CHAPTER 17

1.2K 44 0
                                    

Bigla kaming pinuntahan ni Ate  Crystal at ni Ate Crystia dito sa likod sa kusina.

"Pinapatawag kayo ni Mommy. May itatanong daw sa inyo," Bungad ni Ate Crystal. Tumingin pa siya sa akin nang masama. Halatang may galit talagan sa akin.

"Sumunod kayo sa amin," Sabi naman ni Ate Crystia at tinalikuran na kami. Sumunod naman kaming tatlo sa kanila.

Nang makarating na kami sa kwarto nila Ma'am Precila ay nadatnan namin na may hinahanap si Ma'am Precila sa mga drawer tapos may mga ilang gamit na nakakalat. Ano kayang hinahanap niya?

"Mommy, nandito na sila," Sambit ni Ate Crystal na ikinatigil ni Ma'am Precila sa ginagawa at hinarap kami. Mukhang galit na siya.

"Meron ba sa inyong pumasok sa kwarto ko!?" Pasigaw na tanong niya sa amin. Kaming tatlo ay nagulat sa inasta ni Ma'am Precila.

"Wala po," Sabay-sabay naming tugon.

"Anong wala!? Eh, bakit nawawala 'yong wedding ring ko!? Inilagay ko lang 'yon sa loob ng drawer bago ako maligo pero bakit biglang nawala!? Ano 'yon, magic!?"

"Hindi po namin alam, Ma'am. Baka naman po sa iba niyo nilagay," Tugon ni Nanay Fe.

"Tanda ko na dito ko talaga 'yon nilagay sa loob ng drawer! Nakailang hanap na ako dito ay hindi ko talaga makita! Ano 'yon, basta-basta na lang mawawala, kung wala talagang kumuha!? Umamin na kung sino ang kumuha!" Natahimik kami.

"Mommy, mas mabuti siguro kung tingnan na lang natin 'yong kwarto nila," Suggest ni Ate Crystia.

"Oo nga," Pagsang-ayon naman ni Ate Crystal.

"Okay lang naman siguro sa inyo, kung i-check namin 'yong kwarto niyo, 'di ba?"

"Oo naman po," Tugon namin.

"Mas mabuti pa nga. Ayaw din lang naman umamin ng kumuha." Tumingin pa sa akin si Ma'am Precila at sinamaan ako ng tingin. Ako ba ang pinagbibintangan niya?
"Sige, samahan niyo na sila sa kwarto niyo para makita na ang singsing ko, at para magkaalaman na din kung sino ang kumuha,"

"Okay po,"

Pagkarating namin sa kwarto namin ay agad na hinalughog nila Ate Crystal at Ate Crystia ang aming mga gamit dito. Si Ate Crystia ang naghanap sa mga drawer samantalang si Ate Crystal naman ang naghanap sa aming cabinet kung saan nandoon ang aming mga damit. Hinalungkat niya ang mga damit namin. Wala siyang pakialam kung magulo man niya ang mga ito. Kami lang ay nakamasid sa kanilang ginagawa.

Napahinto sa paghahanap si Ate Crystal at biglang hinarap kami. Nagulat kaming apat nang makitang hawak na niya ang singsing.

"Paano napunta dito 'yong singsing?" Nagtatakang tanong ni Nanay Fe.

"Ewan ko po. Bakit hindi niyo po tanungin si Eloisa," Nagtataka namang napatingin sa akin si Nanay Fe.

"Nanay Fe, wala akong alam diyan," Depensa ko.

"Eh, bakit doon ko nakita sa ilalim ng mga damit mo itong singsing? Nabigla ako sa sinabi niya. "Ipaliwanag mo nga,"

"Hindi ko po alam. Hindi ko po kinuha ang singsing na 'yan. Maniwala po kayo," Nangingilid na ang luha ko.  Nasasaktan ako sa binibintang niya.

"'Wag ka na ngang magmaang-maangan pa. Sa mismong mga damit mo na nga nakita, itatanggi mo pa," Napaikot pa ang mata niya. "Magnanakaw talaga. Bisto na, ayaw pa umamin,"

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon