muna baby boo ha wag ka masyadong gumalaw jan baka mas lalong lumalala :) cheer up baby boo dont be sad okay?

To: My David

Oo naman baby boo! Malakas ata ako salamat baby boo bihis muna ako ah I love you :*

Fr: My David

Sige ingat ka ha I love you too baby boo see you later

Malapad akong nakangiti habang binabasa ng paulit-ulit ang huli niyang message. Tumalon talon ako dahil sa kilig pero napangiwi ako at napahawak sa paa ko. Ang sakit naman nito at nangangalay pa. Panira ng moment talaga. Ang saya na sana eh. Kilig na kilig pa rin ako. Ito na ata ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ko. Syempre ibang usapan yung sa family ko.

David. David. David. Yeah yeah you'll always chanting his name. At di ka kailanman nabigong patibokin ang puso ko ng ganito kabilis.

--------
A/N: Gutom ako :( lol

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now