Kabanata 48

1.3K 40 0
                                    

Kinabukasan, maaga parehas kaming nagising at nag-prepare na kami para sa pagpunta namin sa probinsya. Inihanda ko na ang mga gamit ko na dadalhin sa pag-uwi. Si MOB naman naliligo na habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit ko.

"MOG I'm done." Bungad nya pagkadating sa kwarto na nakatapis lang ng tuwalya. OMG nakikita ko na naman ang tinapay nyaaa! Ngayon ko lang ulit nakita to. Myghad! ang sarap titigan.

"MOG baka matunaw ang abs ko." Sarkastikong aniya.

"Sorry naman. Magbihis ka na kase." Natatawang tugon ko.

"Naa-attract ka lang sa abs ko." Sarkastikong banat pa niya.

"Oo na. Alam mo namang diyan ako unang na-inlove eh." Natatawang tugon ko.

"Talaga ba?" Pang-aasar pa nya.

"Oo nga."

"Sabi ko nga." Tinawanan pa nya ako.

"Magbihis ka na nga." Pagsusungit ko sa kanya.

"Oh bakit sinusungitan mo na 'ko?" Natatawang tanong nya.

"Ikaw kasi, pinapainit mo ulo ko."

"Hindi kaya." Sarkastikong sagot nya.

"Oo kaya." Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

"Yan ka na naman. Um-oo ka na lang kasi para hindi ako magalit." Medyo naiiritang tugon ko. Ang bilis talaga magbago ng mood ko. Siguro dahil dala na rin ito ng pagbubuntis ko.

Bigla nya akong niyakap mula sa likod. " Sorry na po. Huwag ka nang magalit, please? Love you." Malambing nyang panunuyo sa'kin sabay halik sa pisngi ko.

"Ikaw ba naman matitiis ko, syempre hindi. Mahal na mahal kita eh. Love you too."

Humarap ako sa kanya at k-in-iss ko sya sa labi.

"O sya, magbihis ka na bago pa ma-attract na naman ako sa abs mo." Natatawang sabi ko.

Natawa din sya sa sinabi ko. Bumalik na ako sa ginagawa ko kanina. Si Clark naman nagsimula nang magbihis.

Pagkatapos kong ihanda ang mga gamit ko, kinuha ko na ang tuwalya ko at dumiretso na ako sa cr para maligo. Si MOB naman, naiwan kong inihahanda ang mga damit at ibang gamit na dadalhin sa probinsya.

After 15 minutes nakalabas na rin ako ng cr na nakatapis lang din ng tuwalya.

Nadatnan ko si MOB na nanunuod na ng TV sa sala. Pagkakita nya sa'kin namilog ang mata nya na para bang nakakita siya ng isang dyosa. Sabagay, dyosa naman ako haha.

"Wow MOG, ang sexy mo." Hindi pa halata ang tiyan ko nyan haha.

Napangiti ako nang malapad. "Enebe MOB, maliit na bagay." Sabay sabit ko pa ng buhok ko sa tenga ko na animo'y kinikilig..

Napatawa sya sa ginawa ko.

"Ano ba yan, binobola mo lang yata ako, eh. Makapagbihis na nga." Naglakad na ako pabalik sa kwarto.

"Hindi man MOG." Natatawang pahabol nya.

"Ewan ko sayo."

Sinara ko agad ang pinto nang makita kong papunta rin sya sa kwarto.

"MOG, sorry na." " Papasukin mo na 'ko oh."

"Ayoko."

Shet! Ang bilis ko talaga mainis. Mukhang si Clark yata ang pinaglilihian ko. Siguradong magiging kamukha nya 'to paglabas.

Nagsimula na akong magbihis.

"MOG alam ko na kung bakit ka nagagalit sa'kin." Natatawang sambit nya mula sa labas.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon