Chasing MRB-Eleven

407 8 0
                                    

Nandito kami isang kilalang restaurant kasama syempre ang maganda kong ina. Ang dami niya in-order. Gusto niya ata akong tumaba. Hindi pa naman ako malakas kumain. She's wearing a fitted red dress above the knee and four inches high heels tapos ako naman naka faded jeans at naka black shirt. Ang ganda ni mama tapos ako parang katulong niya.

"Bakit ka nakasimangot anak?" tanong niya at tska isinubo ang steak.

"Mom ang ganda mo lang kasi kaya pala nagustuhan ka ni papa" pang-aasar ko sa kanya.

"Bulag lang papa mo anak" she chuckled and she sip her juice.

"kung bulag si papa eh di sana matagal ng nalunod yung Starlight" humalakhak ako dahil sa reaksyon ng mukha ni mama. Nakanganga ito sa harapan ko.

"Wag kang ganyan anak"

"Joke lang yun ma ikaw talaga"

Tahimik kaming kumakain. Panay kain ko ng desert na in-order ni mama kanina. Lalo na yung red velvet na cake ang sarap kaya.

"After nating kumain dretso tayo sa salon okay?"

Natigilan ako sa pagkain at tiningnan ko siya ng makahulugang tingin. Tumawa lang siya.

"Ma bakit salon?"

Kumunot ang noo niya at ngumiti.."Make over" tipid niyang sagot.

"Ma naman wag mo akong idamay sa trip mo ngayon"

Tumawa siya at ininom ang juice niya.."Wag kang mag-alala wala namang magbabago sa itsura mo alam ko namang maganda ka don't wear your eye glasses di naman sira mata mo gusto ko lang naman makita ang buo mong mukha"

I rolled my eyes..."ikaw ata yung bulag ma di mo ba nakita ang buo kong mukha?"

"Hindi na Anak kasi matagal tagal naring hindi ko nakita yung clea na walang bangs"

"Ma ok naman na may bangs ah?"

"no buts sweetheart"

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi naman nakasama si Mel sa amin dahil may pinuntahan daw siya. Sus hindi niya alam na natx si Ford sa akin na magkasama sila. Matagal na kasing may gusto yung pinsan ko sa kanya tapos gusto niya rin si Ford kaya ayun mukhang may forever na sa kanila pero ako? Gusto ko siya pero hindi niya naman ako gusto. Ang saklap! Ang malas ko talaga. Hays.

Pero salamat kay mama dahil binigyan niya ako idea kung paano paamuhin ang isang David Vaughn Villiarde. Ito nalang ang huling pag-asa ko na mapansin niya.

"Anak tapusin mo na yan para makauwi tayo ng maaga"

Tumango ako kay mama at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos naming kumain,  nagbayad na kami. Halos na kay mama yung mata nung ibang lalaki. Napailing nalang ako at tuluyang lumabas sa restaurant.

Sumakay kami sa sasakyan at ilang minuto lang,  nakarating na kami sa salon na sinasabi ni mama sa akin kanina.

"Kailangan paba talagang magpasalon?" bulong ko sa aking sarili. Napailing nalang ako at sumunod kay mama na pumasok na sa salon.

Isa daw ito sa pinakasikat na salon sa Pilipinas. Pagpasok ko,  may bumati sa akin tapos marami akong nakitang mga ka edad ni mama. Ngumiti ako sa babae na bumati sa akin.

"Ma'am ikaw ba ang anak ni Mrs. Liza Ortiza?" tanong nito.

"Yes" tipid akong ngumiti. Nakakahiya naman kasi ang ganda nung babae.

"Yes! Nice to meet you Ms. Ortiza sabi ng mommy mo na e make over ka daw, konti lang ang aayusin sayo Ma'am kasi maganda ka naman" masigla nitong tugon sa kanya.

"Ha-ha" natawa ako ng pagak. Nahiya naman ako sa sinabi niya. Biro lang yung sinabi kong maganda ako pero totoo pala?.hahaha.

"Ma'am dito muna kayo maupo tatawagin ko lang yung mag-aayos sayo" aniya.

Tumango ako at umupo. Nakita ko siyang may kinausap na babae. Bakit ata lahat ng babae dito maganda? Ako lang ata yung naligaw na mukhang basahan dito. (¬_¬)

Dalawang oras ng lumipas hindi pa siya natapos. Hindi ko alam kung ano ng naging itsura ko ngayon. May tiwala si mama sa kanila kaya nagtiwala nalang ako. Pero kapag hindi ko magustuhan yung buhok ko nako talaga. Gigilitan ko sila ng leeg. Kaya umayos sila.

"Ma'am clea ayan ang ganda mo na! Omg! Ang cute pala ng mukha mo" masiglang usal ng babae. Tapos sinuklay niya ang buhok ko konti at inayos ang bangs ko. Kitang kita ko na talaga ang buong salon.

"Ate pweding tingnan yung mukha ko?" tanong ko.

"Mamaya na lagyan muna natin ng konting blush on" nilagyan niya ang aking mukha pero ang totoo ayaw na ayaw kong lagyan ng mga make up whatsoever na makapagbabago ng mukha ko.

"Ayan okay na simplicity is beauty sabi nila ang ganda mo na lalo Ma'am Clea" aniya. Kaya natawa nalang ako sa reaksyon niya. Curious na talaga ako sa itsura ko.

"Ready?" tanong niya.

I nodded. "yes"

Pumukit pa ako baka kasi lumipad ako sa ibang planeta dahil sa makikita ko. Malay mo naman baka naging zombie yung looks ko diba.

"Open your eyes Ma'am" utos niya.

Dahan dahan akong dumilat. Dinilat ko muna yung kanang mata ko tapos sa kaliwang mata. Para akong baliw sa ginagawa ko.

"omg anak! Ikaw na nga ang anak kong si Clea nagbalik kana" sigaw ng ina niya. Kilala ko boses niya kaya napagdesisyunan ko na talagang edilat ang dalawa kong mata.

Natawa pa yung mga nasa salon dahil kay mama. "Saan paba magmamana diba Mars?" tanong ng isang babae kay mama.

"Syempre sa akin!" masiglang tugon ni mama.

Ako baman nakatanga lang sa malaking salamin. Straight yung buhok ko dati pero ngayon naging kulot na sa baba. Tapos yung bangs ko hindi na katulad kay dora nasa gilid na. Hindi ako makapaniwalang ganito kaganda ang mukha ko.

Clea ang ganda mo shit.. Napahawak ako sa aking mukha at di mapigilang di mapangiti.

David see you soon baka himatayin ka sa ganda ko hahaha!.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now