Chasing MRB-Seven

386 8 0
                                    

Tahimik lang akong nakatanaw sa mga dinaraanan namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para pansinin man lang niya. Itigil mo nalang kaya ang paghahabol mo.

Umiling iling ako dahil sa isinisigaw ng isipan ko. Ayaw kong itigil at di ako mawawalan ng pag-asa sa kanya. Pumikit ako para imudlip saglit. Hindi na nga ako nagpaalam kina Mel at Xander at siguradong magtatampo na naman yung pinsan ko. Si Xander lang ang may alam na pinsan ko si Clifford second degree cousin ko kasi siya.

"Okay lang ba kayo Maam clea?" tanong ni Kuya Arnaldo. Siya ang loyal family driver namin at itinuring narin naming pamilya.

"Oo naman po iidilip muna ako" sagot ko.

"Gisingin nalang po kita Maam pag nakarating na tayo sa mansyon" dagdag niya.

Tumango ako at sinandal sa backrest ang ulo ko. Pumikit ako. Ilang minuto lang lumipas biglang tumunog ang phone ko. Napilitan akong sagutin iyon.

Hello?

Hoy! Asan kaba kanina kapa namin hinanap ni Xander pati si Clifford kanina pa pa ikot ikot sa campus kanina pa kita tinatawagan ngayon mo lang nasagot!

Pauwi na ako masama pakiramdam ko sorry talaga mel pakisabi nalang sa kanila pasensya

Hays. Okay bes pero nanalo sila Clifford at ka-------Hello Bebe Girl?

Napangiti naman ako habang iniisip na magkasama pala sila. Halata naman eh kasi naririnig ko ngayon ang boses ng pinsan ko.

Oh ano?

Dapat tinawagan mo 'ko para ako na naghatid sayo pauwi ano? Nasa bahay kana ba? Pupuntahan kita mamaya.

Okay lang talaga ford congrats pala sorry ha hindi ko tinapos game mo at wag ka ng pumunta dito ok?

Hahaha ok lang bebe girl ako lang naman ang pinakahot na football player sa school natin except K-------ay! Bes puntahan kita jan ngayon

Wag na Mel just spend time with them and enjoy wag kang mag alala konting pahinga lang ito.

Sige bes pero kapag may kailangan ka just call me and I'll be there hahaha

Baliw sige na Ingat kayo jan Ingatan mo din ang puso mo pati pinsan ko.

Waaah! Omg!  Of course bes! Siya pa!

Binabaan ko agad siya. Nagpapasalamat pa rin ako dahil may kaibigan akong nagmamahal sa akin. Napailing nalang ako dahil sa bestfriend ko. I'm sure maglulupasay sa kilig yun ngayon. Kasama niya kasi pinsan ko. Buti pa si Mel makakasama niya ang taong gusto niya pero ako ito naka nga nga. Ang saklap!

"Ma'am nandito na tayo" ani ni Kuya Arnaldo. Tumango ako kanya at lumabas na.

Nagulat ako dahil nandito ang napakaganda kong ina. Always busy naman kasi siya dahil sa business niya pati si dad minsan kang namin makakasama kasi captain yun sa isang cruise ship.

"Baby I miss you!" niyakap niya ako at ganon din ako. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"I miss you too mom" I smiled at her.

"Parang ang tamlay mo ngayon anak may problema ba?" tanong niya na puno ng pag-aalala.

Umiling ako. "wala akong problema ma pagod lang talaga" ngumiti ako para gumaan ang loob niya. Sobrang stress na rin kasi siya dahil lumalim ang mga mata niya.

"Kapag may problema ka sabihin mo lang ha at sya nga pala anak nabili ko na yung  libro na sinasabi mo" nagmadali itong umalis sa harapan niya. Naglakad siya papasok sa mansyon at binati ang mga katulong sa bahay.

"Maam akin na yung bag niyo" akmang kukunin niya ang bag ko pero hindi ko binigay.

"Okay lang po Nana lily kaya ko na po kayo talaga" ngumiti ako at nagmano sa kanya pati na rin sa iba pa.

"Kaawaan ka ng diyos anak"

"Kayo din po sige akyat po muna ako" nagpaalam ako sa kanila. Nasa hagdanan na ako ng bigla akong tinawag ni mama.

"Anak anak! Look this is your favorite book right?" pinakita niya sa akin ang librong hawak niya. Tinakbo kong niyakap si mama dahil sa saya. Akala ko talaga naubusan na ng copies ang book na yun.

"Thank you mom I love you so so so much! Yey!" Niyakap ko ang libro at hinalikan iyon. Honestly it wasn't my favorite book. Its David favorite book nalaman ko yun ng tinanong ko mismo ang Tita niya na ka business partner ni mama. Nagtanong nga si Tita Celeste kung bakit kilala ko si David sabi ko friend ko siya pero nagsinungaling lang talaga ako dahil gusto kong malaman ang lahat lahat sa kanya.

The book titled 'The Cursed Prince'. Ayaw ko namang basahin kasi nakaseal pa. Gusto ko kasing ibigay ito sa kanya baka ito na ang pag-asa kong pansinin niya ako. May t-shirt pa doon sa closet ko na hindi ko pa naibigay sa kanya.

"I love you too baby sige na magbihis kana muna tapos lalabas tayo!" masiglang tugon ng mama niya.

"Lalabas? Saan naman ma?"

"Kakain tayo sa labas namimiss ko na kasing makasama ka at stress na stress na mama mo anak gusto ko ring mag relax kahit ngayong araw" Umupo ito sa sopa at ngumiti sa kanya.

"Sus kahit stress ka maganda ka parin sa paningin namin ni papa" tugon ko na ikinatawa niya.

"Mana ka talaga sa papa mo ang lakas mam bola" napailing ito at humiga sa sopa.
Nagmadali siyang umakyat sa kwarto at hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi. Ang saya saya lang kasi,  kasi sa wakas maibibigay ko na rin ang pinakagustong libro ni David.

Sana tanggapin niya at pansinin niya  na ako.

Chasing Mr. Romantic BalladerWhere stories live. Discover now