Chasing MRB-Forty One

198 6 0
                                    

Dahil wala sa David buong araw dahil may practice game ito whole day, si Mel ang katabi niya ngayon sa last subject nila. Kanina pa ito palihim na nagti-text at mahinang natatawa. Wala naman din kaming ginawa dito kundi tumunganga puro discuss nalang si Sir sa amin. Tungkol sa behavioral finance ni walang pumapasok sa utak ko kahit isang salita nito.

Palagi kasing si David ang nasa isip ko. Namimiss ko na siya. Wag  ka ngang OA jan Clea hindi mo pa siya boyfriend. Napangiwi naman siya dahil sa iniisip niya. Hindi pa. Pero ang sweet ni David sa akin, hindi niya nakakalimutang batiin ako at sabihin kong nasaan siya.

"Omg! I can't wait"

Napaismid ako dahil sa katabi kong kanina pa panay tawa sa katext niya. Sino ba kasi ang katext nito. Let me see nga. Hinablot ko ang cellphone niya at umayos na napaupo. Napatingin kasi si Sir sa gawi namin.

"Clea!" may diin na tawag sa akin ni Mel pero hindi ko pinansin. Nasa ilalim ng table ko ang phone niya at palihim kong tiningnan kung sino iyon.

Napatakip ako sa aking bibig para pigilang humalakhak.  I couldn't believe that Mel is sweetly texting my cousin Clifford. What the fudge?

Fr: Fordy baby

Pupuntahan kita after class niyo ni Clea see you melody <3

Wow naman ang sweet talaga. May puso pa talaga sa huli. Mukhang palihim na dumediskarte ang pinsan niya sa bestfriend ko ah. Humanda siya kukutungan ko yun. Pero ang nakakatawa yung pangalan na naka phonebook sa contacts niya.

"Fordy Baby" bulong ko tapos lumingon ako kay Mel na pinanlakihan ako ng mata at panyas sinyas na ibalik ang phone niya.

"Give me back my phone clea please"

"Fordy Baby" pang-aasar ko sa kanya.

Napasapo siya sa kanyang noo at napailing. Alam ko namang kinikilig na yan eh kunwari pa ang bruha.

"Akin na kasi yan eh" usal niya tapos panay sulyap kay Sir na abalang nagsusulat sa white board.

"Ito na" inabot ko sa kanya ang cellphone niya. Itinaas niya ang kanyang kamao at aambahan sana ako ng suntok. Binalatan ko lang siya. Baliw talaga.

Pagkatapos ng klase, hinila ko bigla ni Mel palabas ng room. Problema ng isang to.

"Mel saan tayo pupunta? Bakit dito tayo dumaan sa dulo ng room?" pagtataka kong tanong. Hindi naman kasi dumadaan dito sa pangalawang hagdanan ng building. Palaging sa harapan kami dumadaan.

"Punta tayo Oval ngayon na" sagot nito.

"Huh? Diba nga dadaanan kapa ng fordy baby mo?" pang-aasar ko sa kanya. She rolled her eyes instead.

"Hindi na sabi ko sa oval nalang kami magkikita"

"At bakit ako kasama jan? Diba nga ikaw lang?"

Tumugil siya sa panghihila sa akin at seryosong tumingin sa akin. "Bes wag ka nalang kasing magtanong sumunod ka nalang sa boss mo"

Napangiwi ako at mapaklang natawa. "Who's my boss then?"

"Stop asking me Will you? Just follow me bes follow the leader bes! At ako yun!" natatawang sagot nito.

Hinayaan ko nalang siyang hilahin ako papuntang oval. Ano ba kasi gagawin namin doon. Sa bagay doon naman nag nagpa-practice sila Ford. Baka gusto niyang makita ang pinsan ko. Halata nga atat na ata ang gaga.

Kumunot ang noo ko nga makita ko ang maraming studyanteng nagtitipon sa oval. Anong nangyayari naman kaya ngayon. Saang planeta ba ako galing at parang wala akong alam sa mga nangyayari. May event ba ngayon? Pero mukhang wala naman kasi hindi naman nag announce yung mga Student Council Officers even the President.

"Mel may event ba?"

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Walang event Bes" malapad itong nakangiti.

"eh kung wala sabihin mo nga kung bakit ang daming studyanteng nakakalat sa oval?"

She grinned. "Just wait and see" agad siya nitong itinulak at nahawi ang mga studyante sa aming dinaanan.

Puro nakangiti sa kanya ang mga ito tapos panay bati nito sa kanya. Habang siya gulong gulo sa nangyayari? What the hell is happening here? Ang weird ng mga tao dito.

"Dito ka lang ha wag kang gagalaw kundi tatamaan ka sa akin" pagbabanta ni Mel.

Tumango nalang ako at iniwan niya ako. What the! Pinapalibutan ako ng mga studyante. Anong palabas ba ito.

"Clea flowers for you" sabay abot nito sa isang tangkay na red rose sa kanya.

Naghesistate akong tanggapin kasi naalala ko ang sinabi ni David na wag daw akong tatanggap na kahit na ano sa ibang lalaki.

"This is for you actually" sabi naman nung isang lalaki.

Goodness gracious. Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon. Bakit nila ako binibigyan ng ganito.

"Tanggapin mo na Clea sayo talaga yan" sabay abot ulit ng lalaki sa isa pang rosas.

Tinanggap ko iyon. "Salamat" nahihiya akong nagpasalamat. David will freak out about this. Goodness!

"Pretty Clea this is for you too" sabay abot ni Xander sa isa pang rosas.

"Xander anong pakulo ba to?" bulong ko sa kanya.

He shrugged his shoulders "Hindi ko alam basta nakatanggap lang ako nito at ibigay ko daw sayo" sagot niya.

Napabuntong hininga nalang ako at panay pasalamat sa mga lalaking nagbigay sa akin ng bulalak. Halos matabunan na ako ng mga rosas dahil sa dami. Sino kaya ang may pakana nito gusto atang gawing hardin ang katawan ko. -.-

"Hello Clea this is for you  also"

Namilog ang mata ko sa nakita. Si Althea dala dala ang isang human size teady bear na kulay apple green. Nanunubig ang mata ko dahil sa saya. That was my favorite teady bear!. Meron na ako sa bahay niyan pero mas maganda kasi yung galing sa ibang tao.

"At ito rin!" masiglang tugon ni..

"Kanina galing yan Mel?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam eh pinabibigay niya daw sayo" sagot nito at saka inabot ang isang three months old na siberian husky.

"Patulong Mel sa rosas akin na muna yang aso" inabot ko sa kanya ang mga rosas at inambahan ko ng yakap ang aso.

Naiiyak ako habang hinahaplos ang malambot na buhok ng aso. "Kung sino man ang nagbigay sayo sa akin salamat sa kanya" bulong ko. Siberian Husky is my favorite kind of dog. Gosh! Naiiyak ako.

"Tell me Mel kung anong nangyayari ngayon super curious na talaga ako"

"Hindi ko nga alam eh" sagot nito pero malapad na nakangiti sa kanya. Umingay ang paligid at dahan dahan silang nahawi. At nasa gitna ng oval there he goes. He's prince charming David Vaughn Villiarde standing there.

Nagustuhan mo ba ang binigay ko sayo?

Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang naglalakad ako sa hangin. Di ko maramdaman ang mga paa ko dahil ata sa kasiyahan na naramdaman ko ngayon. It was mixed emotion.

Kitang kita sa mga mata mo na nagustuhan mo, stay there my boo

Tumigil ako sa paglalakad habang akay akay ko ang bigay niyang aso.

David  you never fails to surprise me. Hindi  mo alam kung paano mo ako napasaya ngayong araw. Malapad akong nakangiti habang nakatingin sa kanya na naka jersey pa siya parang galing sa practice. But still gorgeous like someone from olympus. Always hot. Goddamn Hot.

Maraming nagsitilian ng nagsimulang tumunog ang speaker na nakapalibot sa oval at ako parang himatayin na sa kilig at saya.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now