Chasing MRB-Four

443 7 0
                                    

Hindi ako makagalaw at hindi ako halos makahinga ng normal. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakailang buntong hininga ako dahil sa kaba. Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Oh God! Bakit ba ganito ang puso ko para naman atang luluwa na.

Sino bang hindi kakabahan, si David ang katabi ko tapos introduce yourself pa dahil maraming shiftee galing Accountancy Department. Dadami na naman ang karibal mo niyan. Matagal na silang dumami dahil kilala si David sa buong campus. -_-#

Buti nalang natapos na ang ritual ni Maam Devon. Nakakasawa kayang introduce yourself pero okay na rin yun kasi malaman niya na rin ang buo kong pangalan. Sa wakas!.

"listen up class I know na kilala niyo na ako but I'll introduce myself again okay? I'm Ms. Devon Beunovista from accountancy department..tapos na kayong magpakilala batiin niyo naman ang katabi niyo"

Nabato ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Ms. Devon. Shit! Shit! Shit! Batiin daw? Hala! Omg! Omg! Si david babatiin ko tapos babatiin niya 'ko! Kyaaaah!. Kilig na kilig ako habang iniisip ko yun. Ano? Ano na Clea! Ano na sasabihin mo. Napipe kana jan ano batiin mo na siya.

Oh my gosh! This is it. Huminga ako ng malalim at dahan dahang humarap sa kanya. Napalunok ako ng ilang beses, hinintay ko siyang humarap sa akin pero hindi siya humarap. Imbis na ako batiin niya sa kabila siya tumingin at binati sila. Sobrang kinilig yung mga babaeng binati niya. Nawala ang ngiti ko dahil sa ginawa niya.

Dahan dahan akong umayos ng upo at tumingin sa bintana. Bakit ba ganon siya sa akin? Wala naman ata akong nagawang masama sa kanya. Kahit bati man lang wala kahit 'hi' o 'hello'. Bagsak balikat akong nakatunganga.

Hanggang matapos ang klase nawalan na ako ng gana. Niligpit ko ang notebook ko at nilagay sa bag. Bigla siyang tumayo at deretsong naglakad palabas ng room. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya habang papalabas. Marami pa siyang binating mga babae at todo ngiti pa.

Ang sakit naman ng ginawa niya. Ngayon ko lang ata na realize lahat na masakita palang e dedma ka lang ng taong gusto mo. Isinukbit ko ang aking bag sa magkabilang balikat. Narinig ko pang kinausap ako ni Althea pero hindi ko nalang siya pinansin.

Parang wala ako sa sarili habang naglalakad sa susunod na subject. Mamaya pa free time ko. Nakakailang buntong hininga ako. Stop over thinking Clea!. Tama tama nga. Hindi parin ako susuko.

"Hoy! Clea Ortiza!"

"What?! manuntok talaga?" I asked with irritation. Si Mel pala ito akala ko kung sino.

"Kanina pa kita tinatawag para sabihing hindi kita kaklase sa first subject"

Nakasimangot lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakalimutan ko ata yun. Akala ko kasi magklase kami kanina. Hindi pala. Sana siya nalang naging katabi ko hindi si David hindi din naman ako papansin nun.

"Hoy! Kanina kapa tahimik ah! Ano kwentuhan mo 'ko nakasulubong ko si Thea kanina sabi niya magkatabi daw kayo ni David ano? Pinansin kana ba niya? Nag-usap ba kayo? Kyaaaah! Oh my gosh! Kinikilig ako" halata nga sa reaksyon niya.

Hindi ko siya sinagot. Ano naman ang isasagot ko? Na hindi niya ako pinansin ganon? Wag nalang. Ayukong malaman niya.

"Ano na? Huhulaan ko? Basi sa mukha mo rejected ka na naman no?" tanong niya sa akin. Inakbayan niya ako.

"Okay lang yan sabi mo nga diba hindi ka titigil? Baka malay mo pansinin ka nga niya diba? Kaya fightinnngg!" Biglang sigae niya na ikinangiti ko. Ibang klase din ang babaeng to. Hindi nawawalan ng pag-asa parang ako.

"Oo na hinding hindi ako titigil wala akong paki kung ilang beses niya na akong hindi pinansin pero balang araw papansin din niya ako!" ngumiti ako sa kanya at palihim na nilakasan ang loob ko.

Wag mong isipin ang araw na ni reject ka ang isipin mo ang araw na papansin ka na niya...sus kung nagkatawang tao ka lang isip ko baka nayakap na kita.

"Bilib din ako sa fighting spirit mo Bes kung ako nasa lugar mo baka matagal na akong sumuko. Kung gusto mo siya susuportahan kita! Buti nalang hindi si david crush ko kundi ang pinsan mong si Clifford waaah! Clifford my loves so sweet and till the end of time!" usal niya at kinikilig pa talaga ang gaga.

Napangiwi nalang ako dahil sa mga sinabi niya. Ano namang nagustuhan niya sa pinsan ko?. Sa bagay, bagay din naman sila kasi si Mel maganda, gwapo din pinsan ko football captain pa. Pero nga lang, si David yung sikat talaga at siya lang ata ang gusto ng nakakarami.

"Baliw kana!" I rolled my eyes but she just smiled at me.

"Mas baliw ka! Hahaha" humalakhak siya.

"Matagal na hindi niya lang nahalata" I chuckled with sarcastic tone.

"Halatang halata kaya manhid lang talaga siya!" she added and laugh again. Hindi ko alam kung anong nakain niya ngayong araw but she lighten my mood. Thanks to her.

"Speaking of David" natigilan siya kaya tumigil din ako tumingin sa harapan.

Masaya na sana pero ito na naman ulit. Nakikita ko siyang may kausap na babae. Oo na mas maganda sila at attractive kaysa sa akin. Pero maganda din naman ako hindi lang talaga nakaayos.

"Ohh? Kapag higad nga naman kumakapit saan saan" bulong ni Mel. Sa halip na pakinggan ko siya, naglakad ako sa kinaruruunan ni Zia na isang HRM student.

"excuse me pweding tumabi ka muna kasi daanan to hindi to tambayan" seryoso akong nakatingin sa kanya.

"Oh? Clea Ortiza known to be the desperate bitch!" she laugh loudly. Bigla siyang kumapit sa braso ni David. Tiningnan ko si David at nakatitig lang din siya sa akin.

Kahit masakit ang sinabi ni Zia hindi ko pinansin sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Hinang-hina ang paa ko. Gusto kung umiyak pero pinigilan ko. Para akong binagsakan ng bato galing sa langit. Ang sakit lang.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now