Chasing MRB-Thirty Five

217 11 0
                                    

Napabuntong hininga ako bago pinihit ang pinto para pumasok. Bumungad sa akin ang mukha ni Mel na nakaupo sa table ni Ma'am Devon. Sinulyapan ko ang mga kaklase ko pero the were busy of something.  Napunta ang tingin ko kay David pero he's busy again with that girl. Wait teka lang.. Now I remember her. Kaya pala pamilyar ang mukha niya kasi kaklase ko siya.

She is Fiona Aguilar Axel's crush who have crush on David. Jealousy is invading his body. Parang gusto niyang sapakin sa mukha ang babae pero wala naman siyang karapatang gawin yun. Sabi ko nga wala kaming label.

"You're late Ms. Ortiza"

Napabaling ako kay Mel na seryosong nakatingin sa akin. Napilitan akong ngumiti.

"Am I?" matamlay kong tanong sa kanya.

Naglaho ang seryoso niyang mukha at napalitan ng pag-alala. Tumikhim ako at lumapit sa kanya.

"Bakit ka nandito Mel diba ibang section ka?" nakakapagtaka lang kasi.

"Ms. Devon asked me to observe her class tapos naman na kami sa activities ng ka grupo ko sa kabilang room she's in a meeting right now" aniya pero hindi nawala ang tingin nito sa akin.

"Alam kong may problema ka at ngayon ka lang na late?" patanong na sabi nito.

Hindi ako makapaniwalang na late pa ako sa lagay ko. Ang aga ko kaya kanina tapos late parin akong nakarating dito. Buong akala ko ako yung mauna sa room pero ako pala ang nahuli.

"Wala akong problema wala lang ako sa mood" bulong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why is that?"

"I don't want to talk about it right now Mel" sagot ko sabay hilot sa aking nuo. Biglang sumaki ang ulo ko at mariin akong napapikit.

"Teka nahuli na ako anong gagawin ko Mel?" mahinahon kong tanong.

"May ibinilin na activities si Ma'am Devon sa inyo  tapos ang ka grupo ay kina Althea" sagot nito.

Nung sinabi niya ang pangalan na iyon. Naalala ko ang regalo ni Xander para kay Althea. Napabaling ako sa gawi nila Althea na seryosong nag-uusap habang si Jasmine naman panay sulat sa mga sinasabi nito.

Naglakad ako sa gawi nila, nakita ko sa pa sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin si David. Gusto ko siyang kausapin pero may ginagawa siya.

"Althea" tawag ko sa kanya. Natigilan siya sa pagsasalita at tumingala sa akin. Nakaupo siya katabi si Axel na ang mga mata naman ay nasa gawi nila David. Nandoon kasi si Fiona.

"Here this is yours" inabot ko sa kanya ang box.

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa box na nasa kamay ko. "Kanino galing yan?" may kuryusidad ang tono ng boses niya

"Admirer mo daw inutusan lang ako" napilitan akong ngumiti.

Buti nalang tinaggap niya ang regalo ni Xander. "Salamat dito at sino man yung nagbigay nito pakisabi salamat ah" aniya.

Kaya nagustuhan siya ni Xander kasi mabait naman talaga si Althea. Kahit simple lang manamit pero ang taas ng I.Q ng babaeng yan.

"Clea ka grupo ka namin upo ka dito" alok ni Jasmine sa bakanteng upuan na nasa gilid niya.

Mariin akong napapikit at napahilot ulit sa aking ulo. Umupo ako sa tabi ni Jasmine at tumingala sa kisame. What the fudge!. Ang sakit ng ulo ko para akong nasusuka na ewan.

"Clea okay ka lang?" tanong ni Jasmine at ang kamay niya ay nasa balikat ko.

"Masakit ang ulo ko"

Lumapit bigla si Axel sa akin.."Gusto mo dalhin kita sa Clinic?" tanong nito.

Umiling ako at ngumiti. "No, I'm fine Axel thanks"

"Clea malapit ko ng matapos ang activity natin wag kang mag alala dito mabuti pang pumunta ka sa clinic baka mahimatay ka nalang dito eh" ani ni Thea na may pag-alalang nakatingin sa akin.

"Teka kumain kaba Clea?"

Natigilan ako sa tanong ni Jasmine. She tsked at napailing. "You didn't?" she added.

"I forgot to eat" 

"Not good for you Clea,.." aniya at saka tumumingin sa tabi niyang si Axel.."Hoy! Samahan mo si Clea sa Clinic ngayon na wala ka namang silbi eh" utos nito.

Nakasimangot sa tabi si Axel at napakamot sa batok. "Ang sama mo naman Jas" lintaya nito.

"Oh ano? Tutunganga ka lang jan o sisipain kita jan"

Natawa nalang ako sa reaksyon ni Axel. May pagka boyish kasi si Jasmine kaya ayun tumayo si Axel at nagpunta sa likod ko. Hinawakan niya ang aking braso para tulungan akong tumayo. Pagtayo ko parang umikot ang paningin ko. Oh God!.  Bakit ko pa kasi nakalimutang kumain kanina.

"Hey Clea are you okay?" tanong ni Axel sa akin. Hinang hina ako habang naglalakad. Hindi ako sanay na hindi kumakain ng agahan.

Tumango ako habang sapo sapo ang aking ulo. "What the fudge is this! Ang sakit ng ulo ko Axel" bulong ko. Umiikot na talaga ang mundo ko.

"Hays.. Sana kumain ka kahit konti Clea" habang akay akay ako papalabas ng room.

"Anong nangyari sa kanya Axel?" I'm sure that's Mel.

"Masakit daw ulo niya tapos mukhang nahihilo eh"

"Ha? Dalhin mo siya sa clinic Axel pagkatapos ko dito pupunta ako roon"

Hinagod pa ni Mel ang likod ko at ako parang naduduwal na ewan. Shucks! sa susunod kakain na talaga ako ng marami. Para akong lasing sa lagay na 'to eh.

"Oh sige Mel hatid ko m---"

"Ako ang maghahatid sa kanya"

Parang tumigil ang paghinga niya dahil sa boses na narinig niya. May diin ito pero parang halinghing iyon sa tenga niya.

"Dude ako na may gagawin pa kayo at mukhang hindi pa kayo tapos"

"Can you just take your hands off  will you?" may diin na tanong niya kay Axel.

Muntik na akong matumba dahil biglang binitawan ni Axel ang braso ko buti nalang nakakapit ako sa pader ng pinto. Nahihilo na talaga ako. Naramdaman kong biglang umangat ang katawan ko. Hindi ko na magawang tingnan ang mukha niya kasi parang mawawalan na ako ng ulirat.

Black out.

--------
A/N: Ihanda ang bridal Car! Hihi.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now